Nagising ako dahil pakiramdam ko ay nangangalay ‘yung leeg ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Napansin kong palubog na ang araw kaya nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid. Nakasandal na pala ako kay Bryan, kaya agad naman akong umalis sa pagkakasandal. Nakapikit lang siya at tahimik na natutulog. Agad kong tinignan ang oras sa relo ko at nakitang Alas cinco na. “Gising ka na pala.” Napalingon ako kay Bryan na kasalukuyang nakapikit at kalmado. Naalala ko na naman ‘yung nangyari kanina. Hinayaan ko lang na pagsalitaan ako ni Bryan. Ewan ko ba, parang sinasampal niya ako sa katotohanan. “Kanina pa ba tayo dito?” tanong ko. Tumango naman siya. “Sana ginising mo na lang ako. Nakakahiya naman na nag antay ka pang magising ako,” nahihiyang sabi ko sa kaniya. “Ang himbing

