Kanina pa kami dito pero wala ni isa ang umimik sa amin. Seryoso ang mukha niya at hindi man lang sinubukan na magsalita. Ilang minuto na kaming naglalakad habang siya naman ay buhat niya ako. Nakapulupot lang ang kamay ko sa leeg niya. Basang basa na kami pareho. Walang kasiguraduhan ‘tong tinatahak naming daan. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hanggang sa bigla na lang siyang huminto dito sa isang kubo. Agad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Wala namang tao o kahit na ano. Agad kong hinablot ang phone ko sa bulsa. Mabuti na lang at gumagana pa naman. Water resistant ‘tong binili sa akin ni Dylan. Agad kong binuksan at binuksan ang flashlight. Inilawan ko siya at siya namang nagtakip ng kamay dahil nakatutok sa mukha niya. “Wala yatang tao dito, dumito na muna t

