Tatlong minuto na yata kaming magkayakap ngayon pero hindi pa rin tumitila ang ulan at mas lalong gumiginaw. Hindi ko alam kung gising ba siya o tulog dahil nakahiga lang ako sa braso niya. Naririnig ko ang bawat t***k ng puso niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag angat ako ng tingin. Hindi ganoon ka liwanag dahil malolowbat na yata ang phone ko kaya humihina na ang ilaw pero alam ko at sapat na para makita at maaninag ang mukha niya. Nakapikit lang siya at mukhang natutulog. Nakakamiss pala ang ganito. ‘Yung pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman kasing mali pero wala akong magawa. Alam kong hindi pwede pero ang hirap pigilan. Alam kong masama at ikakasira namin pero bakit nandito pa rin ako at hinahayaan ko ang sarili kong hawakan ang kamay niya habang

