Ang sama ng pakiramdam ko. Ilang araw na ang nakalipas mag mula nung pumunta ako sa bahay nila Tessa. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Ilang beses ko sinubukan na tawagan siya at kontakin pero ang hirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Ilang araw na akong walang ganang kumain. Wala rin naman akong ibang malapitan kung hindi si Tessa lang. Pagkatapos ko magbantay sa hospital ay diretsiyo na kagaagad ako sa bahay para maligo at magpalit. Pagkatapos nun ay balik na naman ako sa Hospital. Magang maga ang mga mata ko. Ramdam ko iyon dahil pakiramdam ko ay hirap na akong idilat ang mga mata ko. Ilang araw na akong walang tulog at panay ang iyak ko dahil hindi ako makapaniwalang iniwanan ako ni Tessa ng walang pasabi. Naiinis ako sa mga nangyari. Wala ako sa sarili habang naglalakad

