UNTI unting bumagal ang aking takbo mula sa matagal na pag-jo-jogging. Pawisang pinawi iyon ng baon ko'ng tubig ang pagka hapo at uhaw. It was five in the morning at madilim pa rin naman. Kaunting liwanag lang ang matatanaw sa kasukalang parte ng hacienda. Hindi ako makatulog mula kagabi dahil inaatake ako ng mga alalahanin. Dumagdag pa ang iniwang salita sa akin ni Dylux sa ospital. Kaya naman nagdesisyon na lang akong idaan sa pagtakbo ang lahat ng iyon. Nagawang pawiin ng mga luntiang puno ang anxiety ko. Kaysarap sa pang-amoy at balat ang hamog na bumabalot sa atmospera. Pagkatapos uminom ay ipinatong ko ang tumbler sa upuang bato at muling tumakbo ng isang beses pa. Pero imbis na umikot lang ay pinili ko'ng dumeretso sa kakahuyan upang doon ay makapamasyal na rin. Mga sangang na

