PINAKATITIGAN ko ang aking mukha sa harapan ng salamin. Pulang pula pa rin ang aking pisngi. Paulit ulit nagpi-playback ang mainit na tagpo namin ni Dylux sa sapa. Napapikit ako at napahawak sa aking labi. Pakiramdam ko ay naiwan pa rin doon ang marka ng mga halik niya. Mapusok at maalab. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. Naroon ang palatandaan ng kapusukan niya. Namumuro ang maliliit na lovebites sa paligid ng areola ko. Nagawa na namin ang first base at higit pa roon. Hinayaan ko ang sariling magpatangay sa sensasyong sumapi sa sistema ko. Hindi pa namin nagagawa pero pakiramdam ko ay nadadarang na ako. Nakakawala pala iyon sa tamang pag-iisip. Paano na kapag dumating na ang gabing iyon? Baka tuluyan akong mabaliw. Natapos ang aking paglilinang nang may magagaang katok akong nari

