“I-I'M sorry, your dog didn't make it,” tumulo ang pawis sa mukha ko habang sinasabi iyon kay Erin; ang dalagitang may-ari ng aspin. Maalat iyon nang malasahan ko. Mapait na kabiguang mailigtas ang isang kawawang hayop.
“W-Wala na po ang alaga ko, doktora?” nanginginig ang boses nito. Nangingilid ang luha habang nakatingin sa alaga na noo'y wala ng buhay. “W-Wala na akong makakasama sa buhay. . .”
“I'm sorry, Erin. Hindi ko nagawang iligtas ang alaga mo. Patawarin mo ako,” I am sincerely apologizing to her.
Nagiwas ako nag tingin na lumabas ng operating room. Dahan-dahan ko'ng isinara ang pinto at saka napasandal roon. Mula sa labas ay nag e echo ang iyak ng kawawang dalaga. Nag dadalamhati ito sa pag kawala ng alaga. Pagluluksa ang napakahirap na proseso sa tao. There is no exact time, kung kailan ba gagaling ang pilat na iniwan sa atin ng mga mahal natin. Ganoon ang partikular na naramdaman ko nang mawala si Tatay. Walang kasiguraduhan kung paano makapag sisimula sa buhay nang nagiisa. Nagawa ko naman makaraos, pero hindi ibig sabihin non na nawala na ang sakit.
Inalis ko ang surgical mask at esthethoscope na naksabit sa aking leeg. Hindi ko na inabala pa ang sariling maghugas ng kamay kahit punong puno iyon ng dugo. Napahilamos na lang ako at natulala sa kawalan.
I failed. That's what inside my mind.
This is my first time na mamatayan ng hayop, sa kamay ko mismo. I did not stop the massive bleeding. Naubusan ng dugo si Budots at dala na rin ng katandaan nito kaya hindi na kinaya pa. Nahirapan pa ako lalo dahil walang nag-aasist sakin para sa mga importanteng gamit at iba pa. I'm such a failure. Hindi ko nagawa nang maayos ang trabaho ko.
Naiimagine ko pa rin ang dilat na mukha ni Budots. Ginawa ko ang makakaya ko para isalba siya. Naisip ko tuloy na I'm just nothing kung hindi dedepende kay Piyang. My capability wasn't good enough. Nag sayang lang ba ako ng ilang taon sa Med School para lang pumalpak? Akala ko ay kaya ko na ang lahat. Akala ko ay isa na akong magaling na veterenarian. Akala ko, basta may talino ako na tulad ng isang manggagamot ay kaya ko'ng pagalingin ang lahat ng hayop na may sakit. Subalit may limitasyon rin pala ang kakayahan ko bilang isang doktor. Hindi ko mapipigilan ang kamatayan kahit na anong gawin ko. Hindi ko na namalayan na pati pala ako ay umiiyak na rin. Sobrang disappointed ako sa sarili ko.
“You're crying, what's happen?”
Mula sa paanan ni Dylux ay nag-angat ako ng tingin, tumigil iyon sa pagmumukha nito. My heart is full of anger. Tumayo ako at nag punas ng basang luha sa mata.
Wala akong panahon makipag usap sa kanya kaya pinili kong mag tungo sa opisina ko ngunit hinablot nito ang kamay ko na parang kahit anong oras ay maaari niyang gawin iyon.
Nabuhay ang galit ko at ipina welcome ang palad ko sa kanyang pisngi. I just slapped him so hard.
Tigagal naman ito habang sapo ang mukha. “Hey! What did I do wrong? Bakit mo 'ko sinampal?”
“Hindi mo ba alam? Nagtatanong ka pa talaga?” kagat ko ang ibabang labi. Grabe ang inis ko sa kanya na halos gusto kong paulanan ng suntok ang gwapo niyang mukha. Mayroon akong tendency na manakit kapag sobrang na ang galit at inis.
“That's why I'm asking you. Just tell me, what did I do wrong? Para naman may batayan ako kung bakit deserve ko ang masampal,” bakas ang pagiging mataas pa rin nito.
Noon at ngayon, walang pinagbago ang taong 'to. Tingin pa rin niya sa akin ay alila na pinasusunod nito sa palad. Tauhan na inuutus-utusan at walang karapatang saktan ang mayamang tulad niya.
Napalatak ako. “Tinatanong mo sakin kung anong nagawa mo? Nagmamaang maangan ka ba talaga? Everything about you is wrong!” dinuro ko ang dibdib niya. “May oras pa sana para iligtas ko ang kawawang hayop pero hindi mo ako hinayaan. Inuna mo ang pansariling interes mo! Saan ka ba gawa 'yang emphathy mo? Sa bato? O baka nga wala ka no'n e! Bakit wala ka man lang, konsiderasyon! That poor dog is chasing for his life! Alam mo kahit noon pa ay napaka ruthless mo na sa mga hayop! Sinabi ko na sayo na may feelings din sila! Marunong din silang magmahal! At minsan pa, sila ang mga nakakaintindi sa mga nararamdaman ng iba, kaysa sa mga taong katulad mo!”
“Why you are blaming me? Hindi ako ang gumamot sa aso na 'yon? It's not my fault. It's your fault,” deretsong sabi niya na ikinatango ko. Huli na para marealize nito na napaka insensitive nang nasabi niya sa part ko.
Ang galit na nararamdaman ko para sa sarili ay domoble pa kumpara kanina. “Tama ka, kasalanan ko nga. Doktor ako pero hindi ko nagawa nang maayos ang trabaho ko. Napakapalpak ko. Masaya ka na ba sa narinig? Sana maisip mo rin na ang mga malalaking truck na iyon, ang sumagasa sa kawawang hayop.” wika ko.
“You know, that's not what I mean. Hey, Heina—
Umiling ako at itinaas ang dalawang kamay. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya dahil siguradong basura lang iyon. May awang ang bibig nito nang iwan ko.
Padabog kong sinara ang pinto ng opisina ko at sinubsob ang mukha sa desk. Pinapatay ako ng konsensya ko. Ang kawawang dalagita na iyon, ang sabi niya si Budots na lang ang pamilya niya. Paano na siya ngayong wala na si Budots?
****
MATIWASAY na libing ang ibinigay ko kay Budots. May bakanteng lupa ang dati naming tirahan malapit sa Hacienda Montevista at dito namin pinalibing ang aso ni Erin.
Umiiyak ang dalagita habang nakayukyok sa natabunan ng lupa. May krus din ito at bulaklak ng santan. “Paalam, Budots. Ikamusta mo ako kina nanay at tatay ah. Sabihin mo ayos lang ako at huwag silang mag-alala.”
Kumirot ang puso ko habang nakikinig kay Erin. Katulad na katulad ko siya, nagiisa at walang pamilya.
Narinig ko ang buntong hininga ni Piyang. “Sorry, Heina. Kung bakit naman kasi wrong timing ang pag dayoff ko, wala ka tuloy katulong sa pagsagip sa aso. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako,” suminghot ito at nagpunas ng panyo sa gilirang mata.
“Nangyari na ang nangyari, ako ang doktor pero hindi ko nagawang iligtas si Budots. Kung sana ay hindi ko sinayang ang oras sa pagiisip ng desisyon ay naagapan ko pa ang kawawang aso. Kung sana ay pumayag na lang ako sa ipinipilit ni Dylux sakin, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat.” Isinuot ko ang itim na shades sa mata upang matakpan ang lungkot roon.
Isinusumpa ko, wala ng mamamatay na hayop sa mga kamay ko. Si Budots ang magiging palatandaan na dapat kung pagbutihin ang propesyon.
***
“ISANG shot pa nga,” utos ko sa bartender. Tumalima naman ang masunuring lalaki at agad nagsalin ng tequila sa shot glass. Inisang lagok ko iyon at nag request muli ng panibago.
Pagkatapos naming ilibing si Budots sa lupain ng tatay ko ay nagaya akong uminom sa malapit na bar. Hinatid muna namin si Erin sa bahay niyang gawa sa nipa hut. Gusto kong makabawi sa kanya sinabihan ko siyang pumunta bukas sa clinic. I will hired her as Piyang assistant. That's the least thing I can do for her.
“Dahan-dahan lang, hindi ka pa naman sanay uminom ng maramihan. Alalahanin mo, nababaliw ka kapag nalalasing.The last you drunk, muntikan ka ng mag skinny-dipping sa beach na pinasyalan natin.” Paalala ni Piyang sakin.
“The hell I care. Gusto kong magsaya, dahil sobrang lungkot ko. Imagine, namatayan ako ng hayop sa clinic ko. I can't accept that. You know how much I love animals right? Mas tinuturing ko pa silang tao kaysa sa Montevista na 'yon! Nag veterenarian ako para makabuhay ng hayop at hindi para pumatay!” sabi ko. Nagsisimula na akong makaramdam ng hilo. Ilang shots pa lang iyon pero parang umiikot na ang paningin ko. My alcohol tolerance sucks! “Ipinamukha lang naman sakin ng Dylux Montevista na 'yon ang pagkakamali ko.”
“Hayaan mo na ang taong iyon. Bilasa ang itlog no'n. Isa pa, hindi ka Diyos, Heina. Natural lang na masaktan ka dahil ito ang unang pagkakataon na maencounter ang ganun pero 'wag mo naman sisihin ang sarili mo,” pangaalo nito.
“But still, I'm not good enough, Piyang. Ang pulpol ko. . .” natawa ako sa sarili ko kahit wala namang nakakatawa. Epekto ng alak kapag nanuot na sa sistema, para kang siraulong nakahithit ng happy pill. Sinubukan kong tumayo pero pareho atang kaliwa ang dalawang paa ko at muntik ng matumba. Mabuti na lang ay nasalo ako ni Piyang bago pa ako mawalan ng balanse.
“Ayan, sinasabi ko na nga ba e. Hindi talaga dapat ako pumayag na uminom ka kapag depressed.” ani Piyang. “Umupo ka na nga lang at mag pababa ng tama. Iuuwi kita kapag hindi ka na nahihilo. Hindi kita kayang buhatin kapag nawala ka sa katinuan. Maawa ka sakin, te.”
Pinatigil na rin nito ang paglagay ng bartender ng alak sa mga baso namin. Lumipas ang sandali ay nagpaalam siya na mag babanyo saglit na tinanguhan ko kaagad.
Pabaling baling naman ang ulo ko na sinasabayan ng pagpilantik ng mga daliri sadya dahil sa kalasingan. The DJ knows how to play the song very well. Nakisabay ako sa indak ng ritmo ng tugtugin hanggang sa makarating ako sa gitna ng dance floor. Nakita ko na na lang ang sariling umiindayog kasama ang isang lalaking hindi ko kilala.
Hataw na hataw ito sa pagsayaw na parang nagpapakitang gilas sakin. Hindi siya maitsura at halatang pilit ang porma pero dahil nasa mood ako ay pinatulan ko ito.
Kalaunan ay nakaramdam ako nang paninikip ng sikmura at napasuka sa damit ng lalaking kasayaw. Mahigpit ang hawak ko sa damit ng lalaki. Isinuka kong lahat hanggang hindi ko nasasaid ang Nagmura ito at malakas akong tinulak. At kahit nasubsob na ako sa sahig ay nagawa ko paring tumawa nang tumawa. Literal na baliw ako kapag nalalasing. Mas combo nga lang ngayon.
“s**t! Fvck you, miss! Nasukahan mo na ako pero may lakas ka pang tumawa?” galit nitong sigaw.
“Pasensya na, hindi ko sinasadya,” sincere naman ako pero may halo iyong tawa nang sabihin ko kaya naman mas lalong umusok ang ilong nito.
Hinawakan niya ako sa kamay at pilit na pinatatayo. Bigo siyang maitayo ako. “Alam mo ba kung magkano ang damit na 'to? Ha?”
“You tell me, magkano nga ba?” inaantok kong wika. Halos maipikit ko na ang mga mata sa sobrang antok.
“Mas mahal pa 'to sa buhay mo!” yabang nito.
Tumango ako at saka hinugot ang bente pesos sa bulsa ko pagkatapos ay ibinato iyon rito.“Ayan na ang bayad ko. Pambiling pambabad at fabcon. Labhan mo dahil mukhang hindi pa nakakatikim ng sabon yang damit mo. Napagkamalan ko tuloy na pamunas,” pangangasar ko.
Nangalit lalo ang panga nito at akmang susuntukin nito ang mukha ko subalit bigla na lamang itong tumalsik papunta sa mesa ng iba pang umiinom. Plakda ang mukha nito sa ilalim no'n at nakausli pa ang pwet. Knock out ito sa isang sipaan lang. Kung sino man ang gumawa nito sa lalaki ay walang iba kundi. . . napakurap ako. Naikusot ko ang kamay sa mata. Nanlalabo na kasi ang tingin ko. Hindi klaro sa akin ang mukha ng lalaking nakatayo ilang distansya ang layo sakin pero pamilyar ang amoy niya nang lumapit siya sakin. Naamoy ko na ito sa isang partikular na tao.
“Let's go, iuuwi na kita.” anito sa barotinong boses at saka ako binuhat ng walang kahirap hirap. Hindi ako pumalag dahil na rin sa antok at tama ng alak. Pamilyar ang pagkakabuhat nito sakin. Komportable at ligtas sa pakiramdam.
“Mister, can I sleep in you arm?” anas ko sa hindi malamang dahilan.
Napahagikhik ako nang hindi ito sumagot at nakapikit na nagsumiksik sa mabango nitong dibdib. Maybe his answer is yes. Humihilik akong nakatulog sa bisig ng estranghero.
“Damn you, Heina! Next time, 'wag ka ng iinom ng alak, kapag hindi ako ang kasama mo.”