KABANATA 6

2269 Words
“DOK, aalis lang ako ah. Need ko nang pumunta sa bayan para bumili ng mga supplies natin rito sa clinic,” paalam ni Piyang na kasalukuyang nagpapahid ng lipstick sa labi. “Kulang na kasi iyong disinfectant natin. Pati iyong, toilet paper sa banyo ay paubos na.” From scrub suit ay nagpalit ito ng isang eleganteng bistida. Bihira itong magsuot ng ganon sa kaswal na araw lang. So basically, mayroon pa itong pupuntahan maliban sa pamimili ng supplies. Saan na naman kaya lalandi ang babaeng ito at kontodo ang porma ngayon. Nag-inat ako ng katawan pagkatapos ay humikab. I just realized, mas nakakapagod ang araw kapag walang ginagawa. “Mag day-off ka na lang, Piyang. Ako na ang bibili sa bayan ng mga kailangan dito sa clinic. Wala namang pasyente ngayon at naiinip akong tumanganga rito maghapon,” presinta ko. Mula sa matagal na pagupo ay tumayo na ako at hinubad ang suot na doctor's uniform. Isang blazer ang ipinalit ko sa suot ko'ng sleevless dress. Matumal ang araw na 'to para samin. Wala kahit isang consultation. Maghapon lang akong nag-scroll sa cellphone ng kung ano-ano. Panay ang tawa ko sa mga memes sa isang social media apps. Pampalipas oras sa inaantok kong diwa. “Sure ka?” Tumango ako. “Ikaw bahala. Pabor naman sakin 'yan,” ani Piyang at saka kinuha na ang bag nito. “O siya, bukas na lang tayo magkikita dahil pinag take mo naman ako ng day off ngayon. May ka-date kasi ako sa sentro. Big size 'to, Heina.” “Anong size?” Hindi interasong tanong ko. “Sa tantiya ko, ay mga six inches kapag tulog.” hagikhik ng gaga. “Paano naman kapag gising?” naglagay na rin ako ng lipsticks at face powder bilang paghahanda sa pag-alis. Nag take down notes na rin ako ng mga essential na bagay na dapat kong bilhin para sa apartment. “Mga eight inches siguro,” aniya. “Hindi ko masabi dahil wala pa akong experience. Oh geez, dapat siguro magdala ako ng ruler para masukat ko. If below five inches, hanggang first base lang siya. What do you think?” Pinagdikit ko ang mapulang labi sa harapan ng salamin at sinuri kung pantay na ba ang pagkapahid ko ng lipstick. “I think, you need to buy HIV kit first, just to test if he's positive or negative. Alam mo ba ang bawat porsyento ng mga nahahawa sa HIV, buwan-buwan? Top notcher lang naman ang mga pilipino,” Tiningnan naman ako ni Piyang na parang akong siraulong may sinasabing kakaiba. “Alam mo kung anong iniisip ko ngayon? think, mamamatay kang virgin, Heina. Nakakaloka ka, te! Seryoso? O-oferan ko siya na magpa HIV test sa kalagitnaan ng date?” anito. “Sa tingin mo ba kapag sinabi ko 'yon, hindi ako layasan no'ng tao?” Isa-isa ko'ng binalik ang make up sa bag at binalingan ito, nakataas ang bago kong ahit na kilay. As her friend, minsan kailangan ko rin siyang pagsabihan sa pagiging padalos dalos niya sa pagsama sa kung kani kaninong lalaki. “But still, pangalagaan mo pa rin ang virginity mo. That's precious, you are precious. Huwag kang magmadali,” litanya ko. “Precious nga Heina, pero may expiration date ito. Kukunat pagdating ng panahon. Mawawalan ng saysay kapag hindi napakinabangan ang bahay bata ko,” balewalang saad nito. “Kahit hindi na ako makapag-asawa, ang gusto ko lang mag kaanak para may mag aalaga sa akin pag tanda ko.” I don't agree in pre marital s*x. Pero nature na ng tao ang magmahal ng sobra kaya siguro humahantong na kahit ang sarili ay ipauubaya kahit wala pang kasal. I don't judge them tho. Minsan talaga ay lamang ang konseptong 'I'll cross the bridge when I get there' at ayokong pagsisihan ni Piyang ang mga desisyon niya pag dating ng araw. I'm just worried, co'z I love her. “Hindi ako tutol diyan sa kagustuhan mo. Pero bago mo ibigay ang sarili mo sa kung sinong lalaki diyan, pagisipan mo'ng mabuti. Kilalanin mo nang husto. Hindi naman masama ang mag pakipot kahit kaunti. Kayaman ang katawan ng isang babae, at ito lang ang maibibigay natin sa lalaking pakakasalan natin. I know, you're old enough na para gawin ang gusto mo. Gusto kitang makita na aalagaan ng lalaking magmamahal sayo ng tunay.” Pinalakpakan naman ako nito sabay nag sign of the cross. “Amen, Doktora Heina. Patawarin mo ako sa pagkakasala ko at patatawarin ko naman ang mga nagkasala sa akin.” Wala na talaga akong masabi sa mga linyahan niya at inambahan na lang siya ng sapok ngunit mabilis na itong nakatakbo sa pinto. Benelatan pa ako bago umalis palayo. Napailing na lang ako. Parang bata talaga ang kaibigan kong iyon. Sinigurado ko munang secure ang clinic bago ko iyon iniwanan. Hindi naman nagtagal ay binabaybay ko na ang kalagitnaan ng siyudad. Tipikal na matao ang bawat establishments dito sa sentro. Ibat-ibang mangangalakal na dumadayo pa galing sa karatig lugar. Mayaman kasi ang lugar sa kopra ng niyog. Numero unong supplier ang mga Montevista pagdating sa produktong iyon. Dekada na sila sa negosyong iyon at ni minsan, hindi sila nagkukulang sa pag susupply sa merkado. Dati ay ang mga magulang ni Dylux ang nagpapatakbo ng hacieda. Sa ngayon ay hindi ko na alam kung sino ang kasalukuyang namamahala dahil hindi naman na ako interesadong malaman pa. Malabong si Dylux iyon dahil sa uri ng asta nito ay baka ito pa ang maging dahilan ng pagkalugi ng negosyo nila. But aside from that, batid ko ay marami silang negosyo sa Maynila. Maliit na sektor na lang para sa kanila ang koprahan ng niyog. Hindi nila ikahihirap kahit ipalugi pa ni Dylux ang Hacienda Montevista. And speaking of that asshole, sana masarap ang tulog niya pagkatapos niya akong ilaglag sa sahig. Mabagal ang pagpapatakbo ko habang naghahanap ng magandang lugar na pag paparkingan. Nakahanap naman ako kaagad. Swerte ko dahil malapit iyon sa simbahan. Nagkaroon ako ng dahilan para mag pakabanal saglit. Tamang tama naman dahil may maiksing misa ang pari pagpasok ko. Sermon iyon tungkol sa pag papakain ng mga tao sa tawag ng laman. Pag bebenta ng mga kababaihan sa puri kapalit ng kaligayahan at pera. Saktong sakto sa pananaw ko sa buhay. Nang matapos ay nag donate rin ako kahit paano ng kaunti. Sa malapit na mall lang ako namili nang mga fundamental things na kailangan para sa clinic at sakin. Habang pabalik sa sasakyan ay may kung anong kaguluhan ang nakatawag pansin sa akin. Napapalibutan iyon ng mga usisero at usisera. “Kawawa naman iyong aso. Nasagasaan ng humaharurot na mga bulldozer. Saan ba ang punta ng mga iyon? May gigibain ba sila dito sa lugar natin? Hindi man lang hinintuan ang kawawang hayop na 'to. Mga walang puso.” Narinig kong sabi ng isa sa nakikiusyuso. The moments I heard that it was related to animal, kaagad akong nakipagsiksikan sa mga tao. Then there I saw a teenage girl. Umiiyak ito habang yakap ang aso nitong napinsala. Isa iyong Aspin. Duguan ang pobreng hayop ngunit may malay pa rin naman. In just a span of an hour, maari na itong mamatay kapag hindi nadala kaagad sa veterenarian. “Tulong! T-Tulungan niyo po ang alaga ko. Iligtas niyo po si Budots!” tangis ng kawawang dalagita. “S-Siya na lang ang kasama ko sa buhay. S-Siya na lang ang kasama ko sa bahay. S-Siya na lang ang pamilya ko. . . tulungan niyo akong iligtas si Budots.” “Ineng, wala tayong manggagamot para sa mga hayop dito. Kahit ang pampublikong ospital ay hindi tatanggapin ang alaga mo. Ang mabuti pa, iuwi mo na lang siya at bigyan na maayos na libing,” komento ng isa pang usisero. Nagpanting ang tainga ko. Doon na ako umeksena sa senaryo at kaagad na nilapitan ang nakahandusay na aso. Ngumiti ako sa dalagita. “Huwag ka nang umiyak. Doktor ako ng mga hayop. Budots ang pangalan ng alaga mo, tama ba?” Tumango ito at kaagad na nagpunas ng mukha. Animo'y nakakita ng liwanag at pag-asa. O-Opo,” sumisigok nitong tugon. “Ale, akala ko ba wala tayong doktor ng mga hayop sa lugar natin?” tanong ng mga tao sa babaeng nagpabatid na walang veterenarian ang lugar ng Korodanal. “A-Abay malay ko! Lumaki ako sa lugar na 'to na wala pa'ng doktor ng mga hayop rito. M-Marahil ay dayo lamang itong babae na 'to rito sa lugar natin,” depensa ng ale na marahil ay ka-organisasyon ng mga tsismosang kapitbahay. “Mawalang galang na ho, actually dito po ako pinanganak sa Korodanal. Kung may alaga kayong mga hayop, maari kayong mag punta sa clinic ko at bibigyan ko kayo ng discount para sa consultation fee,” nilitanyahan ko na sila para manahimik na. Tikom ang bibig ng ale pagkatapos ay nagiwas nang tingin. Napailing na lang din ako sa loob loob at napatango sa isang bagay. Kaya siguro walang dumadayo sa clinic namin ay mulat pa rin ang mga tao rito na walang doktor ng mga hayop sa probinsyang ito. It was my fault also. I didn't bother to disseminate flyer's before the soft opening. Di bale, bukas na bukas ay mamimigay ako ng flyers dito sa sentro. “Maari ko bang tingnan ang alaga mo'ng si Budots?” baling ko sa dalagita na suot pa rin ang pagasa sa mukha. Magaan ang loob ko sa kanya. May nakikita akong pagkakatulad namin noong nasa edad niya ako. Iyakin kapag alagang hayop na ang naargabiyado. Mabilis niyang niluwagan ang pagyakap sa alagang aso at saka hinayaan akong suriin ang lagay nito. Inilapit ko ang tainga sa dibdib ng aso at pinakinggan iyon. Medyo mababa na ang heartbeat at kailangan na itong mabigyan ng first aid kaagad. Sunod naman na sinuri ko ay ang paghinga nito. Bumibilis at bumabagal iyon. Binilang ko iyon gamit ang orasan sa aking pambisig. Nang makalkula ay naalarma na ako. Babawian na ng buhay ang aso. Buong lakas ko'ng binuhat ang may kabigatang aso at senenyasan ang dalagitang magmadaling sumunod sakin sa sasakyan. Kailangan kong madala ang aso sa clinic dahil doon ay kumpleto ang gamit ko. Wala akong inaksayang oras at pinaharurot ang kotse pabalik sa clinic. Pagdating namin ay makapal na alikabok ang sumagupa sa mukha ko mula sa malalaking truck na gumigiba sa mga establisyemento katabi ng clinic ko. Dahan-dahan akong napatakip sa bibig. f**k! Pakana na naman ito ni Dylux! “Sandali!” pigil ko sa manong na noo'y hahampas sa pader ng clinic gamit ang maso. “Kuya! Sandali! Sandali! Relax!” Halos malaglag ang puso ko dahil muntik na niyang magalusan ang pader ng clinic. “Miss, tumabi ho kayo diyan at naghahabol kami sa oras. Baka mapagalitan kami ng boss namin kapag hindi natapos ang trabaho sa tamang oras na binigay samin.” “A-Alam ko po'ng hindi akin ang lupang kinatitirikan nito pero pwede bang bigyan niyo muna ako ng konting panahon para kausapin ang boss niyo? Please, just a minute kuya, pagbigyan mo na ako,” dama ko ang pawis na tumatagktak sa noo ko. Pinasadahan ako ni manong nang tingin bago ko nagawang mapa tango ito. “Maraming salamat, kuya.” Dagli kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang lalaking may kagagawan nito. Isang ring pa lamang ay sinagot na iyon ni Dylux. Wari'y nagaabang talaga ng pagtawag ko. “Hello, Dylux. Can we talk?” kalmado lang ako siyempre kahit na ang totoo'y gustong gusto ko na siyang patayin sa sakal. “Of course, you can come to me. Nandito lang naman ako. Nagmamasid sayo.” Hinanap ko kaagad ang kinalalagyan ni Dylux at naroon nga ito sa di kalayuan. Naka rayban shades at nakapamulsang pinanonood ang lahat. There's a devil smile on his lips. Naniningkit ang mata ko siyang nilapitan. Tinanggal niya ang suot na salamin at pinag krus ang kamay bago ako pasadahan ng tingin at saka ibinalik muli sa aking mukha. Tumagal iyon ng ilang segundo. Nauna akong nagbaba ng tingin dahil na rin mas matatag ang kanya. “Stop this, Dylux. Hindi na talaga ako natutuwa. Huwag mo'ng sirain ang pinaghirapan ko,” sabi ko. Seryoso na talaga ako. Masiyado ng ibang lebel ang kadesperadahan ni Dylux at nagagawa na niya ito. “Why? Suko ka na? Akala ko ba ay matigas ka?” aniya. “Hindi sa sumusuko pero may pasyente ako ngayon. Kailangan ko siyang iligtas. Kaligayahan ng bata ang nakasalalay rito,” ani ko. Patagal nang patagal, mas maliit ang tiyansa na masurvived ko ang kawawang aso. “I don't care. Afterall, it's just an animal. Walang magagawa 'yan sa gusto ko,” “Wala kang karapatan,” angil ko, kuyom ang kamao. Pareho parin ang Dylux ang nasa harapan ko at ang nakilala ko noon. Ang taong nasa harapan ko ay walang kosiderasyon sa mga hayop tulad noon. “I told you this before, Heina. I have all the rights. Even if I don't, I will find ways, just to get what I want,” tiim bagang niyang sabi sakin. Taas noo ko siyang tiningan. “Pwes, sirain mo na ang clinic ko kung gusto mo, pero hindi ako mapapasayo,” tinalikuran ko siya. Wala akong nais ngayon kundi ang makauwi at umalis sa lugar na ito. Pero bago ko pa magawang maihakbang ang mga paa ko, natanaw ko naman ang dalagitang umiiyak sa labas ng kotse. Buhat buhat ang naghihingalong alaga nito. “Doktora! Si Budots, parang hindi na humihinga!” sigaw ng dalagita sa akin. Taranta itong tumakbo papunta sakin. Umatake ang konsensya ko. Nahahati na ako sa dalawa, propesyon ko ba ang dapat piliin o ang sarili ko? “Come on, Heina. Isa lang ang maaari mo'ng piliin.” wika ni Dylux na parang nabasa ang nilalaman ng isipan ko. Tumingin ako sa mukha ng dalagita. Miski ito ay naghihintay sa magiging aksyon ko. Napapikit ako. At sa huli ay hinarap si Dylux. “Sabihin mo sa mga tao mo, itigil na ang paggiba. Pumapayag na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD