“MAGANDANG gabi po mga senyorito. . . at sa inyo rin po mga senyorita. . .” Bating pagsalubong ng mga trabahador samin sa labas pa lamang ng simbahan. Nakaabang na ang mga ito pagdating namin. Nag mistulang kandidato ang tatlong magpinsan sa natatamong pagbati mula sa mga ito. Basang basa ko naman sa mga mata ng kababaihan ang paghanga sa tatlong Montevista. Hindi ko naman sila masisisi. Gwapo talaga ang magpipinsang ito. That's the fact that I couldn't deny. “Napakainit naman ng mga ngiti nila. Nakakataba ng puso.” Bulong ko kay Novah. “Mismo. Masarap talaga mamuhay dito sa probinsya. Mababait ang mga tao.” Katabi ko si Novah na may suot na belo sa ulo. I suggested it to her dahil malamig ang panahon ngayon. She's pregnant at baka sipunin siya. Pwede kasi siyang mahamugan sa matub

