TLB 28 “DOK, may bisita po kayo,” Tawag sakin mula sa labas ni Erin. Nakasuangaw ang kalahating katawan nito sa hamba ng pinto. “Sino raw?” tanong ko. Nakalagay pa ang ice pack sa ulo ko. Sobrang sakit ng sentido ko. Paano naman kasi, napahataw ako sa inuman kasama ang binatilyong si Tonton kasama ang mga tropa nito. Masaya kasama ang mga bagets na iyon, pakiramdam ko’y bumalik ako ng panandalian sa katabaan ko. “Tonton daw po. . .” Oo nga pala, tutulong nga pala siya sa pag decorate ng parol. “Ah, Erin. Please assist him. Siya ang makakatulong natin sa pagdedecorate ng parol. Gusto ko muna ipahinga nag ulo ko, hangover,” wika ko. Tumalima naman kaagad ang dalaga pagkatapos ay isinara ang pinto. Tonton is such a gentleman, siguradong magkakasundo sila ni Erin. Sumunod na pumasok

