bc

My Girlfriend Is Nerd my Classmate

book_age18+
170
FOLLOW
1K
READ
possessive
billionairess
sweet
serious
friendship
like
intro-logo
Blurb

Trending: Ng si Sandy Eighteen Year old Ang balita na panget na si Sandy Vellanueva, ng nag aaral Dito sa Campus si Sandy nagpa tibuk ng puso ni Reymond Daladao! Miserable ang buhay ni Sandy dito sa STI, College. Lipa Avenue,

Dahil laging tampulan ng tukso ang kapangitan niya. Pero dahil sa isang pictures ng ge post pinsan ni Sandy, napalapit siya sa Idol ng campus na si Louis Sandoval Nineteen years old at naging kaibigan ito. Mas close pa sila sa close.

Pero paano kung isang gabing ay malasing sila at my nangyari sa kanila dalawa? at dahil sa kalasingan nila wala sila maalala pareho!

Tapos mag bubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit? Matatanggap kaya ni Louis na nabuntis niya ang pangit ng si Sandy?

At totoo nga kaya na buntis si Sandy?

Ano kaya mangyari sa kanila pag malaman ng taga compus ang crush at idol nila ay nabuntis niya ng pangit ng si Sandy?

Abangan ang kuwento ni Sandy & Louis at pag aapi ng Campus kay Sandy dahil sa balita nabuntis siya ng crush ng Campos!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Louis! Sukob ka na sa payong ko!" Anyaya ng isang babaeng maganda na isa ring estudyante sa paaralan ng pinapasukan ko. Pero nginitian lang ito ng guwapong binata na si Louis at inilingan. Ang lakas kasi ng ulan at walang dalang payong si Louis, si Louis Sandoval! Ang campus crush ng STI, College Lipa Avenue kahit na Second year palang siya sa kursong Business Management. Napataob niya kasi ang dating campus crush. Napansin agad ng marami ang kanyang kaguwapohan, kaya nasa kanya na ngayon ang trono ng pagiging campus crush. Iba kasi ang kagwapuhan niya raw. Nakakakilig o mas tamang word nakakalalag panty daw. Kaya siya na ang tinitilaan ngayon ng maraming kababaehang estudyante pati na ang mga bading. Wala rin ang kanyang motor o kotse dahil naki-ride lang siya kanina sa barkada niyang si rickz. Hindi naman niya akalaing may lakad ang kabarkadang iyon ngayong uwian kaya napag-iwanan siya rito ngayon. At wala na siyang magawa kundi ang mag-antay na tumila ang ulan. Iilan na lang ang estudyante ng school kaya medyo nag-aalala na siya. Ayaw naman niyang pag bigyan ang mga offer sa kanya ng mga magagandang chicks dahil baka bukas ay tsismis na naman. Graduate na kasi siya sa pagiging playboy. Sawa na siya sa image niyang iyon. Iniwan na niya sa high school life niya. "Louis, meryenda muna tayo sa canteen. You want? Patilain na lang natin muna ang ulan."Anyaya sa kanya ng isa namang sexy na babae kahit estudyante pa lang. "Sige lang. Busog pa ako eh," tanggi niya ulit. "Louis, sabay ka na sa 'kin! Saan ba ang way mo? Hatid na lang kita?" Papansin rin ng isa pang sosyalin na nakasakay naman sa kotse at sinadyang tumigil sa tapat niya para alukin siya ng ride. "Uhmm... Salamat pero parating na 'yong sundo ko," magalang pa rin niyang sabi kahit naiinis na siya sa mga makukulit na mga babae. Kung luko-loko lang siya, ay ewan na lang. Kahit pairalin niya kasi ang playboy image niya ay mapili naman siya. Hindi siya pumapatol sa kung sinu-sinong babae. Hindi siya tulad ng iba, na nagpa-cute lang ang isang babae ay sosyotahin na agad. Hindi siya gano'n. 'Yong mga type lang niya ang pinapatulan niya. Minsan ay nagkasabay-sabay nga lang kaya nabansagan siyang playboy. Hanggang sa naubos na yata ang babae sa school sa mga oras na iyon. Wala na kasing nangungulit sa kanya, pero ang ulan parang hindi pa rin maubos-ubos. Ang malas pa eh na-lowbatt ang cell phone niya kaka-COC kanina. Badtrip talaga ang uwian na ito sa kanya! Aisst! Wala siyang nagawa kundi ang mag-intay pa na tumigil o humina man lang ang ulan. Ilang minuto rin siyang nakatayo roon. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa pantalon niya dahil nanlalamig na siya. Parang gusto niya nang magsisi kung bakit hindi pa siya sumabay sa kahit na sino sa mga babae kanina. Hindi na mailarawan ang kanyang mukha. Inip na inip na siya. "Kahit sinong babae na! 'Pag inalok ako! Sasama na talaga ako!" sabi niya sa sarili na naiinis na talaga. Nang may biglang ngang nag salita sa likuran niya. "Louis? Wala kang payong? Sumabay ka na sa 'kin? "Napangiti siya. Nilingon niya ang babaeng nagsalita. Ngunit agad ding napawi ang ngiti niyang iyon nang makita niya kung sino ang nag salita. Si Sandy pala! Si Sandy! Ang panget nilang kaklase! Hindi naman sa mapanlait siya. Paano kasi ay baduy manamit ni Sandy. May pagkamanang ang style. May salamin pa sa mata, na ewan kung may grado ba o wala. Tapos ang buhok, parang 'di nasuklay ng ilang taon, kaya nabansagan itong pangit dito sa school nila. "Naku naman!" Pabulong na reklamo niya sa sarili. "Kung mamalasin ka nga naman talaga oh!" Napahimas siya sa batok niya. "Malaki ang payong ko!" ngiting ani ni Sandy ulit sa kanya, pinakita nito sa kanya ang hawak na payong. Hiniram ito ng dalaga sa librarian kung saan ito galing. Kababasa kasi ng dalaga kanina sa mga libro sa library ay hindi nito namalayan na malakas na pala ang ulan. Napangiwi si Louis sa offer na iyon ng dalaga. Huwag na lang. Siguro naman ay may makakakita pa sa kanyang ibang estudyante na puwede niyang pakisabayan. Pero nang buksan ni Sandy ang payong na dala nito ay napanganga siya. Ang laki kasi ng payong na dala ni Sandy. Parang 'yong payong na ginagamit ng mga surbetero. Woah! "Tara?!" Lumusong na sa ulan si Sandy. Napalunok siya. Sabagay nagmamagandang loob lang naman ang pangit na dalaga. Saka pansin niya nag-aalok lang ito ng tulong, hindi tulad ng iba na inaalok lang siya kasi crush siya. Ta's malaki ang payong. Puwede na! "S-sige salamat," alinlangan niyang sabi at tumabi na siya kay Sandy. Actually, humanga siya kay Sandy kasi ambigat yata ng payong nito. Seryoso?! Payong kaya talaga ito ni Sandy? Hindi niya ma-imagine kasi na dala-dala ng dalaga ang payong na ito tuwing papasok? "Ako na hahawak," dikawasa'y gentleman niyang pag prepresenta. "Sure ka?" "Oo!" Kinuha niya ang payong pero anong gulat niya nang mabigat pala iyon. "Oy!!" Dinalawa niya ang kamay na pinang hawak na niya dahil muntik na niyang mabitawan. Hindi kaya tayangin sila ng hangin nito? "Hihi!" Napahagikgik si Sandy. Pinilit niyang ngumiti rito. Pahiya siya ro'n ah! Tss! Pero buti na lang talaga at malaki ang payong ng dalaga. Ni ang braso nila ay hindi magdikit. Maluwang silang nakakalakad sa gitna ng ulan. Sapatos lang nila ang nababasa. Kahit na hirap na hirap siya sa pag hawak niyon. Ang ayaw lang niya ay ang paminsan-minsan na paglinga sa kanya ni Sandy sabay tipid na ngiti. Na parang may gustong sabihin. Nag-iiwas na lang siya ng tingin. Naiilang siya eh. Sana lang ay walang makakita sa kanya na kasama niya si Sandy. Baka i-chismis siya bukas na kasama ito. Yay! "Alam mo crush ka ng pinsan ko!" Mayamaya ay sabi sa kanya ni Sandy. 'Yon pala iyon, kaya lagi itong tumitingin sa kanya. At kilala niya kung sino ang tinutukoy nito. Si Clara, ang chubby nilang ka-klase na laging kasa-kasama ni Sandy. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya. Naiintindihan naman niya, kasi ang magaganda nga sa school nila ay may gusto sa kanya, ang mga pangit pa kaya? "Puwede ba tayo mag-Picture? Papakita ko lang sa kanya? "Doon na siya napa-"Huh?!" "Sige na." Umasim ang kanyang mukha. Pero may magagawa ba siya, inilabas na agad ni Sandy ang cell phone nito eh. Tinutok ang camera ng cp sa kanila at nag-smile ng bonggang-bonga. mag-Picture na sila. Hinayaan na niya at nakisama. Kakatawa pa dahil may wacky talaga. Pangit na nga may-wacky pa talagang nalalaman si Sandy? Ayos ah! "Salamat ha?" Tumango siya na maasim pa rin ang mukha. Hindi niya alam kung guwapo siya sa Pictures nila pero hinayaan na lang niya. Alam naman niyang kahit anong anggulo sa camera ay guwapo siya. Pagdating sa waiting shed. "Dito na lang ako," ay aniya na. Doon kasi ay puwede na siyang mag-abang ng taxi pauwi. Tapos may mga guard ng school na puwede niyang hingan ng tulong kung sakali. "Sigurado ka?" Tumango siya. "Salamat." "Sige." Iniwan na siya ng dalaga. Buti at hindi na siya kinulit. At ewan niya kung bakit nakasunod pa rin ang tingin niya sa dalaga habang palayo. Kaya naman kitang-kita niya nang muntik itong matapilok. "Ay tanga!" Nasambit niya na napakislot. Ang laki kasi ng payong eh. Lumingon sa kanya si Sandy na mahahalatang nahihiya. Kinawayan niya ito para ipabatid na wala iyong nakita niya. Naiiling na lang siya nang hindi na niya matanawan ang dalaga. Hay! Sana naman ay hindi siya mapunta sa katulad ni Sandy. Naalala niya kasi ang sabi ng lola niya noon sa kanya na.. ANG PLAYBOY! 'PAG NAKARMA! SA PANGIT DAW NAPUPUNTA! Napa-knock on the wood siya, kaya lang ang malas lang ulit dahil wala siyang makitang kahoy. "Naman oh!" inis niyang sambit at kinilabutan! Huwag naman sana! Hayyy!! ano ba to ulang tangal tumigil.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook