Medyo nanibago si Louis sa kwarto na namulatan niya, simpleng silid at pam babae pa, kaya bahagya siyang napangiwi. Buti nalang at naisip niya agad na nandito nga pala siya sa silid ni Sandy dahil kung hindi ay baka nag hestirikal na siya na baka kung saang silid ng babae na naman siya nakatulog.
Napangiti na siya at nag-inat, what a beautiful morning! Pero nang babangon na dapat siya ay di sinasadya na nabalingan niya ng tingin si Sandy na tulog sa may sahig, kaya naman natatawa siyang balik-higa ulit siya at pinag-masdan ang dalaga. Natatawa rin siya sa ginawa niya dito kagabi.
Wala ang salaming malaki ngayon ni Sandy kaya kita na naman niya ang simpleng ganda ng dalaga, tingin niya kunting ayos lang dito ay magiging maganda ito at kung nag aayos lang siya malamang Madami mangliligaw Dito,.
Kumilos si Sandy at napakamot sa pisngi nito.
Lalong napangiti si Louis na nakatitig sa dalaga, napaka-inosente kasi ni Sandy tingnan ngayon, parang bata na natutulog. Pero di naman as in bata dahil bumaba ang tingin ni Louis sa may bandang dibdib ni Sandy, maumbok na yun kaya masasabi niyang dina inosente si Sandy, mukhang inosente lang! Dalaga na ito, kasi buo na ang malulusog na dibdib. Tapos ay bumaba pa ang tingin ni Louis hanggang doon sa balakang ni Sandy, at kahit nakaharap si Sandy sakanya na tulog ay alam niyang medyo maumbok din ang pwetan ni Sandy. In short sexy si Sandy at maganda, hindi lang pinapakita ng dalaga dahil tinatago niya ang lahat ng iyon sa pagka-manang na mga kasuotan at hitsura.
Kaya lang ay natigilan si Louis sa pag papantasya kay Sandy nang bigla-bigla kasing nag dilat ng mata niya si Sandy. At kitang-kita ni Sandy na tinitigan ni Louis ang kanyang balakang kaya naman nag wala agad ang dalaga "Bastos ka mangyak!" palo niya ng unan dito. "Arraaayyy ko!" sapul ang mukha ni Louis. I'm sorry hindi ko sinasatya titigan ka! I'm sorry please!!! "Walang hiya ka!" galit na bumangon si Sandy at sinakyan si Louis sa tiyan at pinag bubugbug.
Wala silang kaalam-alam na habang nag bubugbugan sila ay pumarada ang kotse ni Cassy sa tapat ng bahay nila at dahil nakalimutan ni Aling Yolanda na i-lock ang pinto ng gate dahil sa kamamadali nitong mamalengke kanina ay walang kahirap-hirap na nakapasok ang dalaga sa loob ng bahay.
Dinig na dinig ni Cassy ang away nila.."Ahmmmm! Ahmmmm" boses ni Sandy. "Tama na! Tama na! Masakit na!" boses naman ni Louis. Kaya lang ay iba ang naging dating non sa dalaga. Nakuyom ni Cassy ang kanyang mga kamao "Mga bastos!" sabi nito na napatiim bagang at sumugod sa silid na iyon "Mga hayoooppp kayo!" bulyaw niya agad sa dalawa. Natigilan sa pag-aaway sina Sandy at Louis. Takang napatingin sila kay Cassy na bigla nalang pumasok. Si Cassy ay hindi mailarawan ang naging reaksyon ng mukha sa nakita, si Sandy pa talaga ang nasa taas ni Louis! Kadiri! "I hate you! I hate you!" sugod agad si Cassy kay Sandy, sina bunutan niya ito."Araaayyy ko" angal ni Sandy pero nanlaban narin siya.
Sila na ang nag bugbugan
Parang nashock naman si Louis. Parang di agad nag-sink-in sakanyang isipan ang nangyayari.
"Kadiri ka! Kadiri ka!" sigaw ni Cassy na gigil na gigil kay Sandy.
"Sira ulo ka makapal ang mukha mo! Sira ulo ka Walang hiya ka babae ka!" sigaw naman ni Sandy.
Nag pambuno ang dalawang dalaga sa kama. At doon na parang natauhan si Louis na nag-aaway pala ang dalawa! Na inaaway ni Cassy si Sandy na buntis "Hoooooyyy!" hila niya agad kay Cassy. Pero ayaw mag hiwalay ang kamay ng dalawa.
"I will kill you!" singhal ni Cassy, gigil na gigil talaga ito kay Sandy.
"Ikaw ang papatayin ko makapal mukha mo!" sabi naman ni Sandy. At dahil hawak na ni Louis si Cassy ay siya na ang lyamado sa laban. "Sandy bitawan mo na siya!" sigaw ni Louis kay Sandy. Kahit siya ay nasasabunutan narin ni Sandy. Pero itong si Sandy, parang tuko na kumapit na kay Cassy na akala mo kung sinong matapang."Eeeeehhhhhhh!" tili ni Cassy dahil hindi na siya makalaban, pinipigalan ito ni Louis.
"Sandy tama na! Yang anak natin!" sigaw ni Louis kay Sandy ulit. Sa pag kakataong iyon ay parang natauhan si Sandy at nahintakutan baka makunang siya. Oo nga pala yung baby nila! Kaya naman bigla na siyang lumayo kay Cassy at hingal na hingal siyang napatingin kay Louis.
"You b***h!" pero duro parin sakanya ni Cassy na parang kinulot dahil gulo-gulo na ang buhok nito. Hindi na umimik pa si Sandy, ang nasa isip niya ngayon ay ang anak niya sa tiyan niya, kinabahan siyang napahawak sa manipis parin niyang tiyan. Ahhhh ang sakit na balakan ko nanghihina mga katawan ko. bwuset na Cassy na iyon ang kapal ng mukha niya magpunta dito,
"Halika na!" hila ni Louis si Cassy palabas ng bahay nila Sandy, Paglabas ay siya namang pag pasok ni Aling Yolanda sa bahay "A-anong nangyari?" takang tanong nito dahil hirap na hirap si Louis na ipalabas ang isang babae na hindi niya kilala. "Maaa bigla nalang pong pumasok!" sagot ni Louis sa nama lengkeng ginang.
"Let me go! Papatayin ko ang malanding pangit na iyon!" bulyaw ni Cassy kay Louis. Nag pupumiglas ang dalaga.
At dahil sa narinig ni Aling Yolanda ay nakitulong narin ito sa pag hila sa babaeng walang mudo "Hayop kang babae ka! Nanggugulo ka sa may bahay ng bahay!" Sa may labas ng gate lang nila ito binitawan "Umalis ka na kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" duro ni Aling Yolanda sa dalaga. "s**t you!" kaso ay walang galang na singhal ni Cassy dito.
"Aba't..." papatulan na sana ito ni Aling Yolanda pero pinigilan ito ni Louis.
"Maaa, sige na pumasok na po kayo sa loob! Ako ng bahala sakanya!" anito.
Sumunod naman si Aling Yolanda "Kausapin mo yan baka diko matantya yan" pero sabi muna nito na masama ang tingin kay Cassy bago pumasok ng bahay.
Pag pasok ni Aling Yolanda sa bahay ay nakasalubong nito si Sandy "Anak ano bang nangyari? Ok ka lang ba?"
"Maa masakit po mga katawan ko, sabi ni Sandy pero ang tingin nito ay sa labas. "Mag-uusap lang daw sila, pano ba nakapasok dito ang babaeng yun?"
"Hindi ko po alam, basta sumugod nalang po siya eh" malungkot na sagot ni Sandy sa ina. Natampal ni Aling Yolanda ang sarili nitong noo, naalala na niya, hindi nga pala niya naisara ang gate ng bahay nang umalis siya para mamalengke. At si Sandy, nanghina na napaupo sa sofa bigla siya nanghihina at nahihilo dahil sa nangyari sa kanila,
Maya-maya pay pumasok narin sa bahay si Louis, nag katinginan sila "Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" saka nag-aalalang tanong nito sakanya.
Louis nahihilo ako at Nang hihina. Gusto mo dahil kita hospital baka mapaano baby nating Sandy, okay lang ako kaylangan ko lang pahinga, "Eh Louis sino ba yun ha?" tanong ni Aling Yolanda sa binata.
Nanlulumong umupo sa tabi ni Sandy si Louis bago sumagot "Si Cassy po"
"Girlfriend mo?"
Ang bilis ng "Hindi po" ni Louis Maaa ka school mate ko po. "Hindi? Eh bakit ganun nalang ang galit non, sumugod pa talaga dito" hindi naniniwala si Aling Yolanda. "Ma, nasabi ko naman sa inyo na maraming babaeng nag hahabol kay Louis diba? Kaya masanay ka na at asahan mong may susugod pa ulit dito at mang gugulo" si Sandy ang sumagot na sa ina.
Napahilamos nalang sakanyang mukha si Louis. Hindi niya kasi akalaing magagawa yun ni Cassy. Ang totoo ay nag banta pa itong mag papakamatay bago umalis, pero hindi na dapat non malaman ni Sandy. Kaya lang ay kahit pano ay may pag-aalala siya. Pano kung totohanin yun ni Cassy? "Ganun ba?" pasulyap-sulyap si Aling Yolanda sa binata. Hindi na ito nag taka dahil sa gwapo ni Louis ay segurado ngang madaming babae ang nag hahabol dito "S-sige, mag luluto lang ako ng pananghalian natin" late na sila nagising kaya di na sila nakapag-almusal.
Naiwan ang dalawa sa sala na walang imikan.
"I'm Sorry" .sa nangyari kanina Sandy Hindi ko akalain na susugod si Cassy dito sa bahay niyo!
"Wala yun" sanay na ako kay Cassy kahit nasa campus pa tayo,
Tapos ay katahimikan na naman. "Tulungan ko lang si Mama" pag kuway iwas ni Louis. Tumayo ito at tinungo ang kusina. Halatang nahihiya ito sakanya sa nangyari.
Lalabi-labi si Sandy na mag-isa nalang sa sala. Grabe! Grabe ang nangyari! Ang sakit ng anit niya! Napuruhan ata siya.
"Ma anong gagawin dito sa sayote?" malakas na boses ni Louis sa kusina, nag CR siguro ang Mama niya. "Balatan mo, anak" sagot naman ng Mama niya na nasa banyo nga.
Tumikwas ang isang kilay ni Sandy! Tama ba ang narinig niya may MAMA? At ANAK na? May ganun? Feeling mag byenan na talaga ang mga peg? At kailan pa? Halos mag salubong ang dalawang kilay ni Sandy. "Wow ha? close na sila agad para isang araw palang siya dito Mama ng agad,, Hayyyy sa bagay Duong ding Naman mapunta,
Pero sa huli ay matamis ang naging ngiti ni Yolly, hashtag KILIG...hehe
Buong araw na hindi sila nag-imikan. Paano ay sinasadya niyang iwasan si Louis. Ewan pero dahil sa nangyari kanina ay nahihiya siya dito, na kung tutuusin ay wala naman dapat siyang ikahiya dahil kung meron mang dapat mahiya ay dapat si Cassy yun at hindi siya! Kaya lang kasi ay, Ah basta! Di niya ma explain! Saka wala naman siyang sasabihin sa binata eh!
Buti nalang at matagal din na nag-carwash sa sasakyan niya si Louis, kaya hindi siya nahirapan sa pag-iwas dito. Halos boung mag hapon ata kakalinis si Louis sa kotse eh...well, goodluck na lang sa Mama niya sa bill sa tubig hehe, Nong hapunan na lang sila parang nag kita na dalawa gayung ang liit ng bahay nila. Siguro...sa malamang ..ay iniiwasan din talaga siya ng binata. "Eh ano ng balak niyo ngayon?" untag sakanila ni Aling Yolanda, dahil parehas silang tahimik. Si Louis ang nag-angat ng ulo, binaba muna nito ang kutsara at isang mabilis na sulyap muna ito kay Sandy bago nag salita
"Mama" panimula nito sa sasabihin, nakiki Mama na talaga, at hayaan na lang natin hehe "K-kung ok lang po sana sa inyo eh..gusto ko po sana na ipag papatuloy namin ni Sandy ang pag-aaral namin kahit magkaka-anak na kami"
Umaliwalas ang mukha ng ginang dahil iyon naman talaga ang gusto nila ni Sandy nong una, nag kabukingan lang kasi "Narinig mo yun anak?"
Oo narinig yun ni Sandy, pero hindi nag komento si Sandy, tumango lang siya. Pero ang totoo ay hindi siya sang-ayon, lalo na ngayon na dito pa nga sa mismo nilang bahay ay nagawa na siyang sugurin ni Cassy eh don pa kaya sa school nila na hari at reyna ang mga magaganda at gwapo. Ayaw lang niyang kumuntra kay Louis sa harap ng kanyang nanay. Total ay magiging ama ito ng kanyang magiging anak ay dapat siguro ay mag laan siya ng kunting respeto dito kahit sa harap lang ng isa o maraming tao.
"Mabuti naman at matitino ang pag-iisip niyo, hindi tulad ng ibang kabataan, wag kayong mag-alala susuportahan ko kayo" ngiting saad ni Aling Yolanda, malaki talaga ang pinag papasalamat nito sa Diyos dahil matinong lalaki ang nakabuntis sakanyang anak, mabait pa.."Eh di kung ganun papasok na kayong dalawa sa school bukas? Nakadalawang araw na kayong absent eh" Sumulyap ulit si Louis kay Sandy "Kung gusto na pong pumasok ni Sandy. Eh opo sana" at sagot nito na kay Sandy ang tingin.
"Huh?" si Sandy, bahagyang nagulat ito na naglipat-lipat ang tingin sa dalawang nag-uusap.
"Sabi ni Louis, anak...eh papasok na daw kayo bukas? Ok lang ba sayo?" si Aling Yolanda sakanya.
Tumingin siya sa binata na kaharap, tumango ito sakanya "I-ikaw?" saka anya na nauutal sa binata na rin. Sa silid nila bago matulog balak kausapin ni Sandy si Louis tungkol don. Kaya Ikaw lang ang nasabi niya. Doon nalang sila mag-uusap sa silid ng masinsinan mamaya.
Kaya naman hindi na niya iyon pinatagal, pag katapos kumain ay "Mama sa silid na ako, antok na ako eh" sabi niya, style lang niya yun. Sana lang ay susunod na agad sakanya si Louis para makapag-usap na sila, dahil kung tatanongin talaga siya ay ayaw na niyang pumasok pa sana sa school. Hindi lang siya makatangi ngayon o makapagsalita dahil sa Mama niya. Ayaw niyang malaman ng Mama niya na subra-subra na ang pambubully sakanya ng mga kapwa niya studyante sa school. Ayaw niya itong mag-alala. At ayaw na niyang manugod ulit ito sa school tulad noon.
"Matutulog ka na agad?" takang tanong ni Louis sakanya. "Oo, parang masama kasi ang pakiramdam ko" rason niya at tumalikod na siya.
Narinig pa niya ang sinabi ng Mama niya kay Louis "Hayaan mo na, ganyan talaga ang mga buntis, antukin" "Ganun po ba?" sabi naman ni Louis.
Kung ano pa ang pinag-usapan ng dalawa ay hindi na niya narinig dahil tuluyan na siyang pumasok sa silid niya. Naglatag siya agad sa sahig, humiga at namaluktot, wala siyang ganang makipagtalo ngayon kay Louis kung saan sila hihiga. Saka naka-ilang buntong hininga siya, parang nakikini-kinita na kasi niya kung ano na naman ang mangyayari sakanya sa school kapag pumasok siya bukas. Ok lang sana kung hindi siya buntis.
Lumangitngit ang pinto, may pumasok at segurado siyang si Louis yun. Ewan niya bat bigla siyang pumikit, akala ba niya kakausapin niya ito? Haisstt naduwag na naman ba siya?
Narinig niyang gumalaw din ang kama, humiga siguro si Louis. Lalo siyang pumikit. Pero hindi niya alam ay gumagalaw-galaw naman ang kanyang eyeballs kahit nakapikit siya at napansin iyon ni Louis "Tulog ka na?" tanong ng binata. "Oo!" at ang tanga niya dahil sumagot siya. Nakuuu naman!!! Napangiti si Louis "Gumising ka nga muna! Mag-usap tayo!" "Ayuko" matatag niyang sabi na pumikit lalo ng mariin.
Ilang minuto na hindi nag salita si Louis kaya naman kinabahan si Sandy, nakatulog na ata!? Naku naman! Di man lang siya pinilit na mag-usap sila!
"Eh gaga ka kasi! Sinasabi na ngang mag-usap kayo! Aarte arte ka pa! Yun na sana eh!" nagalit tuloy ang konsensya niya sakanya
Na sinagot niya naman "Eh sa nahihiya ako eh" sinimangutan niya pati ang kanyang konsensya. Pakia-lamera kasi ang peg! Maya –maya pay biglang sumipol si Louis "WEETTEEEWEEWWWW".. yun pala ay pinag nanasahan na naman nito ang katawan niya.
Biglang mulat ng mata niya si Sandy "Bastos ka talaga noh?!" tas galit agad na bulyaw niya dito na napaupo, matik na nabato niya na naman ito ng unan. Pasalamat ito at mabigat ang cabinet niya, kung hindi nakuuuuuuuu...
Pero ang lakas ng halakhak ni Louis sakanya.
Na siyang nag paningkit lalo sa mga mata nya, tumayo siya at yung lamp shades niya na ang inamba niya dito .."Ano huh?" "Ooooyyy!" balikwas agad ng bangon si Louis at karipas ng alis ng kama, tang-ina matigas na yung lampshade noh? "Wag yan masakit yan ooyyy?!" anito na harang-harang ang mga kamay sa mukha niya.
"Talagang ihahampas ko to sayo pag dimo tinigilan ang pagmamanyak mo sakin!" singhal ni Sandy.
"Joke lang yun! Aanhin ko naman ang katawan mo oooyyy!" "Talaga lang huh?" "Oo nga! Inaasar lang kita para magdilat ka ng mata! Tingnan mo Effective!" totoo yun, inasar lang niya ang dalaga. "Sure ka?"
"Oo nga! Kaya ibaba mo na yan at mag-usap kasi tayo!"
Kumibot-kibot ang mga labi ni Yolly, at muling nagsalita ang kanyang konsensya "Ano aarte arte ka na naman?" napa buntong-hininga siya, hindi na! Hindi na siya aarte, dahil kailangan talaga nilang mag-usap ni Louis ngayon, pag kuway ibinalik na nga niya ang lamp shade "Ano bang pag-uusapan natin?" at tanong na niya kay Louis.
Nakahinga naman ng maluwag si Louis, napahawak ito sa dibdib niya, inhale at exhale siya saka nagsalita "Tungkol nga don .. sa..sa pag pasok natin bukas? Ok lang ba sayo? Sayang naman kasi eh"
Napahalukipkip si Sandy saka umupo sa gilid ng kanyang kama "Gusto ko naman kaso natatakot ako" saka matapat niyang sabi.
Sumeryuso na silang dalawa. "Alam ko, kaya nga tinatanong kita"
"Kung nandun pa sana si Xander medyo panatag pa ako na papasok kasi taga pagtanggol ko yun eh, kaso wala na siya eh" drama ni Sandy, pero kung sana nakita niyang nakusot kunti ang mukha ni Louis dahil sa pag banggit niya sa pangalan ni Xander ay magtataka siya, kaso habang nag-sasalita kasi siya ay sa sahig siya nakatingin kaya hindi niya yun nakita "Pano kapag pagkaisahan na naman nila ako dahil sayo! Lalo na ngayon, malamang eh alam na nila na mag kasama tayo sa iisang bubong dahil kay Cassy" at nang tumingin na siya sa mukha ni Louis ay blangko na ang expression ng mukha nito.
Kibit balikat si Louis na sinalubong ang tingin niya "Yun lang naman kung mag titiwala ka ulit sakin?"
"Anong ibig mong sabihin?' "Pwede ko naman kasing palitan si Xander na tagapagtangol mo eh, sabihin mo lang?"
"Weeeeh?" "Oo nga! Kasi alangan namang hahayaan kitang saktan pa nila eh dala-dala mo na ngayon ang magiging anak ko" Natahimik si Sandy, sabagay nga naman.. "Ano? Pasok na tayo bukas? Wag kang mag-alala! Akong bahala sa inyo ng anak natin?"
"Paano?' "Eh di wag kang aalis sa tabi ko, lagi kang didikit sakin!"
"Pano yung ibang subject na hindi tayo magka klase!?' "Text or call ka lang at akoy agad na darating!" tiwalang-tiwala sa sarili niyang sagot ni Louis, nag-ala Superman pa ito, pinalaki nito ang dibdib kahit puro naman yun buto.
Natawa tuloy si Sandy.
"Ganyan! Dapat always kang tatawa para masaya din ang anak natin diyan sa tiyan mo!" "Tse!" pero Suplada ulit ni Sandy dito.
Ngingiti-ngiti si Louis na tumabi sa kinauupuan ni Sandy at lakas loob na kinuha ang isang kamay ng dalaga at masuyo iyong hinawakan. Iyon lang ang alam niyang paraan para paniwalaan ni Sandy ang lahat ng sinasabi niya ngayon. Kaso ay napakislot si Sandy, gusto nitong bawiin ang kamay pero hinigpitan ni Louis ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.
"Anong ginagawa mo?'" naiilang na tanong ni Sandy sakanya.
"Wag ka ngang maarte! Dahil kung titingnan ay mag-asawa na tayo ngayon" "Mahiya ka nga sa sinasabi mo!" "Bakit hindi ba?" Hinila parin ni Sandy ang kamay nito pero ayaw na yung bitawan ni Louis "Ano ba? Ang arte mo talaga!" "Bitawan mo kasi ang kamay ko? Nananaching ka lang eh!" "Ikaw talaga! Saglit lang kasi may sasabihin pa ako! Panira ka naman sa drama natin eh" "Ano ba kasi yun!?"
Sumeryuso ulit si Louis at tumitig sakanya "Gusto ko lang sabihin na...nandito lang ako para sayo at sa baby natin! Sana mag tiwala ka sakin! Promise, hindi na kita ikakaila sa mga kaklase natin o sa ibang mga estudyante! Haharap ako sakanila simula bukas at sa mga susunod pang mga araw na kasama ka sa tabi ko! Basta pagkatiwalaan mo lang ako! Ok ba yun?"
Hindi nakasagot si Sandy dahil parang may bumara sa lalamunan niya, nakipagtitigan lang siya kay Louis na awang ang kanyang mga labi.. at parang may kung anong bagay na humaplos sa puso niya, natouch siya! Touch na touch! maraming Salamat saiyo Louis dahil hindi mo kami pinapayaan ng anak mo.