Cyril POV Ilang buwan na rin ang lumipas. Medyo matagal na rin ako rito sa Amsterdam at kasama ko si Luther. Masaya naman kasama si Luther pero siyempre nalulungkot pa rin ako kasi sobrang miss ko na si Eros. Nasa art room ako ngayon at gumagawa ako ng portraits kasi ito na lang ang pinagkaka-abalahan ko rito. Habang gumagawa ako ng grid lines ay kumatok ang maid sa room. "Sir Cyril..." "Please come in," sabi ko. Pumasok naman ang maid at... "Sir Luther is packing his clothes. I think he has an emergency," sabi niya. "Huh? Did you ask him? He didn't inform me," nagtataka kong sabi. "I think you should talk to him sir." Inayos ko muna ang mga gamit ko. Bakit naman kaya mag-eempake si Luther? Nagmamadali akong pumunta sa room ni Luther at nakita ko siyang nilalagay ang mga gamit n

