Eros POV Bawat araw ay lagi akong malungkot. Pakiramdam ko ay lutang na lutang ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang makita si Cy. I'm getting serious again. Hindi ko na magawang ngumiti. Si Cyril lang naman kasi ang dahilan kaya ngumingiti ako. "Kuya Eros!" Hindi na ako lumingon at naramdaman ko na lang na tinabihan ako ni Era sa kama ko. "May gusto sana akong ipakita sayo kuya," sabi ni Era. "Ano naman 'yun?" Walang gana kong tanong. "Sumama ka po sa akin. Pupunta tayo sa rest house natin sa tagaygay," sabi ni Era. Wala akong gana na pumunta kahit saan. Alam ko naman na hindi nila sasabihin sa akin kung nasaan si Cyril kahit ano pang gawin ko. Nagbihis na lang ako ng damit. Pumunta na kami ni Era sa tagaytay at hindi ko alam kung ano ang plano niya doon. N

