Cyril POV Lumipas na ang mga araw at nakakapag-adjust naman ako dito sa Amsterdam. Masaya naman pala dito kahit wala akong mga kaibigan. Mga bodyguards, driver at maids lang ang kasama ko sa bahay. Wala pa akong nagiging kaibigan. Miss ko na si Era, miss ko na ang papa ko at miss ko na rin si puddin. Lagi akong nakatingin sa pictures niya. Gusto ko sanang makita siya kaya lang hindi na yata pwede. Ang routine ko dito sa Amsterdam ay lagi akong pumupunta sa magandang park. Naalala ko kasi noon na sa park kami unang nagkakilala ng pormal ni Eros. Medyo hindi maganda kasi nung nagkabungguan kami sa school. Napapangiti na lang ako tuwing naalala ko ang mga masasayang nangyari sa aming dalawa ni Eros. Masaya akong alalahanin si Eros habang nakaupo ako dito sa swing. Sana ok lang si Eros.

