Chapter 1 "Cold hearted"

1667 Words
Eros POV *Kring Kring* Naalimpungatan ako ng marinig ko ang alarm clock na sobrang ingay kaya pinatay ko ito at bumalik na ako sa pagtulog... Maya-maya biglang bumukas ang pimtuan pero di ko pinansin at.... "Sir Eros!!! Gising na! Late ka na sa school mo!". Maingay na sabi ng PA ko "Shut up!!! Inaantok pa ako!". Sabi ko sabay subsob ng mukha sa unan. Niyuyugyog ng PA ko ang kama kaya lalo akong nabi-bwisit dahil gusto ko pang matulog ngayon... "Ano ba? Sinabing inaantok pa ako!". Sigaw ko kaya tumigil na yung PA ko sa pagyugyog ng kama. "Pero male-late ka na sa klase mo...". Alanganin niyang sabi sa akin. "I don't care!". Sigaw ko sa kanya. "Bumangon ka na nga! Ang arte-arte mo naman!". Sigaw niya kaya lalo akong nainis. "Sinisigawan mo ba ako?". Naiinis kong tanong sa kanya. "Sorry sir... di ko po sinasadyang sigawan kayo". Natatakot niyang sabi sa akin. "YOU'RE FIRED!!!". Sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan... Umiyak siya bigla at tumakbo palabas ng kwarto kaya natahimik na ang buhay ko dito... Actually that is my 12th Personal Assistant and siguradong mag-hahanap na naman ng bagong PA ang step dad ko at hindi ko alam kung kelan siya titigil... Yung iba kong PA nag-resign dahil hindi na daw nila kaya ang ugali ko at yung iba naman ay sinisante ko dahil naiinis ako kagaya ng nangyari ngayon, pero siguradong bukas o sa makalawa ay meron na namang mag-aaply na maging PA ko... Nakatakip ang mukha ko sa kumot pero narinig ko na biglang bumukas ang pintuan at naramdaman ko na merong yumakap sa likod ko... "Kuya Eros... gising na please late ka na po sa school mo". Malambing na sabi niya sa akin... Tinanggal ko na ang kumot at nakita ko ang malambing kong kapatid na si Era... actually half sister ko siya pero close kami at nagkakaintindihan dahil sobrang bait at malambing ang kapatid kong si Era kahit na 6 years old palang siya. Sabihin na nating masama ang ugali ko sa ibang tao pero isa naman akong mabuting kuya pagdating kay Era... "Good Morning Era...". Nakangiti kong sabi habang kunukusot ang mga mata ko dahil sa puyat. "Good Morning din... mag-breakfast ka muna sa baba kuya". Sabi ni Era at umalis na siya sa kwarto ko. Bumangon na ako at pumunta ng banyo para maka-ligo at pagkatapos ay nagsuot na ako ng uniform ko at college na ako ngayon... Bumaba na ako at pumunta sa may dining area ng mansion namin kaya nakita kong kumakain na si Era kasama ang step dad ko... "Good Morning!". Nakangiting bati ng step dad ko sa akin... Di ko siya pinansin at umupo na ako sa tabi ng kapatid ko... "Bakit mo naman sinisante yung bago mong PA eh 3 days pa lang siya sayo". Mahinahong sabi sa akin ng step dad ko habang kumakain. "He's so annoying". Sagot ko kay Dad "What if... dumating yung time that you need a new PA?". Tanong sa akin ni Era. "I don't know". Sagot ko sa kapatid ko. "Ok let's make a deal!". Sabi ni Dad "Anong deal?". Nagtataka kong tanong habang nakakunot ang noo. "Ikaw na lang ang bahalang pumili ng magiging PA mo at hindi kita papakialamanan". Sabi ni Dad "Well... it's good for me". Seryoso kong sagot sa kanya. Actually kailangan ko talaga ng PA kasi di naman ako ganun katalino kaya kailangan ko ng gagawa ng mga assignments, projects at mga bagay na hindi ko kayang gawin mag-isa pero paano kaya ako makakahanap ng bago kong PA na magtitiis sa ugali ko? Mabait ang step dad ko at patay na si Mom pati ang biological father ko pero si Dad na ang nag-aalaga sa amin ni Era kasi siya ang daddy nito, kaya tuloy hindi ako komportable sa kanya kasi hindi kami magkadugo ni Dad at dati siyang kabit ni Mom kaya naiinis din ako sa kanya kahit na mabait siya kasi feeling ko siya ang reason kaya naghiwalay ang totoo kong mga magulang... ................ Ako nga pala si Eros Vermillion isang mayaman, sikat at sobrang gwapo na pinagtitilian dito sa school kaya minsan naiirita na talaga ako dahil maraming babae ang nakatitig sa akin. Kung ako nga ang papapiliin ay ayoko ng ganitong klaseng hitsura dahil naasiwa na ako sa sobrang dami ng mga umaaligid sa akin kahit cold ang pakikitungo ko sa kanila... Nandito na ako ngayon sa school at pumunta na ako sa locker para kunin ang mga kailangan ko para ngayong araw at binati na naman ako ng mga babae pero snob lang ako kaya umalis na din sila kaagad... Nakita ko na puno na naman ng mga love letters ang locker ko at isa lang ang tingin ko sa mga ito kundi BASURA!!! Tiningnan ko muna isa-isa at galing ang mga ito kay Sheena, Lexi, Mina, Cris, Jillaine, Jessa, Nicole, Erin, Dora at kung sino-sino pa pero isa lang ang pupuntahan ng mga ito kundi saan? Sa BASURAHAN!!! Ewan ko ba kung bakit pa sila nagbibigay ng mga love letters eh deretso lang naman ang mga yun sa basurahan at naiirita ako sa tuwing nakikita ko ang mga iyon... Habang naglalakad sa hallway kinuha ko muna ang phone ko para makinig ng music at bigla na lang... May bumangga sa likod ko kaya tumalsik ang phone ko at kitang-kita ko na nabasag ito... Lumapit na ako sa phone para pulutin at nag-iinit na ang ulo ko... "Ano ba!!! Bakit ka ba tumatakbo? Nakaka-perwisyo ka!!!". Sigaw ko habang pinupulot ang phone ko na basag na basag ang screen eh sobrang mahal pa naman nito... "Sorry... di ko po sinasadya". Alanganing sabi sa akin nung nakabangga na boses ng isang lalaki pero malambing ang pagkakasabi. Pagtingin ko sa kanya ay namangha ako sa nakita kong lalaki dahil sobrang puti ng balat niya na parang nilublob sa gatas, ang ganda ng mga mata at ang haba ng mga eyelashes kaso mga 5'5 lang ata ang height niya. Matangkad kasi ako... "Bakit ka ba tumatakbo?". Naiinis kong tanong sa kanya. "Male-late na po kasi ako...". Sagot niya sa akin na halatang natatakot. "Bayaran mo tong phone ko!!!". Sigaw ko sa kanya at pinag-titinginan na kami ng ibang mga students. "Pe...ro wala po a..kong pera". Nauutal niyang sabi habang nakatingin sa ibaba na parang bata. "Wag mo nga akong lokohin! Paano ka makakapag-aral sa ganitong klaseng school kung wala kang pera?". Galit kong sabi sa kanya at napansin ko na parang naiiyak na siya. "Sorry po... scholar lang po ako dito". Naiiyak niyang sabi sa akin kaya alam kong nakaka-awa na siyang tingnan. "At paano mo to babayaran?". Seryoso kong tanong ko sa kanya. "Wag po kayong mag-alala... pagtatrabahuan ko na lang po hanggang sa mabuo ang pambayad ko sa inyo". Naiiyak niyang sabi sa akin. "Siguraduhin mo lang!". Sabi ko sa kanya at nag-lakad na ako palayo. Ang totoo... kaya ko namang bumili ng phone na ganito kahit sampu pa, pero nahihiya ako dahil alam kong pera pa din ng step dad ko ang ginagamit kong pang-gastos at ayokong isipin niyang masyado akong maluho eh hindi niya naman talaga niya ako anak... Ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng mukha at para siyang bata kasi mukha siyang walang kamuwang-muwang sa mundong ito kaso dapat niyang bayaran ang sinira niya and I'm sure kilala naman niya ako kaya alam niya kung sino ako... Cyril POV Nagmamadali na talaga ako ngayon dahil late na ako at naka-bangga ko pa si Eros Vermillion yung heartrob dito sa school na sabi nila salbahe daw yun kaso nasira ko ang phone niya... Paano ko babayaran yun? Wala akong pera, pero dapat bayaran ko pa din at baka magalit din sa akin yung mga nagkaka-crush sa kanya at baka ma-bully ako dito sa school... Ako si Cyril Cortez isa akong full scholar dito sa school at kumuha ako ng kursong architecture. Minsan pinag-titripan ako dahil mukha daw akong cute na manika o di kaya naman fallen angel dahil sobrang puti ko at parang di ako nasisikatan ng araw tsaka napaka-inosente ko daw tingnan at namana ko ang kutis ko sa mama ko na isang half spanish pero mahirap lang ako kahit na dito ako nag-aaral... Naka-upo na ako sa room at nakatitig lang ako sa labas ng bintana pero biglang tinawag ng prof ang pangalan ko kaya nabigla ako... "Mr. Cortez what is your idea about molecular biology?". Tanong sa akin ng prof. Buti na lang at masipag akong mag-aral at nerd daw ako sabi nila, pero hindi naman masyadong halata. Tumayo na ako para sumagot sa tanong ng prof namin... "Molecular biology is the field of biology that studies the composition, structure and interactions of cellular molecules such as nucleic acids and proteins that carry out the biological processes essential for the cell's functions and maintenance". Sagot ko sa prof namin. "Exactly! Very good Mr. Cortez". Sabi ng prof namin habang pumapalakpak. "Thank you po sir...". Mahinahon kong sabi habang umuupo sa upuan ko. Binabasa ko kasi talaga ang mga libro araw-araw dahil hindi pwedeng mawala sa akin ang scholarship ko kahit na nagtatrabaho ako sa gabi at mahirap talagang pag-sabayin ang trabaho at pag-aaral pero kailangan dahil wala akong allowance kapag hindi ako nagtrabaho... Natapos na ang subject at vacant na ang kasunod kaya naglakad na ako papunta sa library para mag-aral... Pero bigla na lang may humatak sa uniform ko at dinala ako sa isang madilim na room. Marami sila at puro babae at mga bading... Ni-lock nila ang pinto at sobrang dilim pero naramdaman kong may tumali sa mga kamay ko kaya hindi ako maka-galaw. Hindi rin ako makalaban dahil mahina ako at natatakot kaya naiiyak na ako... "Ano pong ginawa ko? Wala po akong atraso sa inyo...". Naiiyak kong tanong sa kanila habang nakagapos sa madilim na room. "Masyado kang papansin!!! At binasag mo pa ang phone ni Eros". Sagot naman ng boses ng isang babae. Mga nagkaka-crush pala sila kay Eros at parang fans club kaso salbahe sila kagaya ng crush nilang si Eros... "Di ko po yun sinasadya... at babayaran ko po yun...". Natatakot kong sabi sa kanila dahil sobrang dilim. "Magtiis ka ngayon dito at pagbayaran mo yung katangahan mo!". Sigaw naman ng boses ng isang bading. "Maawa po kayo sakin... di ko na po uulitin please po...". Naiiyak kong sabi sa kanila. Pero mukhang wala na silang naririnig at iniwan na nila akong naka-gapos dito sa room at ni-lock nila ang pinto kaya naiiyak na ako sa sobrang takot...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD