Chapter 2 "Mysterious Guy"

1776 Words
Cyril POV "Tulong! Please! ilabas niyo ako dito!". Naiiyak kong sigaw habang naka-gapos pa din ang mga kamay ko. Mukhang wala ng nakakarinig sa akin dito sa madilim na room kaya natatakot na talaga ako. Mga ilang oras na din akong nandito at malapit ng matapos ang klase kaya hindi na ako makakapasok... Lalo akong natatakot at baka marami akong nakaligtaang mga lessons dahil baka mawala ang scholarship ko, kaso wala na akong magagawa dito at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko... Mahina ako... lampa at laging inaapi pero kailangan ko pa ding maging matatag para matupad ko ang pangarap ng mama ko para sa akin... Naalala ko pa yung sinabi sa akin dati ni mama na kailangan kong maging mabuting tao na may malinis na puso dahil yun lang ang paraan para matupad ko ang mga pangarap ko at habang inaalala ko ang mga katagang binitiwan ng mama ko bago siya lagutan ng hininga ay hindi ko maiwasan ang malungkot at mangulila dahil alam kong palagi na akong nag-iisa... Biglang bumukas ang pintuan at di ko masyadong maaninag ang taong pumasok sa loob ng room... "Please... tulungan mo ako". Pagmamakaawa ko sa kanya. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at nagsalita siya na alam kong boses ng isang lalaki... "Wala ka ng dapat ikatakot... ligtas ka na ngayon...". Sabi sa akin ng lalaki pero di ko makita ang mukha niya sa sobrang dilim... Kinalagan niya ang mga kamay ko sa pagkakatali at sobrang sakit na ng mga kamay ko, pero pakiramdam ko ay para akong preso na nakalaya sa kulungan... Niyakap niya ako kaya gumaan ang pakiramdam ko at bigla na lang siyang nagsalita... "Ang bango mo naman! Di ko makakalimutan ang amoy mo...". Malambing niyang sabi sa akin at kumalas na ako sa pagkakayakap "Maraming salamat...". Sabi ko sa lalakeng tumulong sa akin. "Wala yun... anong pangalan mo?". Tanong sa akin nung lalaki. "I'm Cyril Cortez...". Sabi ko sa kanya. "Nice to meet you... from now on I will be your superhero...". Sabi niya sa akin at nasa loob pa rin kami ng madilim na room. "Anong pangalan mo?". Masaya kong tanong sa kanya. "Di na mahalaga yun... ang mahalaga ay kilala na kita ngayon". Sabi sa akin ng lalake. "Malaki ang utang na loob ko sayo... paano kita masusuklian?". Tanong ko sa kanya. "Tsaka na lang! Alam ko na magkikita tayo ulit kung talagang destiny kita...". Sabi niya sa akin. "Destiny? Anong ibig mong sabihin?". Nagtataka kong tanong sa kanya. "Wala... sige na aalis na ako". Nagmamadali niyang sabi sa akin. "Huh? eh paano kita makikilala at paano ako makakapagpasalamat sa iyo ng pormal?". Nagtataka kong tanong sa kanya. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi kaya nag-init bigla ang mukha ko at pakiramdam ko ay kasing pula na ang mukha ko ng mansanas... "Para saan yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya. "Para hindi mo ako makalimutan...". Seryoso niyang sagot sa akin. "Sino ka ba talaga?". Tanong ko ulit. "Kailangan ko ng umalis... Bye!!!". Sabi nung lalake at bigla na siyang tumakbo palayo. Iniwan na niya ako at hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa niya... Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya at hindi ko man lang nakita ang hitsura niya dahil sa sobrang dilim kaya lumabas na ako ng room na ito... Hapon na pala at kailangan ko na talagang umuwi dahil may trabaho pa ako mamayang gabi. Lumabas na ako ng school at halos wala na palang mga students dito... Napatingin ako sa mga kamay ko at nakita kong namumula na ang mga ito, puro pasa at bakat na bakat ang lubid sa mga kamay ko. Sobrang puti ko pa naman kaya kitang-kita ang mga pasa sa kamay ko... Grabe yung mga taong nan-trip sa akin dahil hindi man lang sila naawa sa akin kahit na nakiki-usap ako at hindi ko naman sinasadyang mabasag yung phone ni Eros tsaka babayaran ko naman yun... Ganun na ba talaga sila ka-obsess dun kay Eros? Kaya pati ugali eh kapareho na nila... Habang naglalakad pauwi galing school ay napadaan ako sa isang park at konti lang ang nandito ngayon dahil palubog na ang araw at mag-gagabi na rin... May mga batang naglalaro pero kakaunti lang at di ko maiwasan ang malungkot dahil nakikita ko na kumpleto ang pamilya nila, may nanay at tatay na kasama ang mga anak nila kaya di ko maiwasan ang mainggit at maghangad ng kumpletong pamilya... Nanay na nga lang ang meron sa akin at kinuha pa ni Lord pero di ko naman siya masisisi kaso bumibigat talaga ang pakiramdam ko tuwing naalala ko si mama at napansin ko na lang na may tumulong mainit na tubig sa mga mata ko... Habang nagmamasid sa park ay napatingin ako sa playground at may nakita akong batang babae na umiiyak na nakaupo sa swing kaya nilapitan ko siya dahil mukhang mag-isa lang siya ngayon... "Ok ka lang ba?...". Nag-aalala kong tanong sa kanya. Tumingin sa akin yung batang babae habang umiiyak siya at umupo na ako sa swing na katabi niya... "Nawawala po ako...". Sabi nung batang babae habang humihikbi. "Sige... sasamahan na lang kita dito kaya wag ka ng umiyak". Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha niya. "Talaga po?...". Alanganing tanong sa akin nung bata. "Oo naman! Alam mo ba kung saan ka nakatira? Ihahatid na lang kita sa bahay niyo". Sabi ko sa kanya. "Hindi ko po alam ang daan pauwi kaya hintayin na lang po natin ang kuya ko kasi sigurado po akong hinahanap na niya ako...". Sabi sa akin nung bata at huminto na siya sa pag-iyak niya. "Kung ganun sasamahan na lang kita hanggang sa makita ka ng kuya mo". Nakangiti kong sabi sa bata. "Thank you po...". Sabi sa akin ng bata at napansin kong ngumiti din siya. "Ako nga pala si kuya Cyril...". Naka-ngiti kong sabi sa bata. "Ako naman po si Era...". Sagot niya sa akin habang nakangiti. Tiningnan ko ang ID niya at alam ko na kung saan siya nakatira pero sabi niya hintayin na lang daw namin ang kuya niya dito sa park kaya sinamahan ko na lang siya... "Bakit ka ba nawala?". Nagtataka kong tanong ko sa kanya. "Kasama ko po si kuya kaso bumili po ako ng cotton candy at paglingon ko wala na po siya...". Malungkot na sabi sa akin ni Era. "Ganun ba?... siguradong nag-aalala na din sayo ang kuya mo". Seryoso kong sabi sa kanya. "Mabait po ang kuya ko at love na love po niya ako". Nakangiting sabi ni Era sa akin. "Talaga? Ang swerte naman ng kuya mo kasi may cute at mabait siyang kapatid". Nakangiti kong sabi kay Era. "Pwede rin po ba kitang maging kuya?". Tanong sa akin ni Era. "Syempre naman! pangarap ko rin na magkaroon ng kapatid". Sabi ko sa kanya at masaya talaga ako. "Yehey!!! May kuya Cyril na ako!". Masayang sabi sa akin ni Era. "Wala ka po bang kapatid?". Tanong sa akin ni Era. Umiling na lang ako bilang sagot kasi mag-isa lang talaga ako kaya nakakalungkot at wala akong kalaro nung bata pa ako at wala din akong mga kaibigan... Eros POV Nag-aalala na ako dahil nawawala ang kapatid ko dito sa park at baka napahamak na siya... Bumili lang siya ng favorite niyang cotton candy tapos nawala na siya bigla sa paningin ko. Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kapatid ko... Tumakbo ako papunta sa playground at gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya... kahit na nakatalikod ang kapatid ko ay kilala ko pa rin siya kaso meron siyang kasamang lalaki... "Era!!!...". Sigaw ko sa kanya kaya lumingon naman siya. Tumakbo papunta sa akin si Era at niyakap niya ako... "Kanina pa kita hinahanap kuya". Malungkot na sabi ni Era sa akin. "Sorry Era... kasalanan toh ni kuya". Malambing kong sabi sa kanya. "Ok lang po...". Sabi ni Era "Halika na Era... uwi na tayo...". Pagyaya ko sa kanya. "Wait lang po... may ipapakilala po ako sa inyo". Nakangiting sabi sa akin ni Era. "Huh? Sino naman yun?". Nagtataka kong tanong sa kapatid ko. "May nagbantay naman po sa akin habang wala ka". Nakangiting sabi ni Era at tumingin siya sa may swing. Tumingin na din ako sa may swing at nabigla ako sa nakita ko. Yung taong nakabasag ng phone ko sa school ang kasama ni Era kanina... Halatang nabigla din siya at nakatitig din siya sa akin pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko... "Era... siya ba ang kuya mo?". Alanganing tanong nung lalaki sa kapatid ko. "Opo! Kuya Eros halika ipapakilala kita sa kanya". Sabi sa akin ni Era at hinatak niya ako papunta dun sa lalakeng kasama niya. "Magkapatid pala kayo...". Alanganing sabi nung lalake sa akin na may pilit na ngiti. "Magkakilala po ba kayo?". Nagtatakang tanong sa amin ni Era. "Ha? Naku hindi ko siya kilala...". Sabi ko kay Era. "Kuya Eros siya po si kuya Cyril at kuya Cyril siya po ang kuya ko...". Nakangiting sabi sa amin ni Era. Nakatulala lang kami pareho nung Cyril habang magkatitig sa isa't-isa pero bigla siyang ngumiti at hindi ko alam kung bakit at parang huminto ang nasa paligid ko nung sandaling yun... Pinagdikit ni Era ang mga kamay namin para makapag-shake hands kami kaya natauhan ako... Napatitig ako sa kamay ni Cyril at nakita ko sa puro pasa ito at yung wrist niya ay puro bakat ng lubid... "Anong nangyari sa mga kamay mo? Wala naman yan kanina ah...". Nagtataka kong tanong kay Cyril. "Wala toh... na-bully kasi ako kanina". Malungkot na sabi sa akin ni Cyril. "Huh? Bakit di ka lumaban?". Nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi ako marunong manakit ng tao maski lamok nga hindi ko kayang patayin eh". Nakangiti niyang sabi sa akin. "Kaya ok lang na inaapi ka?". Tanong ko ulit sa kanya. Tumango lang siya at tumingin sa ibaba niya at mukhang napaka-lalim ng iniisip niya ngayon... "Bakit nila yan ginawa sayo?". Tanong ko ulit kay Cyril. Napatitig lang siya sa akin pero di siya sumasagot... "Uhmmm... gabi na... kailangan ko ng umuwi...". Sabi sa amin ni Cyril. "Nice to meet you...". Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. "Siya nga pala... pag-iipunan ko na lang yung pambayad sa phone mo...". Sabi sa akin ni Cyril . "Huh? Bakit po? Ano pong meron sa phone ni Kuya Eros?". Nagtatakang tanong ni Era kay Cyril. Umupo si Cyril sa harapan ng kapatid ko at kinausap niya si Era... "Mahabang kwento eh... nabasag ko kasi yung phone ni Kuya mo kaninang umaga". Nakangiting sabi ni Cyril sa kapatid ko. "Ganun po ba? Ingat po kayo palagi". Sabi ni Era kay Cyril. "Lagi kang makikinig sa kuya mo ha? At lagi kang magpapakabait". Sabi ni Cyril sa kapatid ko. Biglang niyakap ni Era si Cyril at... "Sana magkita po tayo ulit kuya...". Malungkot na sabi ni Era habang nakayakap kay Cyril. "Oh sya gabi na... baka hinahanap na kayo sa inyo...". Sabi ni Cyril at tumayo na siya. "Bye kuya Cyril!...". Sabi ni Era kay Cyril habang naglalakad ito palayo. Lumingon si Cyril sa amin at kumaway siya sa amin habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ngingiti si Cyril eh parang meron akong kakaibang nararamdaman sa dibdib ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD