Eros POV
Hindi mawala sa bibig ng kapatid ko yung Cyril na yun simula ng umalis kami sa park hanggang sa maka-uwi na kami dito sa bahay kaya minsan ay naiirita na talaga ako pero pinagbibigyan ko lang si Era dahil bata pa siya at kapatid ko siya...
"Kuya Eros! Kelan kaya natin makikita uli si kuya Cyril?". Malambing na tanong sa akin ni Era.
"Aba ewan ko... bakit naman gusto mo siyang makita uli?". Tanong ko naman kay Era at medyo nakukulitan na ako.
"Kasi mabait po siya... classmate mo po ba si kuya Cyril?". Tanong na naman ni Era sa akin.
"Hindi ko siya classmate pero pareho kami ng school...". Sagot ko kay Era.
"Sana po makita mo siya ulit para dalawa na po kayo na kuya ko...". Sabi na naman ni Era.
"Bakit? Ayaw mo na ba kay Kuya kaya naghahanap ka ng iba?". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Hindi po... masaya lang po ako na makita si kuya Cyril...". Malungkot na sagot sa akin ni Era.
"Nagawa mo na ba yung mga assignments mo?". Tanong ko sa kapatid ko.
"Tapos na po kanina pa...". Masayang sabi ni Era sa akin.
"Huh? Paano mo naman nagawa eh wala namang tumulong sayo...". Nagdududa kong tanong kay Era kasi masyado pa siyang bata para magawa yung mga assignments niya ng mag-isa lang siya.
"Tinuruan po ako ni Kuya Cyril kanina nung nasa park po kami bago ka dumating...". Sagot ni Era.
"Tama ba yung mga tinuro niya sayo? Eh baka naman mali-mali yun...". Tanong ko ulit sa kanya.
"Opo! Magaling po si Kuya Cyril at matalino po siya...". Sabi ni Era.
"Matulog ka na nga Era at maaga pa ang pasok mo bukas...". Seryoso kong sabi kay Era.
"Kuya naman! Masungit ka na naman ulit kaya pumapanget ka...". Natatawang sabi sa akin ni Era.
"Oo medyo masungit ako pero gwapo kaya ako!". Naiinis kong sabi kay Era.
"Pumapanget ka po kapag nagiging masungit ka...". Sabi ulit ni Era.
"Matulog ka na nga!". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Good night po Kuya Eros!". Masayang sabi ni Era at pumunta na siya sa kwarto niya.
Ayokong mapunta ang atensyon ni Era sa ibang tao lalo pa at di ko kilala yung Cyril na yun pero napansin ko na magkamukha silang dalawa dahil pareho sila ng amber colored eyes at cute pero mas maputi si Cyril na parang wala na siyang dugo...
Nakaka-insecure kasi hindi ako matalino kaya hindi ko natuturuan si Era sa mga assignments niya at madalas mababa ang mga grades ko kaya naman kailangan ko ng tutor o di kaya naman ay PA para maging maayos ang grades ko pero naiinis naman ako sa mga naging PA ko kasi pag babae nagkakagusto sa akin at naiilang ako pero kapag lalaki naman ay nakikipagsagutan kaya mas nabi-bwisit ako. Yung iba nga ay nababakla sa akin at namamanyakan ako pero nahihirapan ako pag walang PA pero sino kayang makaka-tiis sa ugali ko...
Hay naku! Masyado akong masungit at maraming iniisip pero naging ganito lang naman ako simula nung mamatay si Mom kasi siya lang ang natitira sa aming magkapatid pero iniwan niya pa kami at dito pa sa step dad ko kaya naging ganito ako...
Di ko na namalayan at pumikit na pala ang mga mata ko at nagsimula ng matulog pero ayoko ng maging masungit at sana magawa ko ng magbago at ngumiti...
Sa school......
Pumasok na naman ako sa school at hindi ko maintindihan ang mga pinag-sasabi ng prof ko kaya naiinis ako dahil hindi ko naman magagamit ang standard deviation sa totoong buhay at hindi naman engineering o accountancy ang course ko kaya bakit pa ito tinuturo sa amin...
Buti vacant na ang kasunod kaya naglalakad-lakad na lang ako dito sa hallway at nasaan kaya yung Cyril? Ay ano bayan! Bakit ko ba hinahanap yung taong yun?...
Maraming nagagalit sa akin at naiinis kasi maraming nagkakagusto sa akin kahit na masungit ako pero ayoko naman na may nagkakagusto sa akin lalo pa at dahil lang sa looks ko.
Hay naku! Marami na talagang makakati sa mundo!
"Eros!!!!!!". Sigaw na isang babae sa likod ko kaya napalingon ako.
"Ano yun?". Tanong ko na may malamig na tono.
Hindi siya nagsasalita at namumula na siya pero napansin ko na may dala-dala siyang card at inaabot niya yun sa akin kaya nahihiya siya...
"Ano yang hawak mo?". Napaka-ignorante kong tanong sa kanya.
"Please... sige na tanggapin mo itong love letter na ginawa ko para sayo...". Nagpapa-awa niyang sabi sa akin.
"At bakit ko naman tatanggapin yan?". Masungit kong tanong sa kanya at medyo naiinis na ako.
"Pinaghirapan ko ito at matagal na akong may gusto sayo kaya sana basahin mo ito...". Naiiyak niyang sabi at pinag-titinginan na kami ng mga students dito.
"May girlfriend na ako!". Naiinis kong sabi sa kanya kasi meron na talaga akong girlfriend at 2 years na kami pero ayaw pa rin nilang tumigil.
"Ang gusto ko lang naman ay basahin mo ito kasi mahal kita...". Sabi ng babae sa harapan ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.
Hinablot ko yung hawak-hawak niyang love letter at binasa ko yun kaya napansin ko na biglang sumaya ang putang nasa harapan ko ngayon...
Puro mga ka-cornihan at kalandian ang mga nakasulat dito at hangang-hanga daw siya sa akin dahil ang gwapo ko daw kaya mas lalo na akong naiinis sa kanya at nasusuka ako...
"Oh tapos ko ng basahin... ano ng gagawin ko dito?". Nabi-bwisit kong tanong sa kanya.
"Thank you...". Naka-ngiti niyang sagot sa akin.
Naglakad na ako palayo kasi masyado ng marami ang nanunuod sa amin at tinapon ko na sa basurahan ang love letter na binigay niya kasi para sa akin ay basura lang talaga yun eh...
"Ang sama mo talaga!". Sigaw ng babae sa akin kaya lumingon ako.
"Hindi ko sinabing mahalin mo ako at basura lang yun para sa akin!". Naiinis kong sagot sa kanya.
"Hindi mo alam kung paano magmahal!". Sabi niya at umiiyak na siya ng malakas kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Malandi ka kasi! May girlfriend na ako tapos lalapit ka pa!". Sigaw ko sa kanya.
"Balang araw... kapag minahal mo ang isang tao ay sasaktan ka din niya kagaya ng ginawa mo sa akin at sa ibang mga babae". Pagbabanta niya sa akin.
"Wala akong pakialam sa inyo!". Sagot ko sa kanya at umalis na ako sa lugar na iyon.
Palagi na lang may mga higad na lumalapit sa akin kahit alam nilang may girlfriend na ako tapos ako pa ang sisisihin nila sa mga kagagawan nila eh sila naman itong bwisit na lapit ng lapit sa akin...
Habang naglalakad ay napansin ko ang isang lalaking maputi na nakatingin sa bulletin board at naalala ko bigla na siya si Cyril kaya lumapit ako sa kanya...
"Anong tinitingnan mo?". Tanong ko sa kanya at napansin kong nagulat siya.
"Huh? Wala naman". Sagot niya sa akin at humarap na siya.
Nagulat siya ng makita niya ako at napansin kong namumutla siya na parang hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon...
"Natutuwa sayo yung kapatid ko...". Mahinahahon kong sabi sa kanya.
"Ganun ba? Ikamusta mo na lang ako kay Era...". Nakangiti niyang sabi sa akin pero parang kinakabahan na siya at hindi ko maintindihan.
"Bakit parang hindi ka komportable na kausap ako? May gusto ka rin ba sa akin? Bakla ka ba?". Nagdududa kong tanong sa kanya.
"Hindi ako bakla! Wala akong gusto sayo at napaka-feelingero mo naman eh di ka naman pogi...". Naiinis niyang sagot sa akin pero mukha pa rin siyang mabait.
"WOW!!! Di daw pogi... Eh bakit parang kinakabahan ka?". Tanong ko ulit sa kanya.
"Baka kasi... maraming mainis sa akin kapag nakita nilang kausap kita". Sabi niya at nakatingin na lang siya sa ibaba na parang bata.
"Talaga lang? Edi yari sila sa akin...". Seryoso kong sabi kay Cyril.
"Sige na... aalis na po ako". Sabi ni Cyril at naglakad na siya palayo.
Napansin ko na kinakapos siya ng hininga at nahihirapan siyang maglakad kaya sinundan ko siya at nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumumba at nawalan ng malay kaya sinalo ko siya at binuhat papunta sa clinic...
Ewan ko ba kung bakit tinulungan ko itong taong to eh wala naman akong pakialam sa kanya. Sa ngayon ay tinitingnan ko na lang siya habang natutulog sa clinic ng school...
"Kayo ba ang kasama niya?". Tanong sa akin ng doctor.
"Bakit po?". Nagtataka ko namang tanong sa kanya.
"Wala kasing nakalagay na guardian sa ID niya kaya baka kilala mo siya". Sabi ulit ng doctor.
"Ano po bang nangyari sa kanya?". Tanong ko pero wala talaga akong pakialam.
"Masyado siyang puyat at pagod tapos inatake siya ng asthma niya kanina kaya nahirapan siyang huminga". Sabi ng doctor sa akin.
"Kelan po ba yan magigising?". Tanong ko ulit sa doctor.
"Maya-maya lang pero bantayan mo muna siya kasi aalis ako". Sabi ng doctor at lumabas na siya ng pinto.
At talagang ako pa ang pinag-bantay dito sa taong toh eh sobra-sobra na nga yung binuhat ko siya papunta sa clinic at binasag niya yung phone ko na hindi pa niya binabayaran...
Tulog pa rin si Cyril at napansin ko na mukha siyang fallen angel dahil sa kutis niya na daig pa ang babae at ang haba ng mga pilik-mata niya tapos napaka-inosente niya pag kausap...
Napansin ko na bumubukas na ang mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya...
"Anong nangyari?". Tanong ni Cyril habang hinihimas yung ulo niya.
"Bigla ka na lang nawalan ng malay". Sagot ko sa kanya.
"Ikaw ba ng nagdala sa akin dito?". Tanong ulit niya sa akin.
"Oo at nadagdagan na naman ang utang mo sa akin". Seryoso kong sagot sa kanya.
"Sorry...". Sabi ni Cyril at pinipilit niyang bumangon sa kama.
"Hoy! Masama pa ang pakiramdam mo bakit bumabangon ka?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Ok lang ako at kailangan kong pumasok sa klase...". Sagot niya sa akin.
"Baliw ka ba? Magpahinga ka muna". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ayoko... kailangan kong mag-aral". Sabi niya at pinipilit na niyang tumayo.
Tinulak ko siya sa kama kaya napahiga na siya ulit...
"Ano bang ginagawa mo?". Tanong niya sa akin.
"Masama pa ang pakiramdam mo!". Sermon ko sa kanya.
"Hindi mo ako naiintindihan...". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Bakit? Mag-aaral ka kahit hindi ok ang pakiramdam mo...". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Ayokong mawala yung scholarship ko dito sa school...". Malungkot na sabi ni Cyril sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya at puno iyon ng kalungkutan at ka-inosentehan na para siyang anghel kagaya ng kapatid kong si Era...
"Magpahinga ka muna ngayon at wag kang makulit dahil hindi kita papalabasin dito". Seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi na siya sumagot at kinuha na lang niya yung libro sa bag niya at nagsimula na siyang magbasa...
"Anong ginagawa mo?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ayaw mo akong palabasin kaya dito na lang ako mag-aaral...". Sabi niya sa akin na parang bata.
"Bahala ka sa buhay mo!". Sagot ko.
Umupo na lang ako sa sofa dito sa clinic ng school at...
"Ayaw mo bang mag-aral? Sigurado akong may klase ka pa". Tanong niya.
"Vacant ako ngayon... ayoko sa libro at ayokong mag-aral pero kailangan". Seryoso kong sagot sa kanya.
"Bakit naman? Masaya kayang mag-aral dito...". Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Nerd ka! Walang masaya sa school!". Sagot ko sa kanya.
"Sige... sabi mo eh". Sabi niya at ngumiti siya sa akin na parang inosente siya.
Lumipas na ang mga oras at uwian na ng mga students kaya di ko napansin dahil natutuwa akong kausap si Cyril dahil para siyang kapatid ko...
"Uy... uuwi na ako". Sabi ni Cyril sa akin.
"Ok ka na ba?". Tanong ko sa kanya at nakataas ang isa kong kilay.
"Opo! Kaya ko na ang sarili ko...". Naka-ngiti niyang sabi sa akin.
"Sige! Aalis na din ako". Sagot ko naman sa kanya.
"Thank you... sana maging mabait ka na lang palagi". Sabi ni Cyril.
"Hindi ko kayang maging mabait". Sagot ko sa kanya.
"Huh? Eh alam ko na mabuti kang kuya kay Era eh...". Sabi ni Cyril.
Hindi ako naka-sagot kasi si Era lang talaga ang nag-iisang nilalang na pinapakitaan ko ng kabutihan...
"Sige... ba-bye na at mag-iingat ka palagi tapos ikamusta mo na lang ako kay Era". Naka-ngiting sabi ni Cyril at umalis na siya palayo sa akin.
Hindi ko alam na may tao pa pala na kasing inosente at kasing bait kagaya niya. Siya ang unang tao na sinamahan ko dito sa school...