Eros POV
Habang nakahiga sa kama ay bigla ko na lang narinig ang phone ko na nag-ring kaya tiningnan ko ito at natuwa naman ako ng malaman ko kung sino ang tumatawag sa akin kaya sinagot ko na ang phone ko...
"Hi babe! I miss you na!". Malakas nitong sabi sa akin.
"Kamusta ka na?". Mahinahon kong tanong ko sa kanya.
"Ok naman ako! Hang out tayo mamaya sa bar". Pag-aya nito sa akin.
Tiningnan ko muna ang orasan at six pa lang naman ng hapon kaya sasama na ako sa kanya...
"Anong oras ba mamaya?". Tanong ko sa kanya.
"Oh my God! Sasama ka?". Di maka-paniwalang tanong niya sa akin.
"Oo! Anong oras ba?". Tanong ko ulit.
"Mamayang 10:00 pm doon sa favorite kong bar". Sabi niya.
"Sige... pupunta ako mamayang 10:00 kaya hintayin mo na lang ako". Sabi ko sa kanya.
"Sige bye na! I love you babe...". Malambing niyang sabi sa akin.
"Same to you...". Sagot ko.
"Ano bayan! Walang I love you too!". Naiinis niyang sabi sa akin.
"Sige na! Bye na!". Sabi ko sabay baba ng phone para putulin ang usapan naming dalawa.
Siya si Shane ang baliw kong girlfriend at friend ko siya simula pagkabata kaya kilala na niya ako...
Wala talaga akong nararamdaman na special para sa kanya pero nung araw na inamin niyang mahal niya ako ay nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil siya lang ang kaibigan ko at wala naman akong mahal na iba kaya pinagbigyan ko siya na magkaroon kami ng relasyon kahit kaibigan lang ang turing ko sa kanya at alam niya yun pero masaya pa rin siya...
Sinasakyan ko na lang ang mga kabaliwan niya at masaya namang kasama si Shane dahil jolly siya pero sobrang obsessed siya sa akin at minsan nasasakal na ako pero pinagbibigyan ko na lang...
Naghanap muna ako ng babagay sa aking damit at nakalimutan ko na mothsary pala ulit namin ngayon at baka umiyak na naman siya kapag di ko siya binati...
Bumaba na ako ng kwarto at pupunta na ako sa sports car ko na gift sa akin ng mabait kong step dad...
"Anak... saan ka pupunta?". Tanong sa akin ng step dad ko.
"I'm going to hang out with Shane". Seryoso kong sagot sa kanya.
"Well if that's the case... enjoy!". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Thanks!!!". Sagot ko at sumakay na ako ng kotse.
Mabait ang step dad ko at nagpe-pretend siya na totoong parent para sa akin but I always feel that I'm incomplete and I don't know the reason. Yung para bang may hole or empty space ka sa heart mo na hinahanap mo ang nawawalang part...
Mga 20 minutes din akong nagda-drive hanggang sa makarating ako dito sa bar na pinag-usapan namin ni Shane at hinanap ko na siya kaagad pagkapasok ko sa loob...
Nakita ko siyang mag-isa sa isang table at naka-suot siya ng fitted crimson red na sexy dress at inaamin kong maganda talaga si Shane at half Korean siya kaya makinis ang kutis niya at lumapit na ako sa kanya...
"Hi Eros! I miss you so much!". Sabi sa akin ni Shane at niyakap niya ako sabay nakaw ng halik sa pisngi ko...
"Happy Monthsary Shane...". Seryoso kong sabi sa kanya.
"Wow! I thought nakalimutan mo na naman kaya ready na akong magdrama...". Nakangiti niyang sagot sa akin.
"Baliw ka talaga! But I miss you too". Mahinahon kong sabi kay Shane.
"Happy Monthsary!!! I love you Eros". Nakangiting sabi sa akin ni Shane sabay abot ng isang gift.
"Oh? Ano naman toh?". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Edi gift! Monthsary natin ngayon eh kaya binilhan kita". Malambing niyang sabi sa akin.
"Hindi naman kailangan eh". Sagot ko
"Ok lang kahit wala kang gift sa akin ang mahalaga ay girlfriend mo ako". Seryosong sabi ni Shane.
"Umaandar na naman yang pagka-possessive mo sa akin". Sagot ko.
"I don't care basta akin ka lang". Sagot niya sa akin.
"Anong gusto mong drink?". Tanong ko kay Shane.
"Vodka na lang... pero wait lang at pupunta lang ako sa CR.". Sagot niya
Umalis muna si Shane at nagmamasid ako sa paligid ng bar habang hinihintay ang order naming dalawa at napansin ko na parang kilala ko yung isang waiter na maputi at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko ngayon...
Tama! Siya si Cyril pero bakit siya nagtatrabaho dito? hindi ko alam na sa ganito pang klaseng lugar magtatrabaho ang inosenteng kagaya niya at hindi siya bagay dito...
Nag-serve siya sa ibang customer dito sa bar at habang nilalagay niya yung glass ay tinapik ng isang customer na lalaki yung pwet niya...
"Pwede ka bang i-table?". Narinig kong sabi nung lalake kay Cyril.
"Sorry sir... hindi po ako babae at waiter lang po ako dito...". Mahinahong sagot ni Cyril doon sa lalake.
"Mas maganda pa nga ang kutis mo kesa sa babae... I will offer you 10,000 pesos in cash or kung gusto mo name your price na lang kung sasama ka sa akin this night...". Sabi nung lalake sabay ngiti ng nakakaloko.
"Sorry sir... hindi po ako ganun". Natatakot sa sagot ni Cyril.
"Ok... I know that you're still innocent pero sayang naman...". Nang-aakit na sabi nung lalake kay Cyril.
"Sige po... magse-serve na po ako sa ibang customers". Sabi ni Cyril at nagmamadali na siyang umalis.
Bakit siya nagtatrabaho dito? Gabi-gabi ba siyang nababastos ng ganun at hinahayaan niya lang yung mga ganung klaseng customers?
Paano niya nasisikmura ang environment sa ganitong klaseng lugar? At alam kong napipilitan lang siyang magtrabaho dito...
"Oh Eros! I'm sorry at medyo natagalan ako sa CR". Sabi sa akin ni Shane.
"Let's have a drink...". Sagot ko sa kanya at nagsimula na kaming uminom.
Lumalalim na ang gabi at madaling araw na pala pero ayaw pang umalis ni Shane dito at magpapasundo na lang daw siya sa daddy niya...
Lasing na talaga si Shane pero ako parang hindi lang naka-inom kasi matibay talaga ako sa inuman at hindi pa ako nalalasing ng sobra kahit marami na akong nainom...
"Shane? Hanggang anong oras mo ba gustong manatili dito sa bar?". Seryoso kong tanong sa kanya.
"FOREVER!!!". Malakas niyang sagot sabay tawa at alam ko ng lasing na talaga siya.
"Tinawagan ko na yung daddy mo". Sabi ko sa kanya.
"Masaya ako na kasama ka at ayoko pa na umalis ka sa tabi ko...". Malungkot na sabi ni Shane.
"Lasing ka na talaga". Sagot ko at bigla na lang nakatulog si Shane.
"Eros! I will take home my daughter". Sabi ng Daddy ni Shane sa likod namin kaya nabigla ako.
"Oh sorry for this Tito but...". Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na ako ng Daddy ni Shane.
"It's Ok Eros at alam ko naman na wala kang balak na masama kay Shane but I'm sorry sa ugali ng anak ko at alam kong nahihirapan ka". Seryosong sabi ng Daddy niya.
"It's no big deal tito... and I'm glad na ako ang kasama niya dito". Sagot ko.
Umalis na si Tito kasama si Shane na sobrang lasing na dahil hindi na kaya ng katawan niya pero nagpa-iwan muna ako at inubos ang drink ko...
Pagkatapos kong uminom ay medyo na-bored na ako kaya uuwi na ako at wala naman akong kasama dito...
Sasakay na sana ako ng car ko pero napansin kong lumabas na din ng bar si Cyril. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang kausapin at tanungin pero siguro out of curiosity ko lang ang dahilan...
Lumapit ako sa kanya at nabigla siya kasi alam kong hindi niya inaasahang makita ako ngayon dito...
"Ano pong ginagawa niyo dito?". Nagtatakang tanong sa akin ni Cyril.
"Nag-eenjoy lang ako... eh ikaw bakit nandito ka ngayon?". Tanong ko naman kay Cyril.
"Dito po ako nagtatrabaho...". Malungkot niyang sagot sa akin.
"Bakit? Eh hindi maganda ang environment dito para sayo". Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Medyo malaki po kasi ang sweldo kumpara sa iba... at kailangan ko po talaga ng pera lalo pa at may utang ako sa iyo...". Seryoso niyang sagot sa akin.
"Wala bang nagbibigay ng allowance sa iyo?". Tanong ko sa kanya.
Umiling-iling lang siya tanda ng pagsagot niya ng wala...
"Nawalan ka ng malay kahapon kasi pagod at puyat ka diba?". Tanong ko ulit sa kanya pero di siya sumagot.
"Diba meron kang asthma? So ibig sabihin bawal kang makalanghap ng smoke lalo na kung galing sa cigarette". Sabi ko ulit.
"Opo... pero kailangan ko po talaga ng trabahong ito...". Sagot ni Cyril.
"Kanina nakita kitang binabastos ng isang customer tapos ok lang sayo". Naiinis kong sabi sa kanya.
"Hindi po ako pwedeng sumagot ng masama sa customer kaya pinag-papasensyahan ko na lang po". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Araw-araw bang nababastos dito?". Tanong ko pa kay Cyril pero tumango na lang siya sa akin tanda ng pagsagot ng oo.
"Paano mo nasisikmura ang ganitong klaseng situation? Wala ka na bang pride sa sarili mo?". Naiinis kong tanong sa kanya.
"Hindi niyo po ako naiintindihan... nangangailangan po ako at hindi po ako makakapag-aral kung hindi po ako magtatrabaho...". Malungkot na sabi ni Cyril at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Pero may naisip akong paraan para malayo na siya sa ganitong klaseng lugar at sabi naman ni Era matalino daw itong taong toh...
"Dodoblehin ko ang sweldo mo! Mag-apply kang PA sa akin...". Seryoso kong sabi sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at parang hindi siya makapaniwala...
"Talaga po? Seryoso?" Nagtatakang tanong sa akin ni Cyril.
"Oo! Kaya mag-resign ka na at magsimula ka na bukas...". Seryoso kong sabi kay Cyril.
Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako pero naramdaman ko ang sincerity niya kaya parang gumaan ang pakiramdam ko...
Pero parang natauhan siya at kumalas sa pagkakayakap tapos namula siya bigla na parang kamatis...
"Sir sorry po... hindi ko po sinasadyang yakapin ka dahil sobrang natuwa lang po ako". Nahihiyang sabi sa akin ni Cyril.
"Sige ok lang pero wag ka ng uulit... Nangyayakap ka pala kapag natutuwa ka at wag mo na intindihin yung phone na sinira mo". Natatawa kong sagot sa kanya.
"Talaga po? Thank you!". Naluluhang sabi sa akin ni Cyril.
"Oh wait! Baka yakapin mo ako ulit". Sabi ko sa kanya.
"Thank you po talaga!". Naiiyak niyang sabi sa akin.
"Eto yung address namin at pumunta ka dito pagkatapos ng school mo..." Sabi ko sa kanya sabay abot ng card.
"Opo! Gagawin ko po ang gusto niyo". Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Sige na! Umuwi ka na at umaga na...". Sabi ko kay Cyril.
"Good night po ay good morning pala Sir Eros!". Nakangiti niyang sabi at umalis na siya.
Bakit nga pala hindi ko siya naisipang ihatid sa bahay niya? Pero parang sobra-sobra na ang naitulong ko sa kanya at makakaya niya kaya ang kasungitan ko? Pero parang komportable ako sa kanya...