Cyril POV Natulog akong kayakap ang teddy bear na kasing laki ko at ang teddy bear na niregalo ni Luther... Naku! Halos wala na akong mahigaan sa kama... buti na lang payat ako... Nag-tooth brush muna ako at naguguluhan talaga ako... Hanggang ngayon ay hindi ko talaga maisip kung sino ang pwedeng magpadala sa akin nitong higanteng teddy bear na kasing laki ko... Si Luther lang naman ang may gusto sa akin tapos binigyan na niya kasi ako ng teddy bear na white... Tapos yung naka-record na cute voice sa teddy bear ay puro na lang... sorry...sorry...sorry... Wala naman akong kilala na ibang tao bukod kila Era at Luther... Yung niregalo sa akin na teddy bear ni Luther ay color white kasi maputi siya tapos naisip ko na tan naman yung balat ni Sir... oh shocks! Hindi kaya si Sir Eros? No

