HERA'S POV Habang pinapanood namin kung paano kutyain, kasuklamam at sumbatan ng mga Aresian ang dati nilang Hari at napag-usapan na naming ipahanap ang mga Anak niya. Napag-alaman naming sina Zieg Medson at Zila Medson ang anak niya. Nagpadala agad kami ng Mensahe sa Acdemy na kung maari ay nais naming makausap ang magkapatid dito mismo sa kaharian nila. Hanggang ngayon ay wala parin ang naghatid ng mensahe gayong hapon na. "Kamusta na si Smile?" Tanong ko ng Hindi inaalis sa haring binabato ngayon ng kung ano-ano ng mga tagasunod ng palasyo. Nakatali ang dalawang kamay sa posteng nakadikit sa likuran niya. "She's fine now. Nagpapahinga na lang siya. She's with Hima." Sagot ni Farah. ''Bakit hindi niyo sila isinama dito?" "Hindi namin mapasunod ang Zaniory. Ayaw rin niyang iwan

