HERA'S POV Antok na antok na ko pero hindi kami pwedeng matulog. Lahat ay abala at nagkukulang pa kami sa taong tumutulong sa paghahanda. Pasikat na ang araw ng matapos kami. Agad akong pumunta sa maids quarter at doon nagpahinga. Ganito pala kahirap ang ginagawa ng mga maid ng palasyo. Although alam ko naman na ganito ang ginagawa pero ngayon ko pang naranasan. Nakakapagod , ako nga na immortal ay nakakaramdam ng pagod paano pa kaya sila na kapangyarihan at lakas lang ang puhunan? Ang problema ko lang talaga ay ang Head maid! Napakasama ng ugali. Si Brina at Ames naman ay hindi ganon. Pero etong Thea na to! Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko na nagtatakbuhan ang mga maid sa labas. Agad akong nag-ayos ng sarili at lumabas. Nadatnan ko doon ang mga kasamahan ko na nagsi-ayos ng

