ARTHUR'S POV Sinilip ko si Russel. Nandun parin sa tabi ng Zaniory. Mukha naman kumalma na siya dahil nagyeyelo na ulit ang kanina'y natunaw na snow. Napatingin ako sa gate ng bumukas iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita doon ang pinuno ng mga rebelde. Hinihingal ito. Nakahawak sa isang braso nagdadapa na sa sobrang pagmamadali. Kitang kitang hingal siya dahil sa sunod sunod na usok na lumalabas sa bibig niya dahil sa sobrang lamig. Napatayo agad si Russel kaya napatakbo naman ako palapit sa kanilang dalawa "Where the hell if my wife?" Ang bilis! Hawak na niya ang kwelyo ni Rome. "Kamahalan, sandali lang po." Sabi ni Rome. Pansin kong matutumba na dapat siya, pero dahil sa pagkakahawak ni Russel sa kwelyo niya ay nakatayo parin siya. "Answer me." Galit na sabi ni Russel. "Kalma,

