HERA'S POV Nang matapos ang Kasal at Coronation ceremony ay nagkarpon ng Grand ball sa Eroneo. Nagsimula ng hapon hanggang ngayon na Gabi na ay marami paring nagsasayaw. Maraming bumabati sa bagong mag-asawa at bagong pinuno ng Ereneo. Nakangiti silang dalawa habang nakaupo sa trono nila. Magkahawak ang kamay at nakakakilig tignan. Sa Kanan naman kami naka-upo na malapot sa trono nila. May sarili kaming upuan at ipinagawa para sa aming apat. Nandito Rin si Sean Greef at Annalysse Wistlen na matalik na kaibigan ni Jewel. Parang mga kapatid na raw ang mga ito ng Prinsesa kaya sinundo pa sila sa Academy para makadalo sa kasal. Nandito din ang pamilya ni Prince Troy. Ang mga magulang nila na kasalukuyang Hari at Reyna pati na ang Panganay na kapatid at ang maganda nitong Asawa na siya na

