HERA'S POV "Feel it the way it feels you. Release all your doubts and fear!" Sigaw ko kay Jewel. Huminga siya ng malalim at itinaas ang kamay na may hawak na bow and arrow. Pinalo ng isang servant ang Puwitan ng Kabayo kaya Tumakbo na ito. Sa umpisa at nahirapan si Jewel na asintahin ang mga target na ako mismo ang nagdesisyon kung saan ilalagay. Nag-simula siyang tumira at sinusundan ko ang bawat tira niya. Naka sabay din ako sa kabayo at hawak ko ang pana't palaso na pagmamay-ari ng palasyo. Hindi ko maaring gamitin dito ang sarili kong bow ang arrow dahil sagrado iyon. Habang tumatakbo ang kabayo ay panay kuha at bitaw ko ng palaso. Bullseye ang lahat ng tira ni Jewel kaya ang tinatarget ko ay lahat ng arrow niya. Tuloy lahat ng arrow niya ay nahahati sa gitna, yun ang kinalabasa

