SHIORI'S POV
"Sino ka!?" sigaw ko sa taxi Driver. Kinapa ko agad ang Pepper spray sa loob ng Bag ko at iniharap sa kanya. Tulad ng cellphone ko ay napunta din iyon sa kamay niya kahit wala siyang ginawa.
"I'm Alexis. Isa akong Apocalician." pagpapakilala niya. Nakahinto ang taxi pero hindi ko mabuksan ang pintuan.
"Anong ApocaliCian ba ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Palabasin mo ako dito!" sabi ko at hinahampas ang bintana.
"Pasensiya na po kung marami kaming naghahanap sa iniyo. Pero kailangan po talaga namin pare-pareho ang tulong niyo. Ipapaliwanag ko." hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagpalo sa salaming bintana ng sasakyan.
"Tulong!!! Tulong!!!!!" konti nalang ay maiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan. "Hoy! Mister! Baliw ka ba!? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Busy akong tao para patulan ang mga kalokohan niyo. Kung sino man kayo na walang magawa sa buhay pwes wag niyo akong idamay. Palabasin mo na ako dito, masiyado niyo na akong naaabala!" mahabang litanya ko, napayuko siya at napapahiyang nag-iwas ngtingin. "Akin na yung cellphone ko. Salamangkero ka siguro, pero di mo ko maloloko.”
"Pasensiya na." yun lang ang nasabi niya. Pakiramdam ko ay napahiya siya sa mga sinabi ko. Naguilty ako pero hindi ko ipinahalata. Malay ko ba kung ginogoyo ako nito.
"Wag na kayo mangtititrip ng ganito." sabi ko nalang at hinablot ang phone ko mula sa kanya. Laking ginhawa ko ng sa wakas ay hindi na ito naka-lock. Paglabas ko ng pinto ay para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Dahil ang taxing sinakyan ko ay naging isang mamahaling pulang sasakyan. Ilang beses akong napamura sa isip ko at sinasampal sampal ko ang sarili ko.
Pilit kong itinatatak sa isip ko na panaginip lang lahat ng ito. Hanggang sa umalis ang sasakyan sa harap ko. Pumara ako ng jeep. Iniisip ko na umuwi nalang. Baka kaya ako nagkakaroon hallucination ay dahil sa kulang palagi ang tulog ko. Uuwi na lang ako. Natatakot ako na pati sa trabaho ko mamaya ay may mangyari na namang ganito.
Pagkatapos kong magbayad ng pamasahe ay sumandal ulit ako at pumikit. Mabuti nalang at sa pinaka-dulo ng jeep ako umupo at hindi puno ng pasahero. Kaya wala akong masasandalang tao kapag nakatulog man ako. Ilang sandali pa ay pumara na ako ng makita ko na ang Bahay bago ang bahay ko. Mag-aalas otso na ng gabi kaya maluwag na ang kalsada. Walang kahirap hirap na tumawid ako at lakad takbong pumasok sa maliit na gate ng bahay ko.
"Drew!" sigaw ko sa labas ng pintuan ng bahay ko. Malakas na katok din ang ginawa ko. Ang tagal niyang pagbuksan. "Drew! Si shiori 'to! Ano ba!?" ilang beses kong pinalo ng malakas ang pintuan pero walang Drew na lumabas.
Kinapa ko ang susi sa Bag ko pero wala akong makapa. Lumapit ako sa may bintana at sinilip ang loob ng Bahay pero walang tao. Bukas naman lahat ng Ilaw pati ang TV at electric fan nakabukas. May Bowl sa mesa na punong puno ng Chips. Habang tinitignan ko ang loob ng sala ko ay piglang nakarinig ako ng lagatok ng door knob kaya tumakbo ako palapit sa pintuan.
Laking gulat ko ng makitang naka-awang na ito ng isang pulgada. Sigurado akong nakasara ito kanina at naka-lock pa. Paano nangyaring bukas pala ito?
Wala din akong napansing lumapit sa pinto nung nakasilip ako sa bintana kanina. Maktol ng isip ko. Lumunok muna ako saka marahang hinawakan ang door knob. Niluewagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Ang kabang nasa dibdib ko ay hindi maipaliwanag. pakiramdam ko tuloy ay pinasok ang bahay ko ng mga magnanakaw. Hindi ko na isinara ang pinto ng makapasok ako. Iniisip ko kasi na kung sakalaing may tao sa loob ng bahay ay mabilis akong makakatakbo palabas. Dumiretso ako sa kusina, walang tao. Nakapatay ang ilaw at walang kakaiba. Tinignan ko rin ang likod ng bahay, pati ang banyo sa baba at isang bakanteng kwarto.
Walang hiyang Drew! Pinabayaan ang pamamahay ko!
Bumalik nalang ako sa Sala at pinatay ang TV. Kinuha ko ang bowl na puno ng chips at inilagay sa ibabaw ng ref. Pinatay ko rin ang electric fan at saka umakyat sa taas.
Walang hiyang Drew 'to! Iniwang nakabukas ang TV! Pati Electric Fan! Siya ba nagbabayad ng kuryente!? Hays!
Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at bigla akong huminto sa harap ng pinto. Napa-praning na siguro ako kaya kung ano-anong sumasagi sa isip ko. Naisip ko kasi na baka may kung sino o ano ang nasa loob ng kwarto ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may marinig akong kaluskos sa baba. Biglang lumakas ang pakiramdam ko at pandinig ko. Mabilis akong tumalikod at nagmadaling bumaba ng hagdan. Malaki na ang pagkaka-awang ng pinto kaya lalo akong nataranta. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan ng huminto ako at nagdalawang isip na tuluyang bumaba. Hindi ko rin maintindihan kung babalik ba ako paakyat o baba ng tuluyan. Pabalik na ako sa taas ng may marinig akong mga yabag kaya napahinto ako. Kinabahan ako bigla.
Jusko! Di kaya'y pinasok ako ng magnanakaw!? Dapat kasi isinara ko ang pinto kanina.
Hinubad ko ang tsinelas kong pambahay at hinawakan ko sa magkabila kong kamay. Nanggaling sa kusina ang mga yabag at madadaaanan ang hagdanan papunta sa sala. Maya-maya pa ay may lalaking dumaan. Naka-itim na polo at slacks. Nakasapatos na balat. Walang pagdadalawang isip na binato ko ang isang tsinelas sa kanya. Sapul sa ulo kaya napatigil ito at napa-ayos ng tayo.
"Sino ka!? Magnanakaw ka no!?" sigaw ko. Ang isang kamay niya ay hinaplos ang parte ng ulo niya na tinamaan ng tsinelas. "Humarap ka sakin! Tatawag ako ng pulis! Sino ka!? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko!"
Itinaas niya ang isang kamay na tanda ng pagsuko. Dahan-dahan siyang humarap sa'kin. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang nasa harap ko. May hawak na baso. Nakadikit pa sa labi niya ang bibig ng baso at ang isang kamay ay nakatass. Alanganing nakangiti. Gulo-gulo ang buhok, pawis na pawis at hindi maayos ang neck-tie.
"Anong ginagawa mo ditong hinayupak ka!?" sigaw ko ulit at binato siya. Umilag naman siya at mabilis na inilapag ang isang basong tubig sa lamesa.
"Teka lang! Sandali Shiori!" sabi niya at umikot papunta sa kabilang side ng center table. Nagmadali akong bumaba at sinugod siya. Nasa kabilang side naman ako ng center table at nakaharap sa kanya.
"Wag mo kong ma-shiori Shiori! Paano ka nakapasok dito!?" duro ko sa kanya.
"Nakabukas ang pinto!" balik niyang sigaw sakin.
"Eh bakit ka pumunta dito!?"
"Kasi nag-aalala ako sayo! Bigla ka nalang umalis at pinag-aagawan ka ng mga taong yun na di ko din naman kilala! wala ka sa pinagtatrabahuhan mo kaya naisip ko na umuwi ka na!" mahaba niyang litanya. Napa-cross-arms ako at napabuntong hininga.
"Ayos lang ako. Umalis ka na." mahinahon kong sabi.
"Hoy Shiori! Boss mo parin ako. Ganyan ba ang trato sa Boss na nag-alala sayo at sinadya ka pang puntahan sa bahay!?" napangiwi ako. Naririndi ako sa boses niya. Masiyadong maingay para sa isang business man.
"Nasa pamamahay kita. At hindi kita boss dahil wala tayo a trabaho." sabi ko at pagod na sumalampak sa sofa. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Oh eh di sana magpasalamat ka man lang sana ano!" sabi niya. Pagdilat ko ay nasa harap ko na siya nakatayo at nasa magkabilang bewang ang kamay.
"Eh di salamat. Umuwi ka na Russel. Pagod ako at wala akong panahon makipagtalo sayo ngayon." tinabig ko siya at saka ako tumayo. "I-lock mo ang pinto." dire-diretso akong naglakad papunta sa hagdan. Nakakailang hakbang na ako ng magsalita ulit siya.
"Mukhang pagod ka. Sige magbihis ka na. May laman naman siguro ang ref mo ano? Ipagluluto kita. Alam kong hindi ka pa nag-dinner." hindi na niya hinintay ang sagot ko at dumaan lang siya sa hagdanan at dumiretso sa kusina. Napapa-iling na lang na inakyat ko ang hagdan. Ang kulit talaga!
Hindi ko alam kung bakit lihim akong napangiti at nakaramdam ng kakaibang tuwa. Kaya pagpasok ko sa kwarto ay naka-ngiti pa ako ng bahagya, laking gulat ko ng makitang naka-dapa si Drew sa kama ko, nakatali ang paa at kamay. Bukod sa kanya ay walang ibang tao sa loob ng kwarto. Lumapit agad ako sa kanya at dun ko palang nakita na naka-tape ang bibig niya.
"Drew! Oh my god!! Anong nangyari!?" nataranta ako ng makita ang kalagayan ni Drew! Tumalon ako pasampa sa kama at kinakalagan ang kamay niyang nakatali sa likod ng biglang may dumaang malakas na hangin at bumalibag ang pintuan at awtomatikong nag-lock.
Sa isang iglap ay may lumitaw na lalaki sa tabi ng kama ko at isang babae. Hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. Pareho silang naka-itim at mahabang coat. Mahaba ang buhok ng babae na brown na brown at ganun din ang lalaki. At ang kaninang magkatabi ay naghiwalay. Napunta ang babae sa kabilang gilid ng kama ng mabilis at animo'y hangin.
Napa-atras ako at sumiksik kay Drew.
"Sino kayo!? Anong kailangan niyo sakin!?" kalmado kong tanong. At hindi ko alam kung bakit nagawa kong maging kalmado sa kabila ng katotohanang may mga estranghero sa loob ng kwarto ko.
"Ako si Annalysse. At siya si Sean. Mga EroneCian." sabi ng babaeng may pangalang Annalysse.
"At kailangan namin ng tulong mo miss Shiori Inoue Almeda."
"Sino ba talaga kayo!? Ano ba ang kailangan niyo sa'kin!? Hindi ito unang beses na nangyari to. Mula kaninang umaga ay sunod sunod ang mga taong hindi ko kilala na kilala ako ang lumapit sa akin. At kung ano-ano ang sinasabi!"
"Hindi pa iyon marami. Dahil mas marami ang naghahanap sa inyo Miss Shiori. Iba-ibang nilalang na galing sa iba-ibang mundo, tribo at kaharian. At hindi kami mga pangkaraniwang tao." seryosong paliwanag nung Sean.
"Hindi ko maintindihan." gulong-gulo kong turan.
"Ipapaliwanag ko gamit ang ilang majika." sabi niya. Sinenyasan niya ang babae gamit ang isang tango lang. Napatingin ako sa babaeng kasama niya. Ikinukumpas nito ang kamay at ilang saglit pa ay lumutang sa ere si Drew!
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi kapanipaniwala pero nakakamangha. Sunod ay biglang nawala ang pagkakatali ng mga paa ni Drew sa paa at kamay at nawala ang tape sa bibig niya.
"Ano to!? Ibaba niyo ko dito!" takot na takot na sigaw ni Drew.
"Marami pa kaming kayang gawin. Gusto mo bang makita Miss Shiori?" tanong ni Sean.
*knock* knock* knock*
Nagkatinginan kaming lahat ng may kumatok sa pinto. Nanlaki ang mata ko kaya sumenyas agad ako na huwag maingay.
"O-oo na. Naniniwala na ko. I-ibaba n-niyo na ang Kaibigan ko." paki-usap ko.
"Hoy Shiori! Ang tagal mo! Nakahanda na ang pagkain mo." dinig kong sigaw ni Russel mula sa labas ng Kwarto.
"O-oo!! Lalabas na!!" sagot ko.
"Bakit nandito ang boss mo?" tanong ni Drew ng Makababa siya at pumunta sa Tabi ko. "At sino sino tong mga to?"
"Hindi ko alam. Basta! Mamaya na ako magpapaliwanag at gulong gulo pa ako." sabi ko sa kanya. "At kayong Dalawa. Dito lang kayo. Babalik ako. Pati ikaw." turo ko kay Drew. Mag-aalburoto na naman si Russel at magtatanong ng walang humpay kapag nalamang may mga tao sa loob ng kwarto ko. Lumapit ako sa cabinet para kumuha ng damit. Dumiretso ako sa banyo pero bago ko isara ay nagsalita muna ako. "Kayong dalawang wirdo! Wag niyo tangkaing pumasok sa banyo gamit ang mga magic magic niyo." banta ko.
Mabilis akong nagbihis at lumabas.
"Iiwan mo ko sa dalawang to!? Ayoko!" inambahan ko kamao si Drew at pinanlisikan ng mata. "Ano ba yan eh!"
"Wag maingay sabi. Kakaltukan kita." ngumuso lang siya at napapakamot na tumango nalang.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa pinto. Pinihit ko ang door knob para buksan. Sinenyasan ko silang tatlo na magtago sa likod ng pinto. Pero si drew lang ang sumunod sa sinabi ko at yung dalawa ay nagulat nalang ako na makitang nakadikit ang likod sa kisame. Napa-iling na lang ako at gusto ko ng matawa. Ano ba tong pinasok kong kahibangan!?
"Sorry natag--" napahinto ako sa pagsasalita ng pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang di maipintang mukha ni Russel. Parang takot na hindi mo maintindihan. Mabilis na inilipat ko ang paningin sa likuran niya. Nanlaki ang mata ko ng may isang babaeng itim na itim ang buhok na nasa likuran niya. May nakatutok na itim na stick sa may leeg ni Russel na hawak ng Babae.
"Kilala mo tong wirdong to!?" sabi ni russel sakin. Inis na inis siya pero di maikakailang kinakabahan.
"Manahimik ka." sabi ko sa kanya. "At ikaw, Sino ka naman?" tanong ko sa babaeng nasa likuran niya.
"Mukhang maliban sa akin ay may mga nahanap na sayo Miss Shiori. Ako pala si Xina. Isang Zumecharian." pakilala niya at ibinaba ang stick na hawak niya.
Mabilis na tumakbo papunta sa likod ko si Russel at humawak sa braso ko.
"Hoy ikaw! Anong ginawa mo sakin at di ako makakilos kanina!? Maligno ka!" siniko ko si Russel dahil sa kaingayan niya. Di talaga mapigil ang bibig nito. "Aray ko!"
"Kailangan mo rin ng tulong ko?" tumango si Xina sa tanong ko.
"Kami ang naunang makahanap sa kanya Zumecharissian!" biglang labas ni Annalysse at Sean mula sa Likuran ko. Kasunod si Drew.
"At sino naman ang mga to!?" napakamot ako sa gilid ng tenga ko dahil sa sumasabat na boss ko.
"Tumahimik ka muna russel, pwede?" inis kong sabi sa kanya at inirapan siya. "Bumaba na tayong lahat at dun na tayo mag-usap-usap." sabi ko at nanguna sa pagbaba ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina. Animlang kami kaya kasya kami sa hapag kainan. Table for six people kasi. Yun nga lang ay pang-dalawang tao lang ang ulam kaya kumilos ako para magluto uli. "Sa sala muna kayo, magluluto ako ng makakain."
"Tulungan na kita." napatingin ako sa dalawang lalaki na nagprisintang tumulong. Sabay na sabay ang pagkakasabi nila.
Matagal silang nagtitigan.
"Ako na." sabi ni Drew.
"Hindi. Ako na." sagot ni Russel.
"Ah hindi. Ako na lang. Ako naman nagprepare ng almusal niya kanina."—Drew
"Ako naman nagprepare ng dinner niya. Kaya ko na to."-- russel
Napatingin ako kay Annalysse, Sean at Xina. Nagpapalipat lipat ang mata nila sa Dalawa at naka-awang ang mga bibig.
"Ako na sabi eh! Ano ba kasing ginagawa mo dito!?" tumaas ang tono ng pananalita ni Drew kaya imposibleng hindi sasagot ang isa.
"Boss niya ako! At nag-alala ako ng umalis siya bigla dahil may nangha-harass sa kanya kanina. At kaibigan niya din ako mula college!" sagot ni russel. Nauubos na ang pasensiya ko sa dalawang to. Parang mga bata. "Eh ikaw!? Bakit nandito ka?"
"Siyempre! Best friend ko yan at isa pa matagal na akong labas pasok sa pamamahay na to!" ganting sigaw ni Drew. Halos magka-amuyan na sila ng hininga sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. At sobrang talim ng palitan nila ng titig. Napatingin ulit ako dun sa tatlo. Bakas sa mukha nila ang pagkamangha. Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang lalaki na parang aso't pusa!? Pwes ako hindi. Dahil college pa lang kami, ganyan na ang dalawang yan kapag nagkatagpo ang mga landas.
Sa inis ko ay lumapit ako sa kanilang dalawa at pinag-untog ko ang mga kunot nilang mga noo!
"Aray!" sabay nilang sabi. At sinamaan ako ng tingin. Taas noo akong umirap.
"Konting konti na lang at palalayasin ko na kayong dalawa! Wala na kayong ginawa kundi bigyan ako ng sama ng loob. Samahan niyo tong tatlong to sa sala! At kaya kong magluto ng mag-isa." sabi ko sa kanilang dalawa sabay talikod.
"Pero--" mabilis akong umikot at pinanlisikan sila ng mata kaya magakasabay ding tumalikod. "Oh kayong tatlo! Tara na kasi! Babagal bagal eh!"
"Tara dun sa sala. Mabilis lang maluto yun. Naku! Gutom na ba kayo?"
"Sige upo kayo. Hehe"
Pagtalikod ko ulit ay lihim akong natawa sa akto nung dalawa. Parang mga maamong tuta. Hahahahaha. Pati pagbukas ko ng Ref ay di ko maiwasang mapangiti. Isa-isa kong kinuha ang hotdog, ham and egg. Mas madaling lutuin. Isinalang ko agad pagkatapos kong i-prepare. Isa-isa kong inilapag ang mga plato at utensils sa bawat pwesto. Dinagdagan ko rin ang kanin sa gitna na nasa malaking mangkok at saka inilapag ang ulam. Nag-timpla na rin ako ng juice.
Pumunta ako sa sala para tawagin na sana sila na kakain na, kaso naabutan ko silang nagkakatuwaan. Lumapit ako at sumilip sa ginagawa nila. Si Russel na ang may hawak ng Dalawang Dice at saka ibinagsak sa center table. Double six ang lumabas.
"Hahaha! Ako na naman panalo! Pano ba yan?!" tawa siya ng tawa at tuwang tuwa sa laro. Parang nung college kami hindi siya ganyan kakulit. Madalas ay mag-isa lang yan at wala kaibigan masiyado at ako lang ang binubwisit. Kaya ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng malakas at parang bata.
Inilapit ni Sean ang noo kay russel at nakasimangot na naghalumbaba, si Russel naman ay tuwang tuwang pinitik ang noo ni Sean ng tatlong beses. Hinaplos haplos ni Sean ang noo at nakangusong sumandal sa Sofa. Si annalysse naman ang sumunod. Alam kong sinadya niyang wag lakasan ang pitik dahil babae nga naman si Annaysse at ganun din kay Xina. Ganyan talaga si Russel. Maalaga sa babae at hindi nananakit physically. Nakita ko nga minsan na niyakap-yakap niya pa ang mommy niya at hinahalikan sa ulo nung graduation namin.
Sunod na lumapit si drew kaya lalong lumakas ang Tawa ni Russel. Inis na inis si Drew na humarap kay russel at inilahad ang noo. Nakabusangot at pwede ng sabitan ng kaldero ang nguso sa haba. Narinig ko pa ang paglagatok ng pitik ni Russel sa Noo ni Drew kaya pagkatapos niyang pitikin si Drew ay inambaan siya nitong susuntukin.
"Nakakarami ka na ah!" singhal ni Drew.
"Kasalanan ko bang engot ka at magaling ako? Hahahahaha!" pang-asar ni Russel. Hindi siya mayabang. Sadyang ganyan lang talaga siya magsalita. Masiyadong prangka at totoo kaya minsan mayabang ang dating. At isa pa totoo naman. Magaling si Russel sa maraming bagay. Kaya nga nung college ay matunog ang pangalan niya sa school at maraming nagkakagusto diyan, ganun din naman kay Drew pero si Drew kasi ay hindi masiyadong active sa mga patalinuhan na activities. Varsity player siya, unlike samin ni Russel na laging magkaharap sa IQ test competition or defense sa thesis at debates. Pero matalino din Si Drew. Kaklase ko siya at si Russel ang iba ang Course.
Bago pa sila magkapikunan na naman ay pumagitna na ako at sinabing kakain na. Nagtulakan pa at nagsikuhan ang dalawa habang papunta sa kusina. Napapailing nalang ako at humingi ng dispensa sa tatlo. Pinauna ko ang tatlo na pumasok sa kusina at ako ang pinaka huli.
"Doon ka!"
"Doon ka!"
Nagtuturuan sila kung sino ang dapat na uupo dun sa ikatlong upuan na bakante.
"Tabi kami ni Shiori kaya dun ka. Sa gitna ako."-- Drew
"Ako nga dito sa gitna kaya dun ka sa dulo! Bahay mo ba to ha?!"-- Russel
Napapakamot nalang sina Sean, Xina at Annalysse. Napahilamos ako ng palad sa mukha dahil sa inis.
"Kakain kayo o palalayasin ko kayong dalawa!?" singit ko sa kanila. Hindi sila tumingin sakin at saka sabay na naupo sa magkabilang gilid. Kaya ang nabakante ay yung nasa pagitan nila.
"Paabot ng Kanin."-- Drew. Inabot naman ni Sean.
"Paabot ng egg."-- Russel. Inabot naman ni Xina."oh ano pang tinatayo-tayo mo diyan Shiori!? Hindi pinaghihintay ang pagkain."
"Sige, kain na. Amen." sabi ni Drew at inalok ang mga kaharap nila sa hapag kainan.
Russel|Ako| Drew
| Table ||dulo(nakadikit sa pader)
Xina|Sean |Annalysse
Pagka-upo ko ay kumuha na din ako ng makakain. Tahimik kami sa umpisa at alam kong nakikiramdam ang tatlong bisita kung sino ang unang magsasalita.
"Anong Kailangan niyo sa'kin?" panimula ko.
"Mas mayaman ako sayo, kaya wala naman." sagot ni Russel.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." sabi ko. Natawa si Drew at nang-aasar na bumelat kay Russel.
"Pahiya. Pfft! Hahaha!" -- Drew
"Anu ba Gibson! Manahimik ka!" saway ko din sa kanya.
Alam kong nagbabangayan na sila ng palihim sa likuran ko pero di ko nalang pinansin. Ipinatong ko ang baba ko sa dalawa kong kamay na nakasara at ang mga siko ko ay nakatukod sa ibabaw ng lamesa. Ngumiti ako at saka naghintay ng Sagot sa Tanong ko sa Tatlo.
"Kailangan namin ng Tulong Para mahanap ang Nawawalang Light Goddess." umpisa ni Sean. . "Mas mabuti pa siguro kung uumpisahan namin sa pagkukwento at pagpapakilala."
"Ayos lang ba kung patatahimikin muna namin ang mga ksama mo?" nag-aalangang tanong ni Xina. "Hindi ko naman sila sasaktan." lumingon ako sa dalawa na kulang nalang eh tusukin ng tinidor ang isa't isa. Kunwari ay nag-isip ako at tumingin sa taas. Tumango ako bilang pagsang-ayon
Ikinumpas ni Xina ang daliri. Pagkatapos ay bigla nalang nawala ang ingay nung dalawa kahit nagbubulungan sila. Sinipat ko sila pareho. Napapatingin sila sa akin ng may pagtatanong at salita ng salita pero walang boses na lumalabas sa bibig nila. Gusto kong matawa dahil bukod sa mukha silang tanga eh nakaka-aliw silang panoorin. Panigurado sumisigaw na silang pareho.
"Umupo kayong dalawa ng maayos. At makinig lang. Kundi sasaksakin ko kayong pareho." banta ko. Sumunod naman sila at parehong nakanguso na sumandal. "Sana habang buhay nalang kayong tahimik. Tahimik na buhay ko pag ganun." bumaling ako sa mga kaharap ko. "Okay na?"
"So Ayun, Ako si Annalysse Wistlen at siya," turo niya kay Sean. "Si Sean Greef. Kaming Dalawa ay isang Eronecian. I'm an Object manipulator at siya naman ay invisibility. At lahat taga doon sa amin ay ganito ang kulay ng buhok." turo niya sa ulo niya. Dark brown.
Narinig ko ang malalakas na hampas sa ibabaw ng lamesa kaya napalingon ako sa magkabilang gilid ko. Humahagalpak ng tawa yung dalawa kahit walang boses. Sinamaan ko sila ng tingin pareho kaya agad ding nagtikom ng bibig.
"Ako si Xina Walter. Sound Manipulator.May isa pa akong Kasamang Lalaki. He's name is Avien Driman. Illusionist. Naghiwalay kami ng ruta para mabilis na mahanap ka. Both of us are Zumecharician. And our Hair are Dark Black." litanya ni Xina.
"Eh yung mga naunang naghanap sa akin? Kilala niyo ba sila?" tanong ko.
"Uhm." tumango si Sean. "Kailangan naming alaminkung sino-sino ang mga makakaharap namin at magiging Karibal sa mga kailangan naming hanapin. Maging sila ay ganun din. Kilala nila kami. Sa bawat Kaharian, tribo at grupo ay dalawa lang ang pinayagang lumabas ng kabilang mundo Para hanapin ang ilang mahalagang tao. Sa Mundo namin, kaming dalawa ni Annalysse. At sa mundo nila Xina ay silang dalawa ni Avien."
"Ang mga Aresian ay may mala lilang buhok. Hindi matingkad pero malapit sa lila ang kulay." singit ni Xina.
"May nakasakay ako sa jeep kaninang umaga na ganun ang kulay ng buhok." yung napagkamalan kong mag-boyfriend/girlfriend. Sila din ang nagtanong ng oras.
"Si Zieg Medson At Zila Medson siguro ang Tinutukoy mo. Magkapatid na Aresian na naatasang lumabas ng mundo nila. Hindi ko lang sigurado kung sino sa kanila ang Time Manipulator at ang Dream Catcher." lalo akong namamangha. Hindi kapani-paniwala. Pero totoo, siguro isa sa magkapatid na yun ang may gawa ng maghinto ng oras kanina. "At kapag may nakita kang May mala-pilak na buhok, yun ay isang Glacian. Sa pagkaka-alam ko ay Si edmund Froster ang naatasan sa kanila. Reflecting ability ang hawak niya. Di ko kilala yung isa. " Kaswal na dagdag ni Annalysse.
"Si Alice Frailen. Isa sa malakas naGlacian. Soul manipulator. Nakaharap ko na siya sa Tournament. Kaya naranasan ko ng mapunta sa katawan ng iba. Kakaiba ang isang yun." bakas ang pagkamangha sa mukha ni Xina ng banggitin niya kung ano ang kayang gawin ng tinutukoy niya. "At Meron pa, Si Alexis Loather,Apocalicianmagnetism ang ability niya. May pagka-pitch ang buhok nila. Balita ko ang Partner niya ay si Norin Alceenia. Mind reader ang babaeng yun. Akalain mong ipagtsismis na Stalker daw ako ni Zieg Medson! Hah!" tapos napasandal siya sa sandalan ng upuan at sumimangot.
"Ano-ano ang mga binanggit niyo? Yung Glacian, aresian at yung iba pa." i'm just Curious.
"Ang Glacies, Areseis, Apocalih, Eroneo at Zumecharias ay ang pinanggalingan naming mundo. Limang bagong mundo na dalawang libong taon na ang nakakaraan. Ang sabi ng mga ninuno namin, ang limang ito ay dating mga tribo sa Mundo ng Genovia. Pero dahil nagulo raw ang takbo ng Propesiya 2 thousand years ago ay nabura sa Mapa ng Genovia ang limang Tribo at nagkaroon ng limang bagong mundo na kawangis ng Mga Tribo." magpapatuloy pa sana si Annalysse sa pagpapaliwanag ng ipahinto ko. Naguguluhan na ako masiyado. Ang dami kong nalalaman na hindi ko maintindihan.
"Teka! Teka!" huminga ako ng malalim. Ilang ulit at pinilit kong iproseso sa isipan ko ang mga narinig ko. "Ano naman yung Genovia?"
"Oh sorry sorry. Let me tell you some. Limitado kasi ang nalalaman namin sa Genovia. Hmmm." nag-isip siya saglit at ilang sandali pa ay lumiwanag ang mukha. " 2 thousand years ago. Sabi ng great Grand Father ko, Genovia ang nag-iisang mundo na may pinakamagandang Disenyo. Punong puno ng magical Creatures, Fairies, powerful elements. Pinakamakapangyarihan ang mga nagiging Hari at Reyna doon. Ang Genovia ay Binabantayan ng Light Goddess at apat pang Elemental Gods and Goddesses. Yun ang sabi ng great grandfather ko." --Annalysse.
"Pero ngayon iba na. Sa Genovia ay Mayroong Limang kaharian. Ganun karami ang kaharian nila dahil triple ang laki ng mundo nila kumpara sa mundong pinanggalingan namin. Sa limang kaharian ay may limang hari at limang Reyna. Pero ang pinakapinagkukunan ng kapangyarihan ng lahat ng kaharian at ng limang mundo ay ang kaharian ng Aither. Malayo na sa dating mukha ng Genovia ang Genovia ngayon. Hindi maaliwalas ang paligid, laging madilim, halos mamatay na ang mga puno't halaman. At lahat ng limang mundo sa Labas ng Genovia ay Naapektuhan. Humihina ang kapangyarihan namin at nagiging maputla ang lahat ng makulay." hindi ko alam kung bakit ko naramdaman ang matinding panghihinayang at matinding lungkot. Silang tatlo ay sobrang nalulungkot. Tinignan ko ang dalawa kong katabi na napako din sa pakikinig. Maging sila ay naapektuhan sa narinig.
"Sa Genovia Academy. Doon lahat nag-aaral. Mula Primary, secondary at tertiary level. Hinahasa ang mga kapanyarihan namin at sinasanay ng mahabang panahon. Hindi para sumabak sa digmaan, kundi para patuloy na maghanap sa kasagutan sa suliranin namin, marami ng nabigo at sa henerasyon namin ay sana ay magtagumpay kami." diugtong ni Xina.
"At ang misyong ng bawat isa sa amin ay hanapin ang sagot kung bakit Laging namamatay ang nagiging Hari at Reyna ng Aither after 10years. Exactly 10 years. At ang pagkawala ng tagabantay ng pangunahing mundo." makahulugang tinignan ako ni Sean sa mata. May ipinapahiwatig na mensahe. At nagpaparamdam sa'kin ng kakaibang pakiramdam.
"So anong koneksiyon ng lahat ng sinabi niyo sa akin!? Bakit ako? Bakit sa lahat ng tao ay ako ang ginulo niyo!?" sa lahat ng sinabi nila ay yun lang nais kong itanong. Nanahimik ako at may maayos na buhay. Bakit naman ako ang iniistorbo nila? Hindi ko akalaing maririnig ko ang lahat ng ito. Kahit baliktarin ang mundo hindi parin kapani-paniwala. "Anong malay ko sa mundo niyo!? May mundo kami at tahimik. If I were you, i'll go back to the world where I belong."napatayo ako at diniinan ang lamesa.
"You don't belong to this world. At kaya naming patunayan yun. At sila! Hindi sila taga rito." turo ni Xina Kay Russel at Drew.
"Ano? Pati ba naman sila!?" natatawa kong sabi.
"Oo. Dahil hindi namin nagagamit ang kapangyarihan namin sa mga ordinaryong tao." taas noong sagot ni Sean.
"Eh ako? Kailan niyo ba ako nagamitan ng kapangyarihan niyo? Hindi diba?" pagmamalaki ko.nag-cross arms ako at naghahamong tinignan silang tatlo.
"Dahil mayroong pumoprotekta sayo na ikaw mismo ang gumagawa ng hindi mo napapansin. Napakalakas ng kapangyarihang nasa kaloob-looban ng kaluluwa mo. At isa yun sa katangian ng hinahanap namin." --- Annalysse
Natigilan ako. Naibaba ko ang braso't kamay ko at saka diretsong tumitig sa kanilang tatlong. Hanggang sa mapako ang mata ko kay Xina.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You are The Long Lost Light Goddess."