CHAPTER 3

3745 Words
SHIORI’S POV Nagising ako ng mas aga kaysa sa naka-set sa alarm clock ko. Bumangon ako at saka dumiretso sa banyo. Hindi tulad ng nakasanayan kong mga araw na tinatamad ngayon ay parang may bago, hindi ko ramdam ang pagod at puyat. Siguro dahil hindi ako nagtrabaho ng extra kagabi at maaga akong natulog. Habang naliligo ay di ko maiwasang alalahanin ang mga napag-usapan namin kagabi. Di parin ako makapaniwala. Ang sabi nila ay marami pa kaming dapat malaman pero hindi na kinaya ng pagod kong isipan kaya ang sabi ko ay sa susunod na nila sabihin ang iba. Baka sumabog na ang utak ko sa dami ng impormasyong sinagap nito. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako at inayos ko ang buhok. Nagtali ako ng mataas dahil yun ang sa tingin ko ay pinaka-komportableng ayos ng buhok. Di na rin ako naglagay ng make-up. Pulbos lang ayos na. Kinuha ko ang bag ko at isinara ang pinto paglabas. Pagbaba ko ay tulog pa sina Xina, Annalysse at Sean. Sa Bakanteng Kwarto ko sila Pinatulog. Sa kama yung dalawang babae at sa sahig si Sea, sala naman ay yung dalawa. Dalawa naman ang mahabang sofa kaya dun silang dalawa natulog. Si Drew tulog pa kaya sigurado akong si Russel ang naliligo dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Ginising ko muna ang lahat saka naghanda ng breakfast. “Annalysse at Xina, pahiramin ko nalang kayo ng Damit. Maligo na kayo dun sa taas. Yung Cabinet kong nasa kaliwa dun kayo kumuha ng damit at under garments na di ko pa nagagamit.” Sumenyas silang dalawa ng “thanks”. Tumango lang ako at ngumiti. “Drew, pahiramin mo ng damit si Sean.” Ngumuso lang siya at nagmamaktol na tumalima. May mga damit dito si Drew dahil madalas ay hindi siya umuuwi sa kanila lalo na kapag wala ako dito sa bahay dahil sa kaliwa’t kanan na trabaho ko. Instant care taker ng bahay ko yan si Drew. Dumaan si Russel sa harap ko paglabas niya ng banyo. Napatingin ako sa kanya habang nagpupunas ng basang ulo. Naka-black pants na siya, suot niya ang tsinelas kong pambahay na Tweety bird at nakabukas ang putting polo kaya nakalantad ang abs. Medyo basa pa ang katawan niya at ang butil butil na tubig ay dumadausdos mula sa leeg niya pababa sa dibdib at abs niya. Napalunok ako ng hindi ko namamalayan. “Pakisara ng bibig.” Dun lang ako natauhan mula sa kahalayan este sa pagtitig sa kanya dahil hinawakan niya ang baba ko para itikom ang bibig ko. “Ang Gwapo ko na, ang hot ko pa. Tsk. Tsk. Ingat ka. Baka ma-fall ka.” Sabi niya na ngiting ngiti sa harap ko. Isinampay niya ang tuwalya sa leeg niya at saka tumayo ng tuwid sa harap ko. “Tumabi ka diyan Payatot.” Sabi ko at saka umiwas ng tingin. “Payatot. Sa abs kong to! Haha! Wag ka ngang mamula! Ang ganda mo lalo.” Saka sisipol sipol na umalis sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin ng dumiretso siya sa labas ng bahay at lumapit sa likod ng kotse. May kinuha siyang nakahanger na coat at isang necktie. Umiwas agad ako ng tingin at nagbusy-bisihan. Ilang beses akong humugot ng hininga dahil pakiramdam ko ay mamatay na ako. Jusko! Bakit ang init ng mukha ko!? “Oy salamat dito Drew.” Dinig kong sabi ni Sean kaya napatingin ako sa kanila. Tumango ng nakangiti si Drew at saka magka-akbay na umupo sa sofa at binuksan ang TV. Close agad? Kagabi lang nagkakilala. Naglakad ako papunta sa sala at saktong paggpasok naman ni Russel. Nakangiti parin. Umirap ako sa kanya at ngumiti dun sa dalawa. “Kain na. Pababa na rin siguro yung Dalawang Babae.” Yaya ko. Mediyo matagal na kasi yung dalawa sa taas. Well, matagal talaga maligo ang mga babae. Sumenyas ako na sumunod na sila sa’kin. Unang tumayo si Russel at sumunod naman si Drew at Sean. Pag-upo ko ay siya namang mabilis na upo ni Russel sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng mausog ng kaunti ang upuan ko. Kumindat lang siya at inis na naupo nalang ako. Naupo din sa kabilang side si Drew. Sa harap ko naman ay ang kabababa lang na si Xina. Tumabi sa kanya si Annalysse at sa dulo umupo si Sean. “Saan kayo pupunta?” tanong ko dun sa tatlo. Napakunot noo silang tatlong habang nakatingin sakin. “I mean, my trabaho ako at hindi ako pwedeng umalis ng walang paalam sa Boss ko.” Sinadiya kong diinan ang salitang boss. “And that’s me.” Nagmamalaking sagot ni Russel. Hindi ko pinansin kasi wala din namang sense. “Pinag-iisipan ko pa rin kung sasama ba ako sa inyo o hindi. I’m not telling you na hindi ako naniniwala sa inyo. But, please do understand na my buhay ako. Tahimik na. Almost.” Pagkadiin din sa salitang almost at sinulyapan ko si Russel. Ang point ko, tahimik na sana kaso dahil sa boss kong to naging madagungdong nga. “Mahirap magdesisiyon ng basta basta lalo pa’t alam kong iiwan ko ang nakasanayan kong buhay sa bagay na walang kasiguruhan.” Sabi ko at patuloy sa pagkain. “Ilang buwan nalang ang hinihintay niya at makukuha na niya ang mana mula sa mga magulang niya at makakapaglibot na siya sa iba’t ibang bansa na matagal na niyang gustong gawin. Then *plick*” russel snap a finger. “Bigla kayong dumating.” Nak ka ng! May punto siya. Minsan may sense naman pala ang pumapasok sa isip niya. “Naiintindihan namin. Sa ngayon ay babalik kami sa mga sarili naming mundong pinanggalingan. Hanggang sa makapag-isip ka na.” sagot ni Sean at sinangayunan naman ni Xina at Annalysse. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na si Drew sa trabaho niya. Yung tatlo naman ay bigla nalang nawala matapos magpa-alam na uuwi na. Malay ko din kung saan sila dumaan pauwi at kung anong hokus-pokus na naman ang pinag-gagawa nila. Ako naman ay wala ng choice kung hindi ang sumabay kay Russel na pumasok sa Trabaho. Una, dahil traffic at mahihirapan akong mag-abang ng masasakyan. Pangalawa, kapag nalate ako ay hindi niya ako masusumbatan dahil late din naman siya, at pang-huli, nakitulog siya sa bahay ko kaya ako ang may maisusumbat sa kanya. Pagbaba ko ng sasakyan ay walang pasabi na isinara ko ng malakas ang pintuan. Normal sa akin na kumilos na parang laging mainit ang ulo kapag si Russel ang kasama ko. Bukod sa mainit ang dugo ko sa kanya sa tuwing makikita ko ang mukha niya eh idagdag mo pa ang katotohanang siya ang pinaka-kinaiinisan kong boss. “Uy! Sabay kayo ni Boss? Best of friends na ba ulit?” salubong sakin ni Jayvee. Isa siya sa mga dapat bigyan ng award na Most Punctual. Ang aga palagi, masipag din. Tulad ngayon, nagpupunas siya ng salamin. “Maglinis ka lang diyan. Kung ano-anung pinapansin mo.” Sabi ko at saka binuksan ang Glass door. Narinig kong napa-aray si Jayvee kaya naka-ngiwi ko siyang nilingon. Hawak hwak ang ilong at Noo. Tinamaan yata ng buksan ko ang pintuan. Natatawang binilisan ko nalang ng lakad ko. Napaka-tsismoso kasi! Habang naglalakad ako ay narinig ko ang pagpasok ni Russel at ngtatanong kung anong nangyari kay Jayvee. Parang bata namang nagsumbong ang ugok kaya napairap nalang ako at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ko. 30 minutes before the opening ng Restaurant kaya inayos ko na agad ang mga dapat ayusin at inasikaso ang mga trabaho kong dapat pang tapusin. Inaasahan ko kasing magpapatawag na naman ng Company call si Russel 15 minutes bago mag-open. Kaya nilibang ko muna ang sarili ko. Busyng busy ako ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nagiging dalawa din ang bawat bagay sa paligid ko. Maya maya ay nakakarinig ako ng ingay sa isipan ko. Napapikit ako at hinawakan ang ulo ko. Hindi sumasakit. Hilo lang talaga. At may kung anong imahe ang rumerehistro sa paningin ko. Mga mabilis at hindi klaradong imahe. May babae, maganda, naka-upo at may yakap na lalaki. Parehong duguan. Madilim ang paligid. Tapos biglang nawala, may isang babae ulit, hindi ko makilala ang mukha dahil malabo. Pero ang mukha ng magandang babaeng naka-puti ay klaradong klarado. Kinuha niya ang kamay ng babaeng una kong nakita at sabay silang nawala. “Shiori!” napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Russel. Nawala ang mga nakita ko ng panandalian. Sumalubong sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Nakahawak ang magkabila niyang kamay sa balikat ko at nakatayo siya sa harapan ko. “Ayos ka lang ba?” “A-ah. Oo.” Sabi ko at saka mariing napapikit. “Ang daming beses kitang tinawag pero parang hindi mo alam na nandito ako. Akala ko kung anong nangyayari sayo.” Napahinga siya ng maluwag. “Ayos ka lang ba talaga?” “Oo. Nahilo lang.” sabi ko sabay tango. “Company call na ba? Ba’t nandito ka?” “Di na ko nagpa-company call. Wala naman ding bagong rules and regulation. May naghahanap sayo sa labas.” Napakunot noo ako. Sino na naman ang naghahanap sakin!? “At hindi ko din alam kung sino. Wala sa mga nakatagpo natin kahapon.” Tumayo ako at saka sumilip sa pinto. Naramdaman kong sumunod si Russel sa akin. Sa labas ay may mga Crew kami na abala na sa pag-asikaso sa mangilan-ngilan na costumer. Nakuha ng ataensiyon ko ang apat na Taong sana isang table na may six seats. Dalawang babae at dalawang lalaki. Hindi ko kilala at ayon sa mga nakatagpo ko ng landas kahapon ng buong maghapon ay wala akong matandaan ni isa sa kanila. Tinignan ko rin ang mga buhok nila. Wala din sa mga kulay na binanggit nila Xina kagabi at kung saang kaharian nagmula. Ang mga buhok nila ay elemental ang kulay at matitingkad. Ang isang Babae ay pulang pula, ang katabi nila namang Lalaki ay may Asul na Buhok, sumunod ay yung Babaeng brown ang Buhok at panghuli kong tinignan yung green ang buhok na lalaki. Ano to? Touch the color? Wtf!? Iba-iba talaga ang kulay ng buhok? Ang weird. Pinagtitinginan tuloy sila ng ibang costumers, yung iba, amazed na amazed. Yung iba parang napapangiwi dahil sa insecure lang talga. Napalunok ako at napabuga ng hangin. Jusko! Sino na naman ang mga to? Ilang batalyon pa ba ang magpupunta dito at hahanapin ako!? Magpapalit kaya ako ng pangalan? Wala lang. Naiisip ko lang. Baka sakaling effective at wala nang maghanap sakin. Tanga! Wala pa ang Mana mo. Oo nga pala. Wala akong pera para magpapalit ng pangalan. “Sabihin mo wala ako.” Sabi ko sabay talikod. Kasong maling tumalikod ako bigla. “Lumayo ka nga sakin!” sabay tulak ko kay Russel na muntik ko pang mahalikan dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Hindi ko naman kasi alam na nakikisilip din siya. “Ano ba!? Ba’t ka ba nanunulak diyan?” maktol niya na parang bata. Maya-maya ay ngumisi at saka nagtaas baba ng kilay. “Kunwari pa. Sabihin mo lang kung gusto mo ng kiss.” Nakita ko yung brown na folder sa may patungan kaya mabilis kong dinampot at binato sa kanya. Umilag naman siya agad at tatawa tawang inilabas ang dila para mang-asar. Isip bata!! “Lumabas ka na nga! Sabihin mo wala ako.” Singhal ko sa kanya. “Ayoko nga! At sinabi ko na sa kanila na wala ka. Kaso alam daw nilang nandito ka.” Sabi niya at saka naweng. Lumapit siya sa pinto at sumilip ulit. “At aba! Wag mo kong inuutusan ng ganyan Shiori! Hindi porket—” natigilan siya at biglang namula ang tenga. “Hindi porket ano?” tanong ko ng putulin niya ang sinasabi niya. Matagal bago siya nakasagot. “Ah basta! Boss mo parin ako kaya wag mo kong mautusan ng ganun ganun lang.” sabi niya sabay Labas ng pintuan. Napamaang nalang ako at napasandal. Anyare dun? May topak talaga. Tsk. Hay! Buhay to oh! Hayaan na yun. Ang problema ko ngayon ay kung paano haharap dun sa apat na yun. Anong gagawin ko? Ano ba kasing kailangan nila? Ano bang meron sa akin!? Napakamot ako at inis na tumayo. Walang pagpipiliian. Bahala na! Dumiretso ako sa pinto at lumabas ng opisina. Paglapit ko sa kanilang apat ay sabay sabay silang lumingon sa gawi ko. Nakangito ayung may berde at brown na buhok. At seryoso naman yung may pula at asul na buhok. “Kayo ba ang naghahanap sa’kin?” tanong ko agad at umupo sa gitna. Animan ang set ng table and chairs so I occupied the vacant seat. “Miss Shiori Inoue? “ tanong nung Lalaking Brown ang buhok. Tumango lang ako bilang sagot. “And you are?” tanong ko sa kanila at isa-isa silang tinignan. “I’m East.” Guy na may blue hair. “ Air Kingdom.” “South, Of fire Kingdom.” Sabi nung Girl na Red ang buhok. “Ako naman si West. Water Kingdom.” Dugtong ni Kuyang Green ang buhok. “At ako si North, from Earth Kingdom.” Pakilala naman nung babaeng Brown na brown ang buhok. Tinignan ko sila isa isa sa mga mata. Kung nagsasabi ba ng totoo o ginugoodtime lang ako. Seryoso naman sila . Ano to? Pangalan? North, east, west at South!?!? What the hell!? “Pinaglololoko niyo ba ko?” seryoso kong tanong sa kanila. Tinignan nila ako isa-isa. Hindi ko maiwasang magreact ng ganun. I mean, who the hell would believe na pinangalanan sila ng ganyan ng mga magulang nila. “Umalis na kayo. Busy akong tao para patulan ang kalokohan niyo.” Sabi ko at saka tumayo. Bago pa man ako maka-alis ay may humawak sa wrist ko. “Ouch!” bulalas ko at nahigit ko agad ang wrist ko. Ang init! “Sorry.” Tinignan ko ang babaeng may pulang buhok na nagpakikilala bilang South. Nakangisi siya. Ngising tagumpay. Nakita kong may usok ang kamay niya kaya agad akong napatingin sa wrist ko. Namumula ito at may bakat ng kamay. Hinaplos ko iyon dahil sa hapdi. “Pakinggan mo muna kami Miss Shiori.” Sabi nung lalaking Green ang buhok. Sa pagkakatanda ko West naman ang pangalan. Pabagsak akong naupo. “Then go. Explain, we’ll be listening.” Napatingin ako sa nagsalita at umupo sa bakanteng silya sa tapat ko. “Sorry. But these things are private and only miss Shiori has the right to know about this, sire.” Tugon nung Babaeng brown ang buhok kay russel. Si North? “I am the owner of this place. And that lady right there is my Employee and my Friend as well.” Mayabang ‎na sagot ni Russel at prenteng naka-dekwatro. “Don’t worry hindi na bago sakin ang mga sasabihin niyo.” “Pero—” pigil nung asul ang buhok na lalaki. East? Tama ba? “He has a point.” Singit ko kaya naman nalipat sa akin ang atensiyon nila. Russel gave them a winning look. Napabuntong hininga ang dalawang babae. “Better start to voice out your agenda.” Nagpakilala ulit silang apat kay Russel. Kita ko ang pagkurba ng pigil na pagtawa ni Russel. Napairap ako para pigilan ang sarili kong matawa din. Ang weird naman kasi ng pngalan nila. Jusme. Kalait lait kung tutuusin. Well, hindi nga naman tulad ng mga angalan sa cliché na story pero weird pa din. Kahit sinong makakarinig ay matatawa lalo pa’t magkakasama sila. Kumpleto ang apat na direksiyon. Pft! Tulad ni Xina, Annalysse at Sean ay ganun din ang pakay nila. Kailangan nila ng tulong ko. Lahat daw sila ay Taga Genovia . Katulad nila Sean hindi din sila pangkaraniwang tao at may mga angking abilidad at kakaibang kakayahan. Sa bawat isang mundo raw ay may two representatives sa paghahanap sa akin. Oo sa akin talaga. Pero sa mundo nila na tinatawag na Genovia ay may Limang inatasan sa paghahanap sa akin. “Sandali. ‎Apat kayo na nanggaling sa mundo niyo samantalang yung iba ay dalawa lang sa bawat mundo?” wow! Gaano ba kalaki ang mundo nila? Malaki ba kaya sa Earth? Kalokohan! “Uhm.” Tumango si North. “Apat kami, dahil ang Genovia ang pinaka malaking mundo. Binubuo ng limang kaharian.” “North? Tama?” tanong ni Russel. Tumango si Russel. “Ano naman ang pinagkaiba niyo dun kila Xina? I’m sure kilala niyo sila Xina at ang iba pa.” “Yup. We knew them. All of them. Sa anim na mundo ng mga hindi pangkaraniwang tao ang Genovia ang pinaka malaki at pinakamalawak. Ang bawat mundo ay may kinikilalang hari at Reyna. Ganun din sa Genovia. Mayroon kaming limang kaharian. Sa bawat kaharian ay mag mga Hari’t Reyna. Ang apat na binanggit namin na kaharian ay ang kinabibilangan namin.” Mahabang paliwanag ni North. Sa apat, si North ang may pagkamadaldal at komportableng makipag-usap. Parang sanay na sanay. “Pero, ang bawat mundong pinanggalingan nila Xina ay hindi pinahihintulutang magkaroon ng sariling paaralan at tanging Genovia lang ay may Paaralan para hasain ang mga kapangyarihan namin. At hindi namin alam kung bakit Genovia lang ang may paaralan. History na ang bahala doon. May isa pang kaharian sa amin. Ang Aither. Pero isang libong taon na at hindi parin mahanap ang dapat na maging hari at Reyna doon. Ang tunay na dahila ang di namin alam. Ang balita lang namin ay sumpa. Namamatay ang sino mang sumubok na umupo sa trono. Naputol na rin ang bloodline nila at nananatiling isang misteryo.” Sabi ni South at saka humigo ng kape pagkatapos magpaliwanag. Si East at West naman ay patango tango lang at sumasang-ayon sa sinabi nung dalawa. “Pero bakit ang dami dami niyong naghahanap kay Shiori? I mean. Pwede namang isa lang. Hindi naman mahirap hanapin ang isang to ano.” Singit ni Russel. In some point gusto ko din sanang itanong yun sa kanila. “Ipagtanong niyo lang kung sino ang maladiwatang babae sa Earth ituturo kayo sa lugar ko dahil sa amin niyo siya matatagpuan.” Napa-angat ng sulok ang labi ko. Walanjo! Kelan kaya magseseryoso ang isang to. “Oops! Mali ka diyan Sire. “ putol ni East sa sinasabi niya. “Marami kami, dahil. Kahit isa ay walang nagtagumpay na makahanap sa kanya.” Turo niya sa akin. Tinignan ko itong si guy with blue hair. Sa pananalita palang halatang may pagkamayabang. “Isang libong taon nang pinapahanap ang binibining ito kung alam mo lang. Ilang henerasyon na ang dumaan at hindi siya mahanap. Eh siya lang daw ang makakasagot kung nasaan ang light goddess.” “Teka. Isang libong taon?! Are you kidding me? At saka malay ko sa light goddess niyo? Wtf!? Eh kung ipadala ko kayo sa Mental Hospital ngayon din!?” bulalas ko. Napalakas ang boses ko kaya napatingin sa akin ang ilang costumer at Crew. “Magsama-sama kayo nila Xina! Ang sabi nila ay ako raw ang light goddess!? Kalokohan!” “Hindi mo malalaman kung hindi ka sasama sa amin, may mga gagawin sayo doon. Mga spell. Ritual para maisalaysay mo. Ikaw ang daan.” Tuloy tuloy na sagot ni North. Napatayo din siya at nagtaas ng boses. “North.” Saway ni West. “North, sit down.” Saway din ni South pero hindi siya nagpatinag at nakipagtitigan sa akin. “Miss Shiori. Please believe us.” “Pfft! Hahahaha this is… hahahahaha” napatingin ako kay russel na hindi na napigilang tumawa. Sinusubukang pigilan pero natatawa parin. Inalis ko nalang ang paningin sa kanya at ibinalik kay North na naupo na. I cleared my throat at umupo na din. “This is ridiculous. Sorry, I can’t help it.” “So kanino ako dapat sumama kung ganun?” sabi ko ng mapag-isi isip kong maniwala sa mga sinabi nila. Hindi ganun kahirap para sa akin ang maniwala. I don’t know why pero may instinct ako na nagsasabing go lang. Maniwala ako sa kanila. “Your choice, pero sana sa amin. Dahil ang sinumang makahanap sayo at makapagdala sa Academy ay may gantimpala.” Yun lang ang huling salitang narinig ko mula sa kanila buong maghapon. Umalis sila pagkatapos ng usapang yun. Ako naman at si Russel ay hindi makapaniwala sa mga napagusapan. Maya’t maya kung magtanong siya kung nananaginip ba siya at pabalik balik siya sa opisina ko. Wala na din akong ibang ginawa kundi ang pitikin ang noo niya para patunayang pareho kaming gisning ng marinig namin ang mga iyon. At ngayon ay maggagabi na. Magsasarado na kami at yun parin ang bumabagabag sa isip ko. Isa pa, hindi naman nabanggit nila Annalysse na may gantimpala pala kung sino ang makakahana sa akin na nauna. Pero bakit hindi nila sinabi? Aish! Basta bahala na. “Sir! Una na po kami.” Napalingon ako kila April na nagpaalam kay Russel. Pauwi na silang lahat. “Bye Shiori! Ingat!” tumango lang ako at saka ngumiti. “Halika ka na. Ihahatid na kita.” Sabi ni Russel. Hindi ko siya pinansin at saka ko inilock ang pinto. “Key.” Inabot ko naman sa kanya ang susi. Nauna siyang maglakad palait sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman agad ako. “Iniisip mo parin? Well, it is hard to believe it thou.” Sabi niya saka inistart ang kotse. “Nope. It’s not that, I was curious, bakit hindi binanggit nila Annalysse na may gantimpala silang makukuha kung sila ang makakapagdala sa akin doon sa lugar na yun?” wala sa sarili kong sabi. “Maybe, reward doesn’t matter for them.” Kibit balikat na sagot ni Russel. Impossible. Kahit sino ay maghahangad ng gantimpala. Aish! Bahala na! Bakit ko ba kasi ini-stress ang sarili ko sa bagay na to!? Tahimik lang kami ni Russel hanggang sa Makarating sa Bahay ko. Pinatuloy ko din siya bilang pagpapasalamat na sa paghatid niya sa akin. Titimplahan ko na nga sana ng juice dahil yun ang nasa isip ko. Kaso nagulat ako ng may kunin siyang bag na may kalakihan sa Compartment ng kotse niya. Napataas kilay ako habang siya naman ay ngiting ngiti. “Ano yan?” tanong ko at itinuro ang hawak niyang bag. “Bag.” “I mean bakit may ganyan ka? At saan mo dadalhin!?” nilampasan niya ako kahit hindi pa tapos ang sinasabi ko. “Sa loob.” Sagot niya. “Bakit!?” singhal ko. “Dito ako makikitulog.” Sabay taas baba ng kilay niya. Hindi muna ako nakapagreact at nakangangang sinundan siya ng tingin. Ang walang hiya! Nauna pang pumasok sa pamamahay ko. Anak nam! “At dito muna ako.” Tumigil siya sa may pintuan. “Hanggang sa makapag-desisyon ka na kung sasama ka sa kanila. Sasama ako siyempre.” Tapos kumindat. Dun lang ako natauhan at parang dun nag sink-in ang lahat sa isip ko. Dito siya tutuloy hanggang sa makapag-desisyon ako!? Wth!? “Hoy! Anong sasama ka!?” sabi ko at sumugod papasok ng bahay. “At saan Mo‎ kinuha ang mga damit mo!?” di ko natandaang umalis siya kanina. “Russel yu!!!” “Shhh.” Lumabas siya galing tinapay at may hawak na latitong may lamang cake at kumakain. “Yung Driver ang pinakuha ko niyan. Tsk. Ang ingay mo. Akala ko ba ayaw mo sa maingay!?” umupo siya sa sofa. Kinuha ang remote saka binuksan ang tv. Napapikit ako sa inis dahil hindi lang yun. Ipinatong niya ang paa sa center table ko. Bahay niya? Bahay niya? Pinigilan kong sumigaw dahil sa inis ko. Nagdadabog na umakyat ako sa kwarto ko. Pabagsak ko ring isinara ang pintuan. Pero nagulat nalang ako ng maisara ko ang pinto ay may dalawang di ko kilalang tao sa loob ng kwarto ko at nasa magkabilang gilid ko. Hindi ko na nagawang tignan sila ng matagal at suriin kung babae ba o lalaki. Kung anong suot. Basta hindi ko na napansin. Hindi ko narin nagawang magsalita dahil mabilis na natakpan ng isa ang bibig ko at may kung anong pinindot sa batok ko. Naparalisa ang katawan ko at bigla nalang akong walang naramdaman. “Russel……..” ‎Unti-unting pumipikit ang talukap ng mga mata ko. Pero bago ako tuluyang lamunin ng antok ay nasilayan ko pa ang Sobrang Liwanag ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD