SHIORI'S POV
"Russel." tawag ko sa kanya. Masiyado kasing mahigpit ang pagkakayakap niya. "Hindi ako makahinga." gasgas na linya!
"Ah. Sorry sorry." sabi niya sabay kalas sa pagkakayakap sakin. Mediyo awkward lang kasi ang dami palang naka-tingin. Puno pala ang canteen ng mga naka-uniform ng white and Yellow. "Buti Ayos ka lang."
"Ahh Oo. Salamat sa Pag-aalala."
"Sinong nag-aalala? Hindi ako ah." umiwas siya ng tingin. "Akala ko tinakbuhan mo na ko bilang Boss mo no! Buong Araw kang wala sa Trabaho ngayon. At ngayon absent ka! Bawas sa Sweldo mo yon." napangiti ako kasi alam kong tinatago niya lang ang katotohanang nag-alala talaga siya. One more thing, hindi siya magaling magsinungaling. Namumula ang tenga niya. "Tsk! Kumain ka na? Halika.." hindi pa ako nakaksagot ay kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad papunta sa isang mahabang lamesa. Sinalubong ko ang tingin ni South, East, West at North pati yung Dalawang nasa isang gilid. "Upo. Kumain ka. Iyo na tong Pagkain ko."
Kunot noong tinignan ko siya. Baliw amp!
"Upo ka Miss Shiori. Naku kahapon pa yan ---" sabi nung babaeng di ko kilala na katabi nung--Taxi Driver!?
" Sabat ng Sabat." saway ni Russel sa kanya.
"Di ba ikaw yung---"
"I'm Alexis and this is Norin." putol niya sa sinasabi ko at saka nakipag-shakehands. Nakangiti ring nakipagkamay yung babae. "Sorry about Last time."
"Sorry din. Anyway," nilingon ko ang mga kasama ko kanina. Hindi sila lumapit at nandun lang sila sa may Entrada at nanatiling nakatayo't nakatingin sa akin. "May mga Kasama ako." baling ko kila South.
"It's Ok." kibit balikat na sagot ni South.
Nilingon kong muli sina Zieg. Ngumiti lang sila at Sumenyas na Mauuna na. Alanganin na tinignan ko sila ng makahulugan. Sa pamamagitan ng mga mata ay tinanong ko kung ayos lang ba sa kanila. Tumango si Zila Xina at sumunod na sa kanila ang iba ng magsimula silang maglakad palayo. Sinundan ko sila ng tingin ng tuloy tuloy silang naglakad papunta sa mediyo dulo ng malawak ng Kainan. Maging ang mga nakasaksi ay sinundan sila ng Tingin.
"Kumain ka." dun lang napukaw ang atensiyon ko ng magsalita si Drew. Ngumiti ako. Tumabi naman sa akin si Russel at Nakahalumbabang tinignan ako.
"Bakit pumunta kang mag-isa dito? Halos mabaliw kami neto...." turo niya kay Drew na nasa Tabi niya. "Kakahanap sayo kahapon."
"Hindi ako pumunta mag-isa dito. Nagising akong nasa Ganitong lugar na ko." sabi ko sabay irap.
"Wala kang Idea kung sino ang nagdala sayo Dito Miss Shiori?" -- East
Umiling lang ako sabay subo ng pagkain. Meron akong hinala. Di ko lang sigurado.
"Sino?" -- napalingon ako dun sa kasama nilang may pangalang Norin. "Sinong Pinaghihinalaan mo.?"
"H-hah?”
"She Can Read Your mind." napalingon ako kay West at pagkatapos ay kay Norin ulit. Amazing.
"Thanks. So Sino nga?" tanong ulit ni Norin.
"Ahm. Di ko pa sigurado. Sasabihin ko na lang siguro kapag nakumpirma ko." sabi ko. Matagal nila akong tinitigan pero nagkibit balikat lang din pagkatapos at saka nagpatuloy sa pagkain.
SOMEONE'S POV
"Ladies and Gentlemen, prepare For Landing." dinig kong wika ng isang boses na nanggaling sa mga speaker sa iba't ibang sulok ng Eroplano. Napatingin ako sa bintana. Nasulyapan ko ang palapit na palapit na Pilipinas. Mula sa maliliit na mga gusali ay lumalaki na habang palapit ng palapit ang pagbaba ng Eroplano. Maganda ang panahon at napaka-aliwalas ng paligid.
Nang lumapat ang gulong at naramdaman ko na ang paglapag ay napuno ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ang puso ko. Excitment marahil dahil makalipas ang napakaraming taon ay nakabalik na ako ng Pilipinas. Paghinto ay isa-isa ng nagsibabaan ang mga pasahero. Paglabas ko palang ng pinto ay buong giliw akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang labas ng Airport. Sinalubong ang ingay at Polusyong sa Pilipinas ko lang Siguro makikita.
"Miss Farah!" napalingon ako sa isang middle Age na babae at sa mga kasama niya na may hawak ng Malaking banner. Nakasulat doon ang buong pangalan ko.
Nakangiting kumaway ako at lakad takbong lumapit sa Gawi nila habang Hila-hila ang Traveling Bag na nasa Push Cart. Mabilis na May mga umalalay sa akin at kinuha ang mga Bagahe ko.
"Kamusta kayo Manang?" bungad ko saka yumakap sa kanya.
"Ayos naman hija. Aba'y ang laki ng ipinagbago mo. Dalagang dalaga. Ikaw ba ay mag-aasawa na?" biro niya.
"Si manang talaga. Wala pa po. Ni hindi ko pa nga po natatanong kung nag-asawa na ba Ang pinapantasya ko." natawa ako sa isiping iyon. Naalala ko siya bigla.
Pumarada ang isang sasakyan sa harap namin ni Manag at dun ay isinakay ng mga kasama naming katiwala ang Mga Bagahe ko. Pagkatapos ay magkasunod kaming sumakay ni Manang. Nakangiting Bumati ang Family DrIver namin na tuwang tuwa ding Makita ako.
"Kamusta ang Byahe?" --manang
"Ayos naman po."
"Siguradong pagod at gutom ka. Ipinagluto ka Ng Mommy mo." nagulat ako sa sinabi ni Manang. Pero Lihim na napangiti. Malaking bagay na sa akin na marinig na Ipinagluto ako ng Aking ina. Sa isip ko ay nagkukumahog akong makarating agad sa bahay at tikman ang niluto ni Mommy para sa akin. Ngayon ko lang mararanasan at napakatagal kong pinanabikan.
"T-talaga po?"
"Maagang gumising Si Madame para ipagluto ka Hija." nakangiting sabi ni Manang kaya napangiti ako.
Hindi ko na maitago ang tuwa hanggang sa makarating kami sa bahay. Pinagbuksan kami ng Gate ng Guard at idiniretso papasok ang sasakyan hanggang sa harap ng Magarang pintuan. Nagpatiuna na ako sa pagbaba na akala mo'y batang paslit na nanggaling eskwela at bumama ng school bus at sabik na sabihin sa magulang na "i'm home."
Yun nga lang ay iba ang sa akin. Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang napakatahimik na Kabahayan. Nakakabingin katahimikan. Maraming nagbago sa bahay. Ang kulay, ang diseniyo at ang Sigla. Ang tanging Hindi lang nabago ay ang napakalaking litrato ni Daddy na makikita na pagpasok na pagpasok palang ng Pintuan. Ang mukha ni Daddy na nakangiti at parang laging nakatingin sa akin. Napangiti ako.
"I'm back, Dad. I missed you." bulong ko.
Nalungkot ako bigla at nanggilid agad ang luha sa gilid ng aking mga Mata. Tumingala ako para pigilan iyon. Pero sa pagtingala ko ay sumalubong sa akin Ang mukha ni Mommy. Nakatayo sa ikalawang palapag. Nakatingin siya ng Diretso sa akin. "I missed you. Mom" bati ko sa isip ko. Walang mababasang emosiyon sa mukha niya. Walang bahid ng kahit anong emosiyon ang kanyang mga mata. Bakas na ang pagkaka-edad sa kanyang mukha. May Puting buhok ngunit hindi gaanong halata. Ang mga kamay ay nakapatong sa Railings. Nag-alangan akong bumati kay Mommy pero sinubukan ko. Pinasigla ko ang ngiti at kakaway sana ng bigla ay tinalikuran niya ako at narinig ko na lang pagsara ng pintuan. Naibaba ko ang kamay na bagaman ay hindi ko pa naikaway sa kanya ay nai-angat ko na.
Napayuko ako at dismayadong napabuntong hininga. Iniisip ko kung tama pa bang bumalik ako ng Pilipinas o dapat ay Nanatili nalang ako France? Nagisnig ang diwa ko ng pumasok sila manang at ang mga tagasilbi dala ang gamit ko. Inutusan ko silang i-akyat iyon sa kwarto ko. Si Manang naman ay tumabi sa akin.
"Napagod siguro ang Mommy mo." nagluto kamo siya. Alam ko na hindi siya napagod doon. Hindi ko na lang ipinahalata kay manang ang lungkot na naramdaman ko kahit pa alam kong alam na alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. "Halika. Tikman mo ang inihanda niya para sayo."
Ngumiti ako sumunod kay manang. Ipinatong ko ang Coat ko sa nadaanan kong sabitan. Nakahanda na ang hapag kainan. May tatlong nakataob na plato at mga kubyertos na naka-ayos sa gilid nun. Lalong nadagdagan ang lungkot na naramdaman ko. Hinahabol ako ng kunsensiya na dapat ay hindi ko maramdaman dahil alam kong wala akong ginawang masama. Naupo ako sa kanan habang hindi inaalis ang paningin sa upuang nasa kabisera at nasa kaliwa.
Pinagmasdan ko lang si manang na pinatihaya ang platong nasa harap ko at nilagyan ng pagkain. Wala sa sariling kinuha ko ang kamay ni manang kaya natigilan siya. Ngumiti.
"Ako na po manang." ngumiti ako. Pilit man ay sinikap kong lagyan ng sigla. " hindi na po ako Bata. Sapat na ang ilang taon mong ginawang pagsilbihan ako at alagaan noon. Kaya ko na po."
"Ikaw talagang bata ka."
"Sabayan mo ako manang.... please." sabi ko. Tumango siya at hinila ang upuan sa tabi ko. Sinenyasan niya ang isang katulong. Umalis yun at pagbalik ay may dala ng Palato at kubyertos para kay Manang.
"Kumain na kaya ang Mommy?" tanong ko ng may malungkot na himig. Hinawakan lang ni Manang ang kamay ko at pinaramdam na ayos lang na makaramdam ako ng lungkot at nasa tabi ko siya.
"Kumain ka na hija. Magpahinga ka pagkatapos." sabi niya. Tumango ako at saka tahimik na kumain. Si Mommy man ang nagluto o hindi ay pinilit kong kumain ng marami. Kung siya nga ang nagluto ay uubusin ko kung kinakailangn.
Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa Kawarto at saka nahiga. Ibinagsak ko ang katawan na tila pagod na pagod.
"Dad, wala akong Kasalanan. " wika ko.
Sa puntong iyon ay naramdaman ko na lang na may mainit na bagay mula sa aking mata ang tumulo.
SHIORI'S POV
Mabilis kong nakapagpalagayan ng Loob sina Alexis at norin. Ganun din ang Apat. Yun nga lang ay nawalan na ako ng pagkakataon na makabalik kila Sean dahil may pagkamadaldal si North at East. Tulad sa Mortal World, Normal lang na may mga sarili silang Pag-uugali. Kanina ay nabasa ko agad ang ugali ng mga Kasama ko. Si Zila at Zieg at mabait, Humble pero palabiro. Si Sean may kaunting pagkaseryoso. Si Alice. Tahimik at Hindi mo malalaman kung ano ang iniisip dahil iba siya makatingin. Parang laging may kalokohang naiisip. Parang binabasa niya ang kaluluwa mo. Si Annalysse at Xina at tipical na babae. Simple at palangiti. Kapag may tanong ako, sila ang madalas na nauuna sa pagpapaliwanag. Si Avien at Edmund may pagka-Gentleman. Ang ganda ng ngiti palagi at caring sa mga kasama. Si Norin madaldal na tulad ni North. Ang kaibahan lang ay nailalabas ni Norin ang gustong sabihin kapag nakakabasa siya ng thoughts ng kasama niya. Bigla biglang magsasalita at talagang mabubuking ka. Si East ay Parang si North. Mediyo--well.. mahangin. Mataas ang Self Conffidence. Si Alexis ang masipag magpaliwanag. Si West at South naman, tahimik, minsan lang magsalita cold pa. May sense at masiyadong Seryoso. Unang tingin palang ay mukha ng matalino.
Tulad sa cliche stories ay may maldita. Nababasa ko madalas ay kontrabida o b***h para machallenge ang bida. Pero ang kwento ko ay kakaiba. Sa mga nakasalamuha ko, ang nakikita kong may ganoong karakter ay si Alice Frailen. Mataray, may sariling mundo at iba makatingin sa ibang tao. Pansin ko rin na masama madalas ang tingin sa kanya ng karamihan sa estudyante dito. Bukod dun ay nakikita ko kay Norin ang pagiging pala-away. In short War freak. Hindi kasi mahinto ang bibig at nakikipag barahan. Sa isang buong araw ay nakilala ko sila. Maaaring hindi pa masiyadong kilala pero atleast alam ko kung sa paanong paraan sila pakikisamahan.
Pagkatapos ngang mananghalian ay ipinatawag ako ni Headmaster Amir para paliwanagan. Kung ano daw ba ang ginagawa ko dito. At kung bakit ako nandito. Hindi ako makapaniwalang pinagkamalan nila akong Light Goddess Gayong wala akong kahit anong matandaan tungkol sa Dalawang salitang iyon. Alam ko kung sino ako mula pagkabata. Malinaw sa akin ang pangalan ko, pangalan ng mga magulang ko. Edad ko. Pagkatao ko. Pero sinasabi nila na ako ang Light goddess nila. Hindi ko alam kung isang kumpol ng may tama sa pag-iisip ang lugar na napuntahan ko. Lahat ng bagay ay Bago sa akin, kakaiba ngunit kamangha-mangha. Weird pero napakaganda.
Minsan pa ay iniisip ko. Kung nanaginip man ako ay hindi ko muna gugustuhing magising. Ang lugar na ito ay parang paraiso. Kahit pa sabihin nilang unti-unti na itong nasisira at nagiging maputla. Paraisong maituturing. Siguradong masasapak ko ang sinumang gigising sa akin mula sa isang magandang panaginip na ito. Panaginip na kung saan ay ako ang bida. Ako ang itinuturong Light Goddess. Ako ang itinuturing na pinaka makapangyarihan. Oo, panaginip. Para sa akin ay panaginip lang ang lahat ng ito.
Sobrang Hirap paniwalaan na may ganitong pangyayari sa buhay ko. Isang normal na taong napadpad sa isang naiibang mundo. Nagulo man ang tahimik kong buhay pero sa kabilang banda ay pabor sa akin. Marahil ay dahil sa kagustuhan kong makawala sa araw-araw na Stress at ingay ng paligid sa Mundong Pinanggalingan ko. Nakakatawa lang at sa akin pa nangyari ang ganitong klase ng Kwento. Sana naging ibang tao nalang ako.
Hindi ko maalis sa isip ko ang litrato ng isang babaeng May mahabang kasuotan. Mukhang Reyna. May Korona. Hindi nakangiti ang mga labi pero ang mga mata at may kakaibang ngiti na nagpapakita na napakabuti niyang pinuno. Maaliwalas ang mukha. Kagalang-galang. Sa tabi ng kanya ulo ay may isang bolang puti na pinalilibutan ng apat na bolang may mas maliit na sukat. Red, Blue, Green, And Brown. Ang babaeng iyon na mukhang kagalang-galang, ang babaeng iyon na mukhang Reyna, ang babaeng iyon na nasa magarang kasuotan ay ako. Mali, kamukhang kamukha ko lang siguro dahil hindi ako iyon. Pinagkamalan lang nila ako at ang babaeng iyon ay iisa.
MAKA-ILANG ulit akong bumuntong hinga. Iginala ko ang paningin ko. Napaka-relaxing ng lugar. Narito kaming tatlong sa isang lugar na bago sa amin. Nasa loob pa ito ng academy nila. Isang Burol na kinatatayuan ng isang malaking puno sa tuktok at kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim nito. Malinis ang damuhan at malambot na akala mo ay kama.
"Anong gagawin natin?" -- Drew.
"Gusto ko nang umuwi. Malulugi ang Negosyo ko." -- Russel
Ako, Hindi ko alam.
RUSSEL'S POV
Sabay sabay na kaming bumalik sa Academy. Pagdating namin doon ay pare-pareho kaming iniisip parin ang usapan namin kanina. Totoong gusto ko ng bumalik, pero hindi dahil malulugi ang Negosyo ko. Namimiss ko na kasi ang araw araw na gawain doon. Lalo na ang araw -araw naming pagtatalo ni Shiori.
Ang mga sumunod na araw ay wala kaming ibang ginawa kung di ang maggagala sa kung saan saang parte ng academy. Hindi ko paring maiwasang mamangha at mapanganga paminsan-minsan. Kaming tatlo lang din ang laging magkakasama dahil may klase raw ang mga malignong yun. Paulit-ulit din kaming pinapatawag ng mga Pinuno nila agkatapos ay kung ano-anong sasabihin.
Nandiyan ang uutusan kaming, pasunurin ang hangin. Palaguin ang isang maliit na apoy, agalawin ang lupa at pagsayawin ang tubig. Minsan nga ay gusto ko ng sigawan sila na hindi kami Maligno!!
Ngayon ay nasa Bench kami at nakatingin sa mga padaan daan na mga maligno. Nasa Gitna si Shiori habang nakahalumbaba.ako man ay nag-iisip. Ewan ko na lang diyan kay Gibson kung may isip ba yan. Joke lang!
"Napakarami niyong iniisip. Ang dami niyong tanong. Nabibingi ako." sabi ni Norin na kakalapit lang. Himala! Mag-isa ang tsismosa. "Hindi nga ako tsismosa."
"Wow! Hindi pa sa lagay na yan ah?" sabi ko at saka ngumisi. Ngumuso na naman siya. Ugaling-ugaling ngumuso. Di naman maganda.
"Foul yon!" duro niya sa akin. "Ikaw din!" turo niya kay Drew.
"Ano bang ginagawa mo dito?" iritang tanong ni Drew. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ano ba kayong dalawa." suway sa amin ni Shiori. "May kailangan ka ba Norin? Akala namin ay may klase kayo."
"Pinapatawag kayo ni Head Mistress Rina." rina? Sino na namang maligno yan? "Hindi nga kami maligno! Hindi maligno si Head Mistress Rina!!!!" napahawak ako sa tenga ko at iritang nag-make face.
"Ang ingay." -- Drew
Tumayo kami ng tahimik na tumayo si Shiori. Sinundan namin yung Tsismosang maligno papunta sa Isang malaking bulwagan. Doon ay may mga estudyanteng naka unipormeng puti at dilaw na may mga hawak na Sword at lahat ay may kapareha at nakikipag espadahan. Nalipat ang tingin nilang lahat samin ng pumasok kaming apat. Sa pinaka unahan nun ay may isang babaeng Naka Itim na mahabang kasuotan. Mukhang nakatogang itim na nakalutang sa ere at mukhang nagbabantay. Napatingin din ito sa amin at saka inayos ang pagkakasuot ng Binoculars niya. Lumipad ito Papunta sa amin at bumababa sa mismong Harapan namin.
"Thank You Miss Alceenia." sabi nito kay Norin. Yumuko naman yung Tsismosang Maligno at bumati. "Kayong apat, kumuha kayo ng Sword." itinuro niya ang isang ding-ding na punong puno ng espada. Nanlaki ang Mata ko sa pagkagulat. Iba't ibang uri, iba't ibang tabas.
"What!? Don't tell me--" hindi na natapos ni Drew ang pagrereklamo ng siya na ang naunang hilahin ni Norin papunta sa side na yun. Sumunod kami at Hindi ko maiwasang mapansin ang Pananahimik ni Shiori.
"Choose whatever you want and how many you could handle." nakangiting sabi ni Norin.
Inilibot ko ang paningin ko. Ang buong lugar ay napapalibutan ng iba't ibang klase ng Sword. May mga nakasabit at naka diki sa mga Ding-ding. Hindi mabibilang sa dami. Marami ang nakasabit sa napakataas na Kisame at nagkikislapan ang mga dulo nito.ang lugar ay napuno ng iba't ibang ingay na gawa ng espada. May nagkikiskisan at nagbabanggaan. Nakakangilong pakinggan.ang ipinagtataka ko ay dito kami pinakuha ni Head Mistress ng Sword. May 34 sword lang ang nandito. Lahat ng nakita ko sa paligid ay Silver ang Blade. Pero ang mga nandito sa Side na ito at 34 Golden Swords.
Nakuha agad ang atensiyon ko ang apat na Sword na tinitignan ni Shiori. Apat na Sword na nakabukod ang lagayan. Nasa kanan at nasa isang malaking Glass Cage. Nakakapagtakang nakahiwalay ang mga ito sa Sobrang Dami ng Espada. 34 ang Sword. Ang apat ay nasa Glass Cage at ang 30 ay may pare-parehong Patungan. Wala sa Sariling Kinuha niya ang Isa doon. Iyong may Pinaka-magandang Disenyo. Pinaka Mahaba at pinakamatalim. Ang hawakan nun ay may Karugtong na pares ng Pakpak at naka-ukit ang isang Pangalan. PHW ang tanging nakalagay sa patungan nun. Mukhang may Nagmamay-ari doon. Dahil sa pagkakalagay at pagkakahiwalay ng mga ito sa ibang espada ay nagmumukhang Display sa Museum ang mga ito.
Pagka-kuha nun ni Shiori ay tinitigan niya ito at parang pinag-aaralan ang bawat mukha ng Espada. Bawat anggulo ay tinititigan mabuti habang kunot na kunot ang noo niya. Ultimong ang kulay puting Bato sa hawakan nito ay pinakatitigan niyang mabuti.
Mabuti pa yung espada! Pinag-aralan na! Tinitigan pa! Ako?
Kinuha ko ang isa sa mga nakakuha ng atensiyon ko. Katabi ng kay Shiori. May nakaukit ding Letra sa patungan nito. PCF. Tinignan ko ang blade na nasa may Handle. Ang naka-ukit na letra sa patungan ay siya ding letra doon. Mahaba at sobrang Talim nito. Kumikinang ang dulo. Ang hawakan nito ay may burdang kulay ginto at kulay Pula ang batong nasa Gitna. Ang magkabilang gilid na nasa pinakadulo ng handle ay pabilog lang ang disenyo. Bakit parang nakahawak na ako ng Espada noon? NapakaGaan dalhin at parang Para talaga sa akin. Namamanghang tinignan ko ang Blade. Nagulat ako ng makita ko ang repleksiyon ko sa salamin habang may Korona sa ibabaw ng Ulo ko. Napakurap ako at tumingin ulit doon. Pero wala na ang korona ko at sarili ko na lang ang nandoon.
"Strange." dinig kong Bulong Ni Drew. Kinuha niya ang isa Pang sword na katabi ng Sword na kinuha ko. Tulad ng Sa akin ay ganun din ang Disenyo. PAW. Ang letra nun. Kulay asul ang bato sa Hawakan. Ang Huling natira ay isang Sword na Kapareho ng Kay Shiori. Kaparehong kapareho pero iba ang naka-ukit na letra. Iba siguro ang may-ari nun at ang hawak ni Shiori.
"Nakapili na kayo?" naka-ngiting Tanong ni Norin Mula sa Likuran. May hawak siyang Sword. Pero hindi ko ito napansin sa Mga nakahilerang Sword kanina. Pilak iyon at hindi Ginto.
"Oo. Para saan ba at pinapili kami ni Head Mistress Rina?" doon ko lang napansin si Shiori na iwinawasiwas ang Sword na para bang alam niya kung Paano Gumamit nito. Bigla ay napansin kong ngumiti siya na kanina lang hindi niya ginagawa.
"Tara dun." yaya ni Norin. Si Head Mistress naman ay nakatalikod sa amin at muling nagbabantay sa maraming Estudyante.
Bago pa kami makalapit ay lumingon na siya sa amin. Bakas ang gulat sa Mukha niya at Pinasadahan ng Tingin ang hawak naming tatlo. Nnagpalipat-lipat ang tingin niya sa Sword at sa aming na may hawak sa Bawa't isang Espada. Pero ang pagkagulat ay napalitan ng isang matamis na ngiti.
"Alceenia. Sumama ka na sa kanila." utos ni Head Mistress at itinuro ang isang Bahagi ng Bulwagan. Napalingon ako doon at naroon nga ang mga kasamahan niya. May sari-sariling kapareha maging sila West at South na parehong tahimik ay may hawak na Espada. Lumapit si Norin Kay Alexis na nakatayong naghihintay. Kaya pala ang sword na hawak ng tsismosang malignong yun ay silver. Dahil lahat ay silver ang hawak. "So." naibalik ko ang pangin kay Head Mistress. "Mukhang Maganda ang napili niyong Sword. Sa paraan pa lang ng pagdadala nito at paghawak dito ay kamangha-manghang bumagay sa Inyo ng Husto. Nagmukha kayong may-ari ng hawak niyong espada."
"Magaan." sagot ni Shiori. Napatingin ako sa Hawak kong Sword. Magaan nga. Pati si Drew ay ganun din. Pina-ikot niya pa ito sa kamay niya.
"Magaan? Really?" nakangiting tanong ni Head Mistress. "Ikaw! Halika!" turo niya sa isang isang estudyante na nasa malapit sa kanya. Nakuha niya ang atensiyon ng lahat at sabay sabay itong tumigil sa mga ginagawa. Lumapit agad ang estudyante. "Pakibigay sa kanya ang sword mo Miss Almeda." utos niya kay Shiori.
iniabot naman ni Shiori ang Sword. Matapos nitong lumapat sa palad ng Estudyanteng lalaki ay binitiwan ito ni Shiori. Pero laking gulat namin ng maibagsak nito ang Sword. Dinig na dinig ang malakas na kalansing nito sa Sahig. Agad namang pinulot ni Shiori ang Sword.
"Sorry. Nabitawan ko." sabi niya.
"Nabitawan mo nang mahawakan na niya ang espada. Hindi niya lang kinaya." sabi ni Head Mistress. May punto siya. Nai-abot na ni Shiori ito bago pa man mahulog sa sahig. Pero ang hindi kinaya? "Bakit mo nahulog ang sword Ceres?" tanong niya sa Lalaki.
"It's.... it's too Heavy." nahihiya nitong sagot.
"Go back to your Partner." umalis ito at napapahiyang bumalik sa kapareha. Sinundan ko ng tingin at di ko inaasahang lahat ay naka-tingin sa amin. "Resume!" utos ni Head Mistress Sa Lahat at agad naman silang sumunod. Pagkatapos ay bumaling sa amin. "Is it Heavy?" tanong niya.
"No." sabay sabay naming sagot. Hindi talaga mabigat.
"Kapag pagmamay-ari mo ang isang bagay, aayon ito sayo. Mabigat para sa batang iyon dahil hindi sa kanya ang sword o di kaya ay hindi para sa kanya." Nag lakad siya papunta sa gilid at saka kami sinenyasan na sumunod. "Ang tatlumpu'tApat na Espadang nakahiwalay na iyon ay may mga nagmamay-ari. Ang bawat isa ay may pangalan. Hindi ka maaaring gumamit ng Espadang hindi mo pag-aari. Lahat sila." turo niyo sa napakaraming estudyante. "May sarili silang sword at ang pangalan nila ay naroon. At lahat ng iyan." itinuro naman niya ang libo libong sword sa mga dingding at sa itaas. "May mga nagmamay-ari sa mga yan. Pare-pareho ngunit may pangalan. Magkakapareho ang timbang at sapat na para sa bawat isa para madala ng maayos at gamitin. Maaari silang magpalitan, manghiram kung gusto ng Two with Two Sword Battle. Ang hindi lang nila kayang buhatin ay ang 34 Legendary Golden Swords." para lang siyang nagkukwento. Nakakamangha at nakakakuha ng interes ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit namin ginagawa ang bagay na ito at makinig sa kanya gayong hindi naman sila nakakasigurong kami nga ang mga hinahanap nila
Sandaling natahimik si Head Mistress at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi mabilis at hindi mabagal. Balak siguro niyang ikutin ang gilid ng Bulwagan dahil wala naman siyang ibang pinupuntahan. Sa gilid lang kami dumadaan at siya ang nangunguna. Nasa likod ang mga Kamay.
"Hindi lahat ng nandito ay may kakayahang Gumawa ng pansariling sword. Nababatay yan sa abilidan kaya kinakailangan ng Sword Para sa Lahat." sabi ni pa ulit. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa ilang estudyante, nandito na kami ngayon sa Harap nila kanluran. "Elemental Users!" tawag ni Head Mistress. Sumenyas siya na lumapit kaya mabilis pa kaysa sa hangin na nakalapit sila Hilaga, Kanluran, timog at silangan sa amin. Hindi na ako gaanong nagulat. Hindi sila tao! Maligno nga! Maligno!
"Head Mistress." sabay nilang bati at nagbigay galang.
"Alceenia! Medson! Frailen!" tawag niyang muli. Lumapit ang apat pa. Yung kambal na Zila at zieg, Yung Malditang Alice at yung Tsismosang Maligno. Apelyido ba nila yon? Nakakalito? Pangalan na lang kasi! Psh!
"Po?" tulad nila Hilaga ay nag-bow din sila.
"Dito kayong Walo." luminya silang walo. "Sundin niyo ang sasabihin ko." tumango naman sila. Pumunta si Head Mistress sa pinaka unahan. Kay East. "Ability?"
"Earth Element User." -- East. Nakangiti itong sumagot. Tulad ng nakasanayan, bibo.
"Earth Sword." pagkasabi nun ni Head Mistress ay inilahad ni East ang kanang kamay. Napamaang ako ng bigla ay namuo ang napakaraming buhangin, bato at dahon sa ibabaw ng palad niya. Nagpaikot-ikot at nagging isang Espada. Sunod ay lumapit si Head Mistress kay West. "Ability."
"Water Element user."-- West. Plain sumagot.
"Water Sword." sinunod nito ang sinabi ni Head Mistress Rina. Wala pang minuto ay nagsasayaw ang tubig sa palad niya at nagkaroon mula ng esoada doon. Ang kay West ay gawa sa Tubig. "Yes north?" sabi niya ng Tumapat siya kay North.
"Air Element User." sabi nito. Pumitik sa ere si Head Mistress at sumenyas na ipakita ang espada. Sumunod si North. Bigla ay umihip ang hangin at inikutan siya nito. Nakikita ko ang puting mga guhit nito sa ere. Maya maya pa ay pumunta lahat ng kulay puting iyon sa palad niya at nagkaroon doon ng Sword. Hindi pilak. May puti ang gilid at halos maging transparent.
"I'm going Crazy." bulong ko.
"Me too." sagot ni Shiori.
Hindi na kami muling nagsalita at saka inabangan kung ano ang susunod na gagawin ni South nang sa kanya na tumapat si Head Mistress. "South. Ability?"
"Fire Element User." sagot nito.
"Fire Sword." utos ni Head Mistress. Walang ano ano ay inilahad ni South ang palad. Mula sa Braso ay nagulat akong may dumaang apoy doon at diretso ang agos sa palad niya. Bigla ay lumiyab ang kamay niya. Sa sobrang taas ng apoy at laki ay napa-atras kami.
"Pasikat." bulong ni East habang napapa-iling.
Pero ang atensiyon ko ay napunta sa palad ni south ng humupa ang apoy. Ang sword na hawak niya ay pinalilibutan ng apoy.
"Okay.." tumikhim si Head Mistress. "Ang apat na ito ay ilan sa mga may kakayahang gawin ang sinabi ko kanina. Dahil ang kapangyarihan nila ay nanggagaling sa Element na hawak nila. Hindi lang iyon. There's a Metal, Ice, lightning, electricity, shadow and light. Light is very Rare. Wala pa akong nakitang may naglabas ng Light sword. But according to History, there is , thousand years ago. " sumenyas na siyang bumalik na sa ginagawa sila North. Pag-alis nila ay siya namang nilapitan niya sila Norin. "Sila. Mind reader, Time Contoller, Dream Catcher at Soul Manipulator ay walang kakayahang gawin iyon. When it comes to swords they need to have their own." itinuro niya ang mga Sword na hawak ng bawat isa. "They still need to learn to Fight in Physical Combat and Weapon battles. One of those weapons are Swords." sinenyasan niya din ang mga itong umalis.
"Who Owns these Swords then?" bigla ay tanong ni drew.
"You." sagot ni Head Mistress. Muli ay nagsimula siyang Maglakad at nagsimula din kaming sumunod. "Like what I have said. Kapag pagmamay-ari mo ito ay aayon ito sayo. Maaring hindi niyo maalala pero nakasisiguro akong kayo ang nagmamay-ari sa Espadang hawak niyo. Hindi magtatagal ay matatandaan niyo rin." nasa likod niya ang mga kamay at hawak hawak ang isang Itim na Stick na may isang Ruler ang haba. Itinaas niya ito at saka itinuro ang side kung nasaan ang mga Espadang Ginto. Bigla ay lumubog ang Pader at nagkaroon ng panibagong pader sa magkabilang gilid ang lumabas doon. Nagdikit iyon at nilamon ang mga Espadang natira. Bago ko pa magawang magtanong ay nasalita ulit siya. "Those are The 34 Legendary Golden Swords owend by the 34 legendary people. 32 of them are Pure Genovian and two are Half-blooded. When it comes to the Swords itself, 28 of it are A thousand Years Old and 6 are Two Thousand Years Older."
"Wow."
"How did you know the name of the owner?"-- shiori
"Yeah. There were initials."-- Drew! Ano ba kayo! Ang dal dal na nga nitong Head Mistress! Tanong pa kayo ng tanong!
"Ang tungkol diyan ay mediyo naging kumplikado. Nang mahanap namin ang mga sword ay naka-ukit na doon ang mga letrang yun. Kaya ang hinanap namin ay ang ibig sabihin nun. Matagal naming pinag-aralan ang tungkol sa Mga Sword. Unang resulta, ang kapanyarihan ng May-ari ay nasa Sword parin at mukhang kusa itong inilagay doon. Ikalawang Resulta, ang kaluluwa ng may-ari ay naiwan sa Sword o di kaya ay ang mismong nagmamay-ari. Ngunit alin man sa mga yun ay wala pang patunay. Ang nakakamangha pa doon ay walang kahit sinong may kayang buhatin ni-isa sa mga yun. Kinailangan pang magtulong tulong ang malalakas na Wizard para magawang pagsamahin sila sa iisang lugar. Sinikap din silang ipunin at kumpletuhin ng sa ganon ay ma-preserve, maitago at mapangalagaan. At karangalan para sa academy iyon. At sa Oras na manumbalik ang buhay sa Aither Kingdom ay doon dadalhin ang lahat ng sword na yun. Hindi mawawala ang mga iyon. Walang may kayang kunin ang kahit isa."