CHAPTER 6

3195 Words
DREW' S POV Pagpasok namin sa Loob ng building ay namangha ako sa kakaibang diseniyo ng loob. Pinaghalong White, Green and Yellow ang mga pinta sa ding ding. Ang mga painting ay buhay na buhay at gumagalaw ang mga nasaloob niyon. May kumakakaway pang image ng isang babaeng nakasalamin at naka-itim. Nakasakay ito sa walis at paikot ikot lang sa loob ng painting na animoy napakalaki ng Espasyo niya roon para magpa-ikot ikot sa paglipad. Sa hallway ay may mga pintuan na sobrang lalayo ng Agwat. Mahaba-haba na ang nalalakad namin ng huminto kami sa pintuang malapit na sa pinakadulo. Bumukas ang pinto. Elevator? "Elevator ba ang tawag sa inyo?" biglang sabat na naman nung tsismosa naming kasama. "Escalator." sarkastikong sabi ni Russel kaya bahagya akong natawa. "Ahh. Okay. O tara na. Sunmakay na kayo sa Escalator nang makilala na kayo ng nakatataas." nagkatinginan kami ni Russel at sabay na humagalpak ng tawa. "Huh!? Anong nakakatawa?" Hindi namin pinansin ang tanong ni norin at patuloy lang kami sa pagtawa. Napahawak pa kami ni russel sa tiyan. Hahahahaha! Buset! May pagka boplaks!! "Iba tama neto!" sabi ni russel sabay akbay sakin. Haha natatawang sumunod nalang kaming dalawa habang tumatawa parin. Napatigil lang kami ng napansin naming seryoso ang mga kasama namin. "Ahem." sabay kami ni Russel na umayos ng tayo. "Floor?" sabi ng isang maliit na boses. Nagkatinginan ulit kami ni russel. "Sinong nagsalita?" tanong ko. "Isa sa kanila siguro." bulong ni russel. "At Head Committee's office." sabi ni South "It seems like your Friends are new here." sabi ulit ng isang maliit na boses. "Ay Lamang lupa!" bulalas ni Russel at napasiksik sa'kin. Tinignan ko ang tinignan niya sa may talampakan. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang-- lamang lupa nga! "Ang mga tulad ni Vimus ay hindi Lamang Lupa. Garden Gnome ang tawag sa Kanila." sabat ni East. Napa-ayos kami ng tayo ni Russel. Hanggang tuhod lang ang laki nito. May mahabang sumbrero na parang sa Dwende at Pointed din. May isang maliit na pares ng damit at berdeng saplot sa paa. Ang mga daliri niya ay apat na maliliit lang. Ang haba ng balbas nito ay golden brown ang buhok. "Tabi tabi po. Tabi tabi po. Tabi tabi po." mahina kong bulong. Maya-maya pa ay maging si Russel ay nakiki-tabi-tabi po na rin. "Please stand still Ladies and Gentlemen." sabi nito. Saka sumara ang elevator. Partida. Dalawang patong ang pinto nun. Isang rehas at isang mala stainless na pintuan. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ng biglang sumara ang pinto. Hindi maipaliwanag at nakakakaba. Bago ko pa mahawakan si Russel ay huli ng biglang ma-out balance kaming dalawa at parang bola na nag-bounce sa loob ng maliit na kwadradong kwartong yun. Kung saan-saang parte tumama ang ulo't katawan ko. Ilang saglit lang ay bumagsak ako sa sahig mula sa pagkakadikit sa ceiling. "s**t!!" napalingon ako kay Russel matapos niyang mapamura. Nakahiga sa sahig at sapo ang ulo. Sinubukan kong umupo pero natumba din ako sa sobrang pagkahilo. I never ride the space shuttle in enchanted kingdom! Pero parang ganun narin siguro! "Let me Help you." alok ni West. Inabot ko ang nakalahad nitong kamay at buong pwersa akong tinulungan tumayo. Napa-akbay ako sa kanya. "We're sorry. Hayaan niyo, pagbaba natin ay ituturo namin sa inyo ang tamang technique "What!? Diyan ulit tayo sasakay pababa?" mahilo-hilong sabi ni russel. "Yeah.." "Maghahagdan nalang ako."-- Russel "Ako din."—Me "40th floor. No stairs." napatingin kami kay North. "WHAT!?" -- kami ni Russel. Dismayadong inalalayan nalang ako ni West at si Alexis naman kay Russel. Medyo nahihilo pa talaga kaming dalawa at pilit na naglalakad. Sa totoo lang ay gusto ko ng sumuka. Anong katarantaduhan ba kasi ang pinasok namin!? Lintik Shiori! Sana Lang ligtas ka! Paglabas namin ng Elevator ay nakangising sinulyapan kami nung lamang lupang nag-ooperate dun. Bwisit! May araw a din sakin kutong lupa! "Sinadya ni Vimus na gawin sa inyo yun, for calling him "lamang lupa". Ayaw ng mga garden gnome na nilalait sila. Maloko sila at makulit. Kapag gumanti sila ng kalokohan ay hindi niyo magugustuhan. Hindi totoong may Technique para hindi mahilo sa pagsakay dun." sabay tingin ni North kay West na tanda ng pagkontra nito sa sinabi niya kanina na may technique. Itong si West, tatahi-tahimik may kalokohan din pala. "Normal lang din ang tayo namin kanina. Though we're expecting na ma-a-out balance kayo dahil first time niyo. Di namin expected na tatalbog talbog kayo sa loob na parang bola." "Dito sa mundong tinatapakan niyo, may mga nilalang na dapat ay matutunan niyong pakisamahan ayon sa ugali, itsura at kakayahan nila." dagdag ni Norin. At kung ano-ano pang pangaral ang narinig namin habang apunta sa opisina ng Committee kuno nila. Huminto kami sa isang katamtamang laki ng pintuan. Dalawang pinto parin pero parang gawa sa mamahaling klase ng kahoy sa Earth. Bumukas iyon kahit walang katok katok. Umayos ako ng tayo at tinanggal ang pagkaka-akbay kay West at bumulong ng 'thanks pre'. "Anong maligno na naman kaya ang nasa Loob niyan?" bulong na naman ni Rissel. Siraulo kasing tong gagong to eh! Kung ano-anong napapansin. Nadadamay lang ako! "Tikbalang." sabi ko sabay tawa ng mahina. Tumawa din siya kaso sabay kaming biglang sumeryoso ng lingunin kami ng mga kasama namin. Nag-iwas kami ng tingin. Napakut-kot ako ng kuko habang si Russel eh sumisipol sipol na nakatingala. "Tara na." Pagpasok namin ay may isang mahabang lakarin sa gitna. Sa magkabilang gilid ay may ding ding. Sa isang side ay may mga litrato ng tao. May babae at lalaki. Sa bawat portait ay may nakalagay na pangalan. Sa ibaba naman ng pangalan ay may nakalagay na Committee. Tulad nung pinakahuli kong napansin. France Go ang pangalan nung Lalaking naka-suot ng asul na Suit. Mukha bente anyos lang siguro. Tapos sa ibaba ng pangalan niya ay nakalagay ang Head Committee. Siya kaya ang head committee na binanggit kanina ni South? "Nope. He's one of the most unforgettable former Head Committee thousands Years Ago. One of this World's noble Heroes. All of them had been part of the Committee. Irreplaceable because of undying novelty." -- Norin "The 7th and 8th Generation. Sila ang pinaka-iniidolo ng mga taga rito at kahit kami na mga mag-aaral lang dito sa mundo nila. Sila raw ang mga bayaning hindi matatawaran ang sakripisyo, abilidad, talino at Leadership. Kaya kahit ilang Set of Committee na ang nagkaroon dito, sila ang hindi maaaring palitan. Mananatili ang kanilang mga ala-ala kahit sampung libong taon pa ang dumaan. At kung suswertihin kayo, ay ikararangal namin na ipakita sa inyo ang larawan ng lahat ng naging myembro ng 7th at 8th Generation na nasa Tahimik na altar ng Aither Kingdom."-- Alexis. Parang kinulabutan ako sa hindi malamang dahilan. Nakaka-mangha. Walang katumbas na paghanga. Sa mga simpleng salita nila ay malalaman mo na agad na sobra nilang hinahangaan at ipinagpapalaki ang mga taong yun. "Ang Committee, sila ang mga nagpapanatili ng kaayusan ng Academy. Nagmula sa iba't ibang sulok ng Genovia. Sa iba't ibang kaharian na nagtataglay ng pambihirang abilidad na hindi matutumbasan ninuman, kahit pa ang mga kasalukuyang committee. Sila din ang namumuno sa bawat digmaang nangyayari. So far, wala pa naman."—East "Marami pa kayong malalaman at matutunan mula sa mga Headmaster at Headmistress. Sa ngayon ay kailangan na nating pumasok sa loob, naghihintay si Headmaster." RUSSEL'S POV Pagkatapos kaming ipakilala sa Headmaster nilang tinatawag--Headmaster Amir‎ ay agad na sinabi nito na sasa-ilalim kami sa ilang Ritwal, test and Trainings para mapatunay na kaming Dalawa ay Konektado raw sa Nakaraan at Nagtataglay parin ng kaparehong Lakas at kapangyarihan. Wala man kami parehong maintindihan ni Drew ay nanahimik nalang kami at sumang-ayon. Pero yung utak ko ay naglalakbay sa kung saan at Iniisip ang Kalagayan ni Shiori. "Maaaring kayo nga ay Nasa Nakaraan. Bukod sa Pisikal na kaanyuan ay nararamdaman ko ang taglay niyong kapangyarihan na hindi maipaliwanag ng salaita lang. 80 percent ay nakasisiguro kaming kayo nga ang mga hinahananp namin, lalo na si Miss Shiori Almeda. Pero tatandaan niyo, sa oras na manaig ang 20 percent na walang kasiguruhan ay wala kaming magagawa bukod sa dito nalang kayo maninirahan habang buhay at gagawing alipin ng mga Maharlika." yan ang mga salitang binitiwan ng Headmaster na yun. May katandaan na, halatang may mataas na katungkulan at makapangyarihan. Wala din naman kaming nagawa ni Drew kundi ang magsawalang imik na lang. Sa palagay namin ay wala kaming kalaban laban sa mga nilalang nasa paligid namin. Bukod sa makapangyarihan sila ay nandoon ang katotohanang pangkaraniwang tao lang kami, sa ngayon. Hindi ko parin pinaninindigan na kami nga taga rito dahil sa ngayon ay walang iba sa amin. Pero yung katotohanan na ipinakita sa amin ng Lalaking iyon ang larawan namin ni Drew. May suot na Korona. Naka-suot ng magarang damit na akala mo ay hari at may isang parang bolang enerhiya sa tabi ng ulo ay hindi maitatangging kami iyon. Ultimo ang pinaka maliit na detalye. Hindi na na-alis sa isip ko ang iba't ibang imagination. Mula ng lumabas kami ng silid na iyon at ihatid kami sa kwartong paglalagian namin at ngayon na nakahiga ako sa magarang higaan ay hindi parin mawaglit ng isip ko ang mga nangyari, narinig at nalaman ko sa buong maghapon. And ang weird lang, ini-imagine ko na ako at yung lalaking kamukha ko sa litrato ay iisa. Ang sabi pa nung lalaking matanda ay may dalawa pang babae ang nasa ganoong Portrait at hinahanap. Kung Si Shiori man ang isa sa kanila ibig sabihin ay may isa pa. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung anong itsura ni Shiori sa portrait!? Kinapa ko ang bulsa ko. Napangiti ako ng mahawakan ko ang piraso ng photo paper at agad kong tinignan yun. Picture naming dalawa ni Shiori, parehong nakatogang itim, may hawak na diploma at magka-akbay. Malayo sa turingan naming araw-araw na parang Aso't pusa kung magpikunan. KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nakatulugan ko ang pag-iisip kay Shiori. Nasa mukha ko pa mismo ang litrato naming dalawa. At doon ko napagtanto na hindi panaginip ang mga naganap kahapon. ‎ Tamad na tamad akong bumangon. ‎Nakakaramdam na rin ako ng gutom dahil naging abala kami kahaon at sa sobrang pag-aalala kay shiori ay di ko na naisip ang gutom. Sana naman may pagkain mamaya. "Ano to?" ang weird naman ng mga damit dito! Magmumukha lang akong Engkanto. Bwisit! Tsk. Lumapit nalang ako sa dala kong bag at doon kumuha ng isusuot na damit. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng Kwarto. Sa tingin ko ay masiyado pang maaga dahil kokonti pa lang ang mga nakikita kong palakad lakad na mga Engkanto. Mula ngayon engkanto muna tawag ko sa kanila kahit mukha pa silang normal na tao. Eh hindi sila Normal. Yun yon! "Ang aga mo Oy!" sabi ng nagsalita sa Likod ko. Hindi ko na nilingon at tumabi siya sa akin. Sumandal siya sa Railings habang ako ay nakatukod ang kamay ko doon. "Nakasimangot ka agad. Kung Si Shiori parin ang pinga-aalala mo wag ka mag-alala. Siguradong makikita natin siya." "Hindi. Bukod dun may Pino-problema pa ako." sabi ko. Kumunot ang noo ni Drew. "Paano tayo baba dito? Tatalon!? Buti sana kung kaya din nating lumipad eh no!" "Haha! Alam mo kagabi, nung hinatid tayo ng mga yun paakyat dito eh naisip ko na rin kung paano tayo baba kimabukasan. Lintik! Tatalunin mo yan? Eh ang taas taas!?" "Tumalon ka mag-isa mo." sabi ko. Napasinghal nalang siya. Psh! Pasalamat tong isang to at wala talaga akong kakilala dito. Kung di, di ko naman talaga kakausapin to ano. Di kami close! Oo! Sa lagay na to hindi kami close. "Buti gising na kayo." nilingon ko ang babaeng parating. Nakangiti ito, naka-suot ng kulay puti. Puting puti mula ulo hanggang paa. Yung mga suot niya ay nakita ko rin kanina sa wardrobe ng kwartong in-occupy ko. Nakataas ang buhok ni North. Tapos fitted white long sleeves ang suot niya. Fitted as in! Arms, legs ang body. Parang android lang. Pati pambaba ay fitted, naka white boots na hanggang tuhod at may mga linyang kulay silver. Mula sa braso hanggang sa bewang at binti. Close neck ang style. Yung silver belt naman ay brown na Gem. Sa kanang dibdib naman ay may maliit na nakasulat. Pangalan nila. Magtatanong sana ako kung para saan ang ganung damit ng biglang magsisulputan sa likuran niya yung tatlo pa. Si West, East at South. Ganun din si Sout. Naka tali ang buhok. May nakasulat na pangalan sa kanang side at Red ang bato sa gitna ng Belt niya. Si West at East naman ay ganun din. Asul ang kay East at Green kay West. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kulay ng gem sa Belt nila at ang haba ng Boots. Mas mahaba sa mga babae. "Ang gara ng Uniform ah." bulong ni Drew. Napatango nalang ako. Ang ganda kasi. Ang ganda tignan. "Panigurado gutom na kayo. Tara na?" yaya nila sa amin. "May magandang balita rin kami sa inyong Dalawa."—East. "Papasok na kayo?" tanong ko. Ngumiti sila at sabay na umiling. "Katatapos lang ng klase namin. Mamaya pa ang susunod. Actually, bumalik kami dito kasi na-alala namin kayo." --North "Anong Oras na ba?" "11am na ho mga Sir." -- napalingon kami sa likuran. Kadarating lang ni Alexis at Norin. "HA!?" sabay naming sabi ni Drew. "Hindi na ito ang Mortal World. Maganda talaga ang sikat ng araw dito mga Sir." -- Alexis "Maaga pala ah." bulong ko kay drew. Napakamot nalang siya. Sumunod kami sa kanila. Pagbaba ay sila ang tumulong samin para maayos na bumaba. Doon ko lang napansin na sobrang dami ng mga kwarto sa ibaba at mediyo nakalubog. Tapos may isa pang palapag sa itaas nun. Sa madaling salita. Ang mga kwarto namin ay nakalutang sa ibabaw ng una at hindi mapapansin yun sa gabi. At oo! Walang mga hagdanan! Paglabas namin ay sobrang dami na ng mga pakalat kalat na engkanto sa labas ng "Dorm" daw. Engkanto! Hindi sila normal na tao. Mukha lang pero hindi padin! "Pansin ko lang. Kung ano ang kulay ng buhok niyo, yun din ang kulay ng Bato sa Belt niyo." puna ko. "Yes Sir, but it's more like-- the color of the stone represents our Power, Tribe, Kingdom and kind." -- East "Primary Student's usually wear a typical Black suit. Same design. Secondary wear brown. Sa Tertiary naman dalawa. White sa amin na nasa 4th at 3rd level na, Yellow sa 1st Level and second level." -- West. Dagdag impormasiyon na naman. Hindi naman masiyadong malayo ang nilakad namin. Sa paglabas namin ng Dorm ay kumanan kami. Tatlong matatas na Floating Building ang nadaanan namin. Karamihan raw sa mga yun ay may nagaganap na klase kaya kasalukuyan pang naka-angat sa lupa. Baba daw iyon kapag tapos na ang lahat sa klase nila. Gusto ko sanang sabihin na namamangha na naman ako kaso mukha na akong gago kapag ganun. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko na makasaksi ng mga nakakabilib na pangyayari. Yung mga Engkanto naman na pagala-gala ay parang yung mga napapansin ko nung College ako sa Mortal World. Nagtatawanan na magkakaibigan na kagagaling lang sa Library o sa Cafeteria.yung iba, Flirting Around kesa mag-aral at mga lalaki ay nantitrip. Psh! "Kami na ang kukuha ng Pagkain. Mahalagang bisita kayo kaya Relax lang kayo diyan." sabi ni Norin. Umalis sila ni North kasama si Alexis. Naupo naman kami sa mahabang Lamesa na siguro ay kakasya ang sampung kakain. Magkatabi kami ni Drew at sa harap namin si South, West at East. Si South at West ang palaging tahimik at hindi pala-imik kung hindi mo kakausapin. Pero mababait. "Ngayon lang sila nakakita ng Gwapo?" pansin ko sa paligid ng mamataan kong sa amin nakatuon ang atensiyon ng karamihan sa kanila. Napatawa si East. "Hindi. Araw araw naman nila kaming nakikita ni Pareng West." siya ang may pagkamayabang. Kung kagwapuhan lang naman eh lamang ako ng isang daang paligo dito. "Ngayon lang sila nakakita ng karagdagang kagwapuhan sa lamesang ito. At kayong dalawa yun." sipain ko kaya to. "Sa tingin ko naman kami lang ang tinitignan nila. Bukod sa Gwapo eh baguhan." ay putcha ka Drew! Sipain din kita! Sinasaloob ko na nga lang ang papuri ko sa sarili ko pero siya namang ikinapal ng mukha mo! Ogag! "Magkakasundo tayo diyan Sir Drew!." tapos nag-apir pa sila sabay tawa. "Sir kayo ng Sir ano!? Pwede namang Russel at Drew lang." sabat ko. "Sa Mortal World kasi nasanay kami na Sir ang tawag sa Inyo. Pasensiya na." Pagkatapos ng maikling usapan ay dumating yung tatlo na may dala-dalang pagkain, may dalawa pang naka-sunod sa kanila. Mga hindi mukhang estudyante. Dalawang babae na pareho ang suot. Patulis ang tenga. Bilog na bilog ang dalawang mata na akala mo eh Alien. Naka-lutang lang ng mababa at hindi ko masilip ang paa dahil sa sobrang haba ng damit nila. Maputi ang balat nila at makinis. Orange na orange naman ang mga labi at apat lang ang mga daliri. Inilapag lang nila ang mga dalang pagkain at saka umalis. Napatingin ako sa mga pagkain. "Hindi nakakalason ang mga yan. Kain na." -- sabi lang ni South at saka naunang kumuha. Napalunok ako at taimtim na nagdasal. Yung mga sikat nga iba't ibang kulay ng burger sa ibang Reastau ay di ko maatim na kainin, nandidiri pa ako sa iba't ibang kulay ng Ketchup na nasa Comercial tapos ang kakainin ko ngayon ay may mga weird na itsura at kulay! "Russel. Trust me masarap yan."-- sabi ni East. "Nag-aalangan man ay kumuha ako. Kaya kumuha ka na." -- Drew. Tapos umakto pang sumubo ng kulay pulang dahon. Red version ng Petchay ba yan? L Ngumiti ako ng alanganin saka kumuha ng pagkain. Hindi masama ang lasa. Bago lang talaga sa panglasa. Pero hindi ko masasabi na masarap dahil Weird nga. Habang kumakain ay biglang naging Sobrang tahimik ang paligid. Maya-maya ay umingay at may mga bulungan. Napatigil din ako sa pagkain tulad ni Drew pero ang mga kasama namin ay arang walang paki-alam at kain lang ng kain. Napatingin kami kung saan nakatingin ang mga nasa loob ng Canteen. Sa entrada. Pumasok si Xina, Annalysse at Sean kasama ang isang grupo. Yung iba sa kanila ay nakita ko na ng maka-ilang ulit at napapadpad sa Reastau namin. Yung iba nagtatawanan at yung iba naman ay parang nag-uusap usap at nakapamulsa yung ilan. Hindi nila napapansin na pinagtitinginan sila. Pero ako, hindi ko maalis ang tingin sa babaeng Nasa Gitna. Nakangiti at may kausap na isa pang babae. Tulad ng nasa loob ng Cafeteria ay hindi ko rin maalis ang atensiyon sa kanya. May kung anong bagay talaga sa kanya na nagagawa niyang makuha ang atensiyon ng mga nasa paligid niya kahit hindi niya namamalayan. At yun ang madalas mangyari sa tuwing nakikita ko ang mukha niya. "SHIORI!!!" namalayan ko na lang na napatayo na si Drew sa Tabi ko at tumakbo Palapit sa Kanya. Samantlang ako, ay hindi ko namalayang nakatayo lang sa pwesto ko. "Oh, yun ang tinutukoy kong Good news Kanina." -- east. Kusang gumalaw ang mga paa ko at naglakad palapit kay Shiori. Di alintana ang bulungan at tingin ng nasa paligid. Niyakap siya ni Drew, nakangiti siyang Gumanti ng yakap. "God! Salamat at ayos ka lang. Kumain ka na ba? Gutom ka ba? Anong nangyari? Sinong Kumuha Sayo?" -- Drew "A-Ayos lang ako Drew. Paano kayo napunta dito?" hindi niya ako napapansin pero lumapit pa ako lalo. Hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Halata ang pagkagulat sa mukha niya ng magkaharap na kami. Sobrang tahimik. Nakakabingi ang ingay sa loob ng Dibdib ko. "Russel." Sa pagbanggit niya sa Pangalan ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Automatically, nayakap ko siya ng mahigpit na lalong ikinagulat niya. "You're Safe." bulong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD