Q

2254 Words
WELCOME HOME. Iyan ang mga katatagang nasabi ni Autumn sa kanyang isip nang makatapak na ang kanyang mga paa sa lupang sinilangan. She closed her eyes, feeling the sun casting its rays over her. It was as if she glows in the middle of the crowd. Hindi niya namalayang pinagtitinginan na siya ng mga tao. Well, who wouldn’t take a look at her? Ang kanyang tuwid na buhok na abot hanggang bewang ay bagay na bagay sa hugis puso niyang mukha. Isama mo na rin ang kanyang bangs na lalong nakapagdagdag sa taglay niyang kagandahan. Maputi rin siya at may mapupulang mga labi at dahil nga nakasuot siya ng shorts, kitang-kita ang kanyang mga mahahabang binti. Nagmulat siya ng mata at hinubad ang kanyang suot na jacket, not minding the attention that she had gathered. Ang init talaga sa Cebu! Walang kupas! Pero kahit gano’y miss na miss niya na ang polluted na hangin nito at saka ang mga tourist spots. Walang nakakaalam sa kanyang pagdating maski ang kanyang pamilya. Galing siya sa Manila dahil may nag-alok sa kanya na maging painter sa isang kasal. She paints on the spot. Pinipinta niya ang mga kaganapan sa kasal o ano mang events and she does that for three hours only. Ang sabi nga ng iba ay ibang klase raw ang talento niya. It feels nice to hear people complimenting your works lalo na kung galing sa mismong customer ang puri na natanggap. Parang sulit lahat ng paghihirap. She started painting two years ago. Nag-start siya sa t****k hanggang sa may mga nakapansin sa kanya at kinuha siya. t****k became her stepping stone to success. Enjoy na enjoy na siya sa kanyang trabaho. Sobrang sarap at fulfilling sa pakiramdam if you make a living out of your passion. Kinuha niya ang kanyang cellphone at inadjust ang brightness nito. Napanguso siya nang walang matanggap na mensahe mula sa kanyang two-year boyfriend na si Aidan. Ang alam nito at ng pamilya niya, sa susunod na araw pa siya darating. Aidan’s last message to her was last night. Kahit two years na sila, gano’n pa rin makaakto ang kanyang boyfriend na parang nasa ligawan stage pa sila. She can feel the love and care that Aidan has for her. Pakiramdam niya’y sobrang swerte niya dahil nakatagpo siya ng lalaking katulad ni Aidan. Gentleman, sweet, mabait, family-oriented, at higit sa lahat pogi. Napahagikhik siya at muling ibinalik ang kanyang cellphone sa loob ng bag. Baka tulog pa si Aidan. Maaga pa rin kasi. Aidan usually wakes up at 10 at ngayon, eight pa lang. Nevertheless, she’s excited to see her family and her boyfriend! Miss na miss niya na kasi ang mga ito. May planong bumuo bigla sa kanyang utak. Plano niyang sorpresahin ang kanyang boyfriend. Thinking about that plan made her feel giddy and excited all of a sudden. Ano kaya ang magiging reaction nito? Tiyak na magugulat ito sa biglaan niyang pagdating! Agad siyang sumakay ng taxi no’ng nakasakay na ang pamilyang nauna sa kanya. She let out a sigh of relief. Salamat nama’y naka-aircon na rin. Grabe talaga ang init. Pakiramdam niya’y sinusunog ang buo niyang pagkatao lalo na’t summer ngayon. “Saan po tayo, ma’am?” tanong ng driver sa kanya. Binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti. “Sa BF Homes lang po, sir.” Nakita niya ang biglaang pagkinang ng mga mata nito at ang pagsilay ng ngiti sa labi na ikipinagtaka ni Autumn. Kumunot ang kanyang noo. Para rin kasi itong maiiyak. Wala siyang ideya kung bakit bigla itong nagkagano’n. “Bakit po, sir? Did I say something wrong?” tanong niya rito. Biglang bumangon ang pag-alala sa kanyang dibdib lalo na no’ng suminghot ito at pinahiran ang mata. “Wala po, ma’am. First time ko po kasing matawag na ‘sir’ ang sarap po pala sa pakiramdam,” naluluhang sabi nito. A warm feeling enveloped Autumn’s heart upon hearing what the driver said. “Oh, walang anuman po. That’s the proper way to call men who work professionally,” nakangiting sabi niya at nagkibit-balikat. People should address everyone by proper names. Pansin ni Autumn na kapag driver, janitor, oh ano mang trabaho na hindi required ng educational background, people call them ‘kuya’ or ‘ate’ when in fact, they should also be called ‘sir’ or ‘ma’am’ because these people have profession. “Maraming salamat po, ma’am. Sobrang sarap po pakinggan. Sorry po pala kung ‘‘di ako marunong mag-english,” sabi nito at napakamot pa sa batok. Napanguso si Autumn sa narinig. She really finds it wrong when people apologize for not being able to speak English properly. Para sa kanya, okay lang naman as long as it’s understandable. Not all people are privileged enough to be presented with proper education and learn English. May iba pa na minamaliit ang sarili dahil lang sa kahinaang ito. Idagdag pa ang crab mentality ng mga pinoy na imbes tulungan ang kapwa pilipino, maghihilaan pa sila pababa. That’s one of the things why she’s not proud to be a Filipino. “’Wag ka pong mag-sorry, sir. Okay lang naman ‘yan, eh. Ako nga, eh, ‘‘di marunong mag-drive. May kanya-kanya naman tayong kahinaan at kalakasan,” sambit ni Autumn na mas lalong nakapagpangiti sa lalaki. Para namang hinaplos ang kanyang puso. Kitang-kita kasi ang kasiyahan sa lalaki just because she called him ‘sir’. As they travel, marami pa silang napag-usapan. Marami rin namang kwento ang lalaki tungkol sa buhay nito. Napag-alaman niyang may dalawa itong anak na babae at kapwa naipagtapos nito sa kolehiyo. Ani pa nito, hindi nito hahayaan ang mga anak na hindi makapagtapos sa pag-aaral. Biglang bumangon ang paghanga sa kanyang puso nang marinig ang salaysay ng lalaki. His hardworks surely paid off! Aside from that, his daughters graduated with latin honors! “May trabaho na ang dalawang anak ko. ‘Yong isa architect tapos ‘yong isa nama’y accountant. Alagang-alaga nila kami. Papatigilin na nga nila ako sa trabaho, eh, pero ayaw ko. Gusto ko kasi na may maibili akong regalo gamit ang sarili kong pinaghirapan kapag magbi-birthday sila oh kung ‘di kaya’y anibersaryo namin ng asawa ko,” nakangiting ani nito na ikinangiti ni Autumn. Ang sweet at thoughtful lang! Nakita niya agad ang malaking gate ng Pasa Grana. Pumasok ang driver at agad itong tumigil sa tapat ng guardhouse. Ibinaba niya ang bintana at ngumiti sa gwardiya. Tumango lang ito at sinenyasan ang driver na magpatuloy. “Pakanan po, sir tapos derecho lang.” Agad namang sinunod ng driver ang kanyang sinabi. “Dito lang po,” sabi niya nang makarating na sa tapat ng tahanan nila. Nagbayad siya sa driver at tinulungan naman siya nitong kunin ang kanyang luggage sa trunk. “Maraming salamat po, ma’am,” sabi nito. “Salamat din po, sir. Ingat po kayo sa pagmaneho.” Ngumiti ito at tumango bago pumasok sa sasakyan at pinaandar. Tiningnan niya ang papalayong taxi nito bago pinasadahan ng tingin ang kanilang tahanan. Home sweet home. Nakita niya agad ang kanilang aso na japanese spitz at nagwala ito nang makita siya. Nilapitan niya ito sa cage at tinapik ang ulo. Sobrang likot nito na para bang gustong magpakarga sa kanya. Ang ginawang ingay ng aso nilang si Pitchy ay naging dahilan upang buksan ng kanyang mommy ang pinto. “Ba’t ba ang ingay mo Pitch— Nako! Autumn! Dumating ka na pala!” Lumabas ang kanyang mommy at agad siyang niyakap. She hugged her back at napapikit nang maamoy ang shampoo na gamit ng kanyang mommy. It brought back a lot of memories, making her hug her mommy tighter. “Oracion! Si Autumn dumating na!” sigaw ng mommy niya. Narinig niya ang ingay sa loob at maya’t maya pa ay nakita niya ang kanyang nanay na nakatapis pa ng tuwalya at may shampoo sa buhok nito. Napatawa siya sa nakita lalo na no’ng lumabas ito at niyakap siya. Her nanay’s wet hair are all over her face. Naramdaman niya ang shampoo nito na nagkalat sa kanyang noo at pisngi na ikinatawa niya. Mas lalong nag-ingay si Pitchy. Kumawala naman sa yakap ang kanyang mommy at pinakawalan si Pitchy. Tumakbo ito kaagad sa kanya at agad niya naman itong kinarga. “Na-miss ko kayo!” Sambit niya at muling niyakap ang mga kinikilala niyang ina. “Bakit ‘di ka nagsabi na ngayon ka darating? ‘Di sana’y nakapagluto kami ng mga paborito mo,” sabi ng kanyang mommy Flor habang pinapahiran ang kanyang mukha. Tinulungan siya ng mga ito na ipasok ang kanyang luggage habang bitbit niya naman si Pitchy. “Okay lang ‘yan, mommy. Ito naman, parang isang taon akong nawala. Isang linggo lang naman!” sabi niya sa mga ito. “Oh, Flor, lutuan mo ‘yang si Autumn. Tatapusin ko muna itong pagligo ko,” sabi ng kanyang nanay Oracion at pumasok sa banyo. “Umupo ka muna riyan, anak, at magluto lang ako.” Pumunta sa kusina ang kanyang mommy at umupo naman siya sa kanilang sofa. Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng kanilang tahanan. Nakasabit sa dingding ang pictures ng kanyang namayapang magulang. Naaksidente ito no’ng siya ay walong taong gulang pa lamang kaya ang ending, ang dalawang kapatid nito na walang pamilya at anak ang nagbantay sa kanya hanggang sa siya ay lumaki. Kasama niya ito sa lahat ng mga achievements niya sa buhay even in the lowest points of her life. Sobrang thankful siya sa mga ito at pinalaki siya nito nang maayos. Kumawala ang isang buntong hininga mula sa kanya at kinuha ang picture ng kanyang mga magulang na nasa table na katabi niya. Hinaplos niya ang nakangiting mukha ng kanyang mga magulang. Sa ibaba ng picture ay may nakalagay na ‘Flora and Phillip’. Na-miss niya ang kanyang mga magulang. Surely, they are watching over her. Muli niyang ibinalik sa kinalalagyan ang frame at tiningnan ang kanyang cellphone. Wala pa rin siyang mensahe na natanggap mula kay Aidan. Supposed to be, sa ganitong oras, gising na dapat ito. Gusto niyang padalhan ito ng mensahe mula kanina pa pero pinigilan niya ang kanyang sarili at baka masabi niya bigla ang kanyang plano sa pagsorpresa rito. Napasandal siya sa kinauupuan at napapikit. Pagod na pagod siya sa kanyang flight at pakiramdam niya’y nasa eroplano pa rin siya hanggang ngayon. Nagmulat siya ng mga mata nang maamoy ang aroma ng niluto ng kanyang mommy. Kumalam bigla ang kanyang sikmura at naalala niyang hindi pa siya kumain mula kaninang umaga. Pumunta siya sa kusina at tiningnan ang niluto ng kanyang mommy. “’My, ang sarap ng amoy! Nagugutom na ako!” sabi niya na ikinatawa ng kanyang mommy. “’Wag kang mag-alala malapit na itong matapos. Umupo ka na roon.” Sinunod niya naman ang sinabi ng kanyang mommy at no’ng inihain na nito ang ulam at kanin, agad siyang kumain. Ang sarap! Na-miss niya ang luto ng kanyang mommy na mala-resto! “Mommy, walang kupas! The best ka talaga magluto! I love you!” sabi niya rito at hinalikan ito sa pisingi. Humagikhik ang mommy niya at hinampas siya sa paa. “Ikaw talagang bata ka napakabolera mo.” Tinawanan niya lang ang kanyang mommy nang may maalala siya. “Nga pala, ‘my. Pupuntahan ko si Aidan mamaya sa condo niya, ha? Sosorpresahin ko lang. Nand’yan pala sa loob mga pasalubong ko sa inyo. ‘Kala niyo wala, ‘no?” Autumn laughed hestirically. Nakita niyang nagningning ang mata ng kanyang mommy at tinuro ang kanyang luggage as if asking permission to open it. Nang tumango siya, agad itong tumayo at binuksan ang kanyang luggage. Ngiting-ngiti ito nang makita ang tsokolate nito na binalot niya sa plastic. Sa Manila pa lang, hinati-hati niya na kung kanino ipamimigay ang mga tskolate. “Hoy, Oracion! Andaming tsokolate na binili ni Autumn bahala ka kakainin ko ‘to lahat pati itong sa’yo!” “Subukan mo lang, Flor, at itatapon ko iyang pustiso mo!” malakas na sigaw ng nanay niya mula sa loob ng banyo. Agad namang tumakbo ang kanyang mommy sa taas matapos marinig ang sigaw ng kanyang nanay. Napatawa na lang siya sa bangayan ng dalawa. Na-miss niya ito. TININGNAN NIYA ang mataas na building ng Crown Gerycen kung saan nakatira ang kanyang kasintahan. Walang pinagbago. Naroon pa rin ang maliit na fountain sa entrance nito at ang mga halaman na siyang nakadagdag ng kagandahan sa lugar. Pumasok siya at pumunta sa reception area. “Aidan Gomez, ma’am,” sabi niya sa receptionist. Binigay nito sa kanya ang logbook at sinulat naman niya ang kanyang pangalan at oras kung kailan siya dumating. Nagpasalamat siya pagkatapos at sumakay ng elevator. Ramdam niya ang excitement na dumadaloy sa kanyang ugat. Nanginginig ang kanyang kanang kamay na nakahawak sa spare keys ng condo ni Aidan. Pagdating niya sa harap ng unit, agad siyang pumasok pero gano’n na lang ang pagtataka niya nang madilim na lugar ang sumalubong sa kanya. Sa isip niya’y baka bumili lang ng pagkain si Aidan kaya ni-lock niya ang pinto at pumunta sa kuwarto nito upang maghintay. Pagkaupong-pagkaupo niya ay siyang pagbukas ng pinto, senyales na dumating na ang kanyang nobyo. Napangiti siya at hinanda ang sarili. Masosorpresa ito, panigurado. Gano’n na lang ang gulat niya nang makarinig siya ng boses ng babae na nakikipagtawanan sa kanyang nobyo. May bumangon na sakit sa kanyang dibdib at no’ng naramdaman na papasok ito sa kwarto, agad siyang nagtago sa ilalim ng kama nito. Mukhang siya pa ‘ata ang nasorpresa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD