+

342 Words
“Let’s shower together, babe. I’m on for round two,” malanding sabi ng babae. Nagpantig ang kanyang tenga sa narinig. Ang harot! Hiling ni Autum na sana’y mabigyan ng karma ang dalawa. Nang magtungo ito sa banyo, dali-dali siyang lumabas mula sa kinatataguan. Sa kasamaang palad, nasagi niya ang flower vase na nasa mesa. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib habang nakatitig sa basag na flower vase na nasa sahig. Nagkalat ang laman nito. Narinig niya ang pagtigil ng lagaslas ng shower na naging dahilan upang magsimulang manginig ang kanyang mga kamay. “Who’s there?” malakas na sigaw ni Aidan na ikinalaki ng kanyang mga mata. Fudge! Baka mahuli niya ako! Tinakbo niya ang pinto at agad na lumabas. Nang marinig ang mga yabag ni Aidan na paniguradong malapit na nito buksan ang pinto, nahagip ng kanyang mga mata ang kabilang unit. It’s half-open! Autumn let out a huge sigh of relief and before Aidan sees her, she entered without having second thoughts. Kitang-kita niya ang panginginig ng kanyang kamay na nakahawak nang mahigpit sa door knob. Nilunok ni Autumn ang kabang naramdaman at pilit ikinalma ang sarili. She can hear her shaking breath. Ramdam ni Autumn ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Naghahalo ang pawis at luha sa kanyang mukha. Lagkit na lagkit na ang pakiramdam niya. Hinawi niya ang kanyang bangs na dumidikit na sa kanyang noo dahil sa pawis. Narinig niya pa ang pagbukas ng pinto sa unit ni Aidan at maya-maya rin ay sinirado ito. Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Napabuntong hininga siya at napapikit. Mabuti nalang at di siya nahuli. “You’re trespassing, miss.” Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses mula sa kanyang likuran. Humarap siya upang depensahan ang kanyang sarili pero ganon nalang ang gulat niya nang makita ang mga mata nito. Binalik ng mga mata nito ang mga ala-alang akala niya’y limot niya na. In front of her is the man whom she had a one night stand with 3 years ago. The famous Dr. Knoxx Silva. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD