Maagang lumuwas sina Lyka at Aiden kasama sina Juancho, Almira, at ang mga magulang ni Lyka para dalawin si Mommy Sofia at Calix. Kasabay na rin nito ang pagdalo nila sa birthday ng pinsan nilang si Damon. Mas bata ito kina Lyka at Calix, pero hindi gano’n kasundo ni Lyka dahil may pagka-badboy image si Damon. Hindi naman siya suplado, pero maangas at laging puno ng kumpiyansa sa sarili. Kung sina Calix at Lyka ay simple at down-to-earth, si Damon naman ay kabaligtaran. Laging mayabang sa tindig, at hindi itinatago kung gaano siya ka-superior sa iba. Kaya’t kahit pinsan nila ito, minsan ay hindi maiwasan ni Lyka na mainis. Pero higit sa lahat, curious silang lahat sa isang bagong balita— for the first time, may girlfriend na raw si Calix. Belle daw ang pangalan. At higit pa ro’n… hiwa

