Prologue
Hustisya o Pag-ibig?
Si Aiden Cruzano, ang pinakabatang Gobernador ng Santa Luisa, mahusay, matalino, at mahal ng kanyang nasasakupan. Pero sino’ng mag-aakalang ang dating anak ng isang messenger na nakulong sa kasong pagnanakaw, at nawalan ng ina sa gitna ng kahirapan, ay magiging isa sa pinakamakapangyarihang tao sa probinsya?
Lahat na, nakuha na niya,kapangyarihan, respeto, at kasikatan. Pero may isa pang hindi niya naaabot: hustisya para sa kanyang pamilya.
Ngumiti si Aiden habang pinapaikot ang mumurahing ballpen sa pagitan ng kanyang mga daliri. Luma na ito, pero kasama niya sa lahat ng laban simula high school. Isang sentimental na bagay na palagi niyang hinahawakan kapag tense... o masaya.
Biglang nag-intercom si Rochelle, ang kanyang secretary at kababata.
“Sir, nandito na po ang mga De Vera.”
Napangiti si Aiden. "Kasama ba ang anak ni Mrs. De Vera?"
“Kasama po, Gov.”
“Okay. Wait for my instruction. I’ll call you kapag puwede na silang pumasok.”
Pagkababa ng telepono, napahinga nang malalim si Aiden.
“Ito na. Magsisimula na ang pagbabayad ng mga De Vera, mula sa ama, sa ina… at ngayon, sa anak.”
Lyka’s POV
“Ms. Rochelle, ilang oras pa ba kami maghihintay? Magda-dalawang oras na kami rito ah!” Naiinis nang tanong ni Lyka. Hindi niya mapigilang ibulalas ang inis. Pagod na rin siya sa kahihintay kasama ang inang kanina pa tahimik.
“Sorry, Lyka. Busy lang talaga si Gov…” Nahihiyang sagot ni Rochelle.
“Kung gusto niyo, kumain muna kayo. Balik na lang kayo ng ala-una.”
“Talaga ba? Sinasadya na yata ni Aiden ito. Palaging ganyan!” pasinghal niyang sagot, hindi na naitago ang pagkainis.
Magsisimula pa lang siyang bumalik sa silya nang biglang narinig niya ang pamilyar na boses.
“Doctora ka na, pero ganyan ka pa rin kumilos.” Napapailing ang tono ni Aiden.
Napalingon si Lyka, galit na galit ang mata.
“Sige na Rochelle, papasukin mo na sila. Mamaya na lang ako magla-lunch.”
Tahimik na pumasok si Lyka at ang kanyang ina, mugto ang mga mata at halatang pagod. Agad silang inalok ni Aiden ng upuan.
“Maupo kayo. Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo, Mrs. De Vera… at sayo, my Highness.” Mapang-uyam ang ngiti nito habang nakatingin kay Lyka.
“Gov, huwag mo namang ipasara ang ospital. Under investigation pa kami. At si Leonardo, baka puwedeng tulungan mo siya, may sakit siya sa kulungan…” naiiyak na sabi ng ina ni Lyka.
“Huwag mong personalin, Alden,” singit ni Lyka, pasinghal. Nakakainis talaga ang lalaking ito—habang nagsusumamo ang ina niya, abala sa pagse-cellphone!
Tumigil si Aiden at tumitig sa kanya.
“Bakit, Lyka? Sino ba ang bumabalik sa nakaraan? Baka ikaw.”
“Maraming reklamo laban sa ospital niyo, Mrs. De Vera,” kalmado pero matigas ang tono ni Gov.
“May namatay, may gumuho, may anomalya sa buwis. Kung tutuusin, labas na ako diyan—pero ayokong palampasin ang pagkukulang.”
“Simula nang maupo ka, tsaka lang nangyari lahat 'yan, Gov…” umiiyak si Mrs. De Vera. “Ayaw naming magbintang pero…”
“Pinagbibintangan n’yo ba ako?” seryoso ang mukha ni Aiden.
“Gov, pasensya na... sorry. Tulungan mo kami. Baka mamatay si Leonardo sa loob.”
Biglang lumuhod si Mrs. De Vera sa harapan ni Aiden.
“Mom, what are you doing?” gulat at takot ang boses ni Lyka. Pilit niyang tinatayo ang ina.
Pero umiling lang ito.
“Kahit ano gagawin namin ni Lyka. Kung gusto mo siya, sige na. Magiging masaya kami kung matutulungan mo lang kami.”
“Mom, tigilan mo na 'yan, please...” Halos mapaiyak na si Lyka. Hindi niya na kayang panoorin ang ina sa ganung kalagayan.
“Sige. May kondisyon ako,” tumayo si Aiden, matigas ang mukha. “Kami na lang ni Lyka ang mag-uusap.”
Later…
Dinala muna sa clinic si Mrs. De Vera. Naiwan si Lyka sa opisina, galit, nanginginig.
“Anong kondisyon 'yang sinasabi mo?” singhal niya.
Ngumiti si Aiden, pilyo at kalmado. Pinapaikot pa rin ang ballpen sa daliri niya.
“Hot ka pa rin, my Highness. Kailan ka pa bumalik sa Pilipinas?”
“Kanina lang,” malamig niyang sagot, sabay halukipkip ng mga braso.
“Kape?” alok ni Aiden.
“Cut the crap. Spill it.” Matalim ang tingin ni Lyka.
Tumayo si Aiden, tumitig sa kanya.
“Gusto kita. Gusto kong maging akin ka—lahat-lahat, pati sa kama.”
“Kapag pumayag ka, makakalaya ang ama mo. At bubuksan natin ulit ang imbestigasyon sa ospital niyo.”
“You're insane!” singhal ni Lyka.
“Tingin mo ba papayag ako sa ganyang kondisyon? Hindi kami gano'ng klase ng tao! I will consult my attorney. This is harassment!”
Nagkibit-balikat lang si Aiden.
“This is my offer, Dra. Lyka De Vera. You still have time to change your mind.”
Hindi na siya sinagot ni Lyka. Mabilis siyang tumalikod, nanginginig sa galit at sakit.
Lyka's POV
Paglabas ko ng opisina, ramdam ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko.
“Bastos. Wala kang respeto. Gago ka, Aiden Cruzano.”
Mahina pero mariing bulong ko habang papalayo sa opisina niya.
Pinilit kong itaas ang ulo ko habang tinatahak ang mahabang hallway ng kapitolyo. Pero hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa gilid ng aking mata. Hindi dahil sa takot. Hindi dahil sa kahihiyan.
Pero dahil sa galit.
Sa kawalang-laban.
Pagdating ko sa clinic, nakita ko ang mama kong natutulog, hawak pa rin ang rosaryo sa dibdib. Parang ilang taon siyang tumanda sa loob lang ng isang araw.
“Anak…” mahina niyang bulong nang magising siya at makita ako.
“Ma, aalis na tayo. Hindi ko kayang makipag-usap pa sa lalaking 'yon. Hindi siya tao.” Naluluha kong sabi.
Umiling si Mama. “Hindi pwede, Lyka. Kailangan natin ng tulong niya. Wala na tayong ibang kakapitan.”
“May abogado tayo. May media. Hindi tayo magpapagamit. May mga tamang paraan.” paninindigan ko.
Ngunit alam ko, kahit anong paliwanag ko, alam niyang mahirap ang laban namin—dahil ang kalaban namin, hindi lang tao… kundi kapangyarihan.
Aiden's POV
Tahimik ang opisina. Tanging tunog ng ballpen sa mesa ang maririnig habang pinapaikot ko ito sa daliri ko. Luma na, pero mas mahalaga pa sa kahit anong mamahaling relo.
“She’s still feisty,” bulong ko sa sarili.
Inaasahan ko na ang galit ni Lyka. Pero hindi ko akalain na sa kabila ng lahat, nandoon pa rin ‘yung apoy sa mga mata niya—’yung klase ng tingin na hindi basta-basta sumusuko. Gusto ko ’yon. Mas gusto ko pa ’yon kaysa sa mga babaeng halos isubo na ang sarili sa akin.
Pero ibang klase si Lyka De Vera.
Hindi siya madaling laruin.
Pero lahat ng laro… may natatalo. At ako, hindi kailanman pumapayag na ako ang matalo.
Tumunog ang cellphone ko. Si Rochelle.
“Gov, may meeting ka po sa business sector sa hapon. Confirmed na po.”
“Reschedule it,” sagot ko.
“I have a more important matter to handle.”
Magsisimula na ang laro, Dra. Lyka De Vera. At ako ang may hawak ng rules.
Lyka's POV – That Night
Gabi na. Wala pa rin kaming konkretong plano.
Nakahiga ako sa kama pero hindi ako dalawin ng antok.
Tumunog ang phone ko, isang unknown number.
Nag-aalangan ako, pero sinagot ko.
“Hello?”
“Good evening, Dra. Lyka. This is Atty. Joaquin Herrera. I was referred to you by a mutual contact. I heard about your family’s case… at baka puwede kitang matulungan.”
Napaupo ako.
“Sino ang nagbigay ng number ko sa inyo?”
“Let’s just say, hindi lahat ng nasa tabi ng Governor ay kampi sa kanya. At hindi lahat ng inaapi, mananahimik na lang.”
Next Scene: Unknown POV
Sa madilim na parking area ng Capitolyo, isang babaeng naka-ponytail ang tahimik na naglalakad, hawak ang phone.
“Rochelle speaking. Confirmed. Nag-init na si Lyka. Hindi siya papayag agad, pero alam kong babalik siya…”
“Tuloy ang plano,” sabi ng nasa kabilang linya.
“At Rochelle… siguraduhin mong hindi ka mabubuking.”
Aiden’s POV
“Gusto kong makuha ang gusto ko at hindi ako sanay na nabibigo.”
Tumayo ako sa harap ng malaking salamin sa opisina. Naka-fold ang sleeves ng barong ko, at may bahid pa ng inis sa mukha ko. Hindi dahil sa galit.
Pero dahil sa pagnanais.
Si Lyka De Vera.
The one woman who dares to challenge me.
And I like that.
Too much.
Kinuha ko ang cellphone at tumawag.
“Hello, Cong. Ramirez. Nakatanggap ba kayo ng report tungkol sa bagong lead sa kaso ng De Vera Hospital?”
“Hindi pa, Gov. May bago ba?”
“Magkakaroon na. I’m sending you the files tonight. Pakikalat na lang. Gusto kong mapuno ng media ang pangalan nila bukas.”
“Copy. Pero sigurado ka bang gusto mong palakihin pa ‘to?”
“That’s the point,” ngiting-aso kong sagot.
“The more pressure, the better.”
Binaba ko ang tawag. Agad kong binuksan ang isang drawer. Nandoon ang ilang confidential folders—isa sa mga ito ay tungkol sa Dr. Leonardo De Vera, ang ama ni Lyka.
Guilty or not, I don’t care.
Hindi ito tungkol sa kaso.
Ito ay tungkol sa paghihiganti.
Flashback – Years Ago
Naka-upo ako sa isang tagpi-tagping upuan sa ospital kung saan nagtatrabaho noon ang ama ni Aiden. Hawak-hawak ng nanay ko ang kamay ko habang hinihintay naming mapansin ng kahit sinong staff.
Pero walang lumapit.
Pagkatapos ng tatlong oras, lumabas si Dr. Leonardo De Vera.
“Sorry, hindi namin maaasikaso ngayon. Maghanap na lang kayo ng ibang ospital.”
At doon… bumagsak ang mundo ng nanay ko. Inatake siya sa puso ilang araw pagkatapos no’n. Wala kaming pera. Wala kaming hustisya. At ang mga De Vera? Parang walang nangyari.
Present
Tama lang. Sila naman ang magdusa ngayon.
Later That Day – Secret Meeting
Tahimik ang private dining area ng isang high-end restaurant. Walang ibang tao kundi ako, si Rochelle, at isang matandang lalaki na pamilyar na sa akin.
“Sigurado ka bang kaya mong hawakan ang isa sa mga doktor ng De Vera?” tanong ko.
“Yes, Gov. May na-leverage tayo sa kanya. Nagkautang ng malaki sa bangko, at may anak na gustong mag-abroad. Kapag hindi siya kumanta sa hearing next week, mawawala ang lisensya niya.”
Tumango ako. “Good. Make sure he talks. I want Lyka to feel helpless.
And when she finally breaks… she’ll come running to me.”
“At kung hindi?” tanong ni Rochelle, may kaba sa boses.
Tumingin ako sa kanya, malamig ang mata.
“Then we burn everything.”