Chpater 1

1817 Words
Sa Gitna ng Talo at Titigan College Days Lyka's POV Busy lahat ng students sa Brent University. Lahat may kanya-kanyang lakad, kanya-kanyang mundo. Ako? Sanay na ako. Nasa third year na ako sa Law, and so far, nakakaya ko pa naman i-handle ang studies ko. Palagi rin akong nasa top ng klase, kaya siguro sinasabi ng mga tao na “beauty and brains” daw ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako agad, pero siguro nga, may point sila. Kaya siguro napasali rin ako sa Student Council. May sarili rin akong organization sa school, at binigyan kami ng sariling kuwarto para doon mag-aral, magplano, at tumulong sa mga kapwa Law students na nahihirapan. Isa 'to sa mga bagay na proud ako, yung makatulong sa iba habang natututo rin ako. As usual, nakauwi ako ng hapon. Masaya akong sinalubong ng parents ko na kararating lang din galing hospital pareho kasi silang doctors. Kumpleto kami sa dinner, nagkakasama-sama kahit gaano ka-busy. Kumbaga, perfect family moment. Kinabukasan, maaga akong hinatid ni Papa bago siya tumuloy sa ospital. Dumiretso muna ako sa base, ang maliit naming kwarto sa org room. Maaga pa naman para pumasok sa klase. Pagkapasok ko, masayang sinalubong ako ng bestfriend kong si Jean. “Uy, alam mo na ba ang chika? May lilipat daw sa school natin. Top one raw sa previous university niya, built school pa 'yon ha! Ewan ko kung bakit siya lumipat, pero sabi ng iba, bukod sa scholar na siya dito, may allowance pa raw na malaki.” Sunod-sunod ang chika ni Jean habang ako’y binubuksan ang laptop. “Really?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Saan mo naman nakuha 'yang balita? At saka, gaano ba siya ka-special para bigyan ng ganyang privilege ng school? Kasing talino ba siya ni Einstein?” Nagkibit-balikat lang si Jean. “'Yun ang kumakalat na usapan dito. Tanong mo si Tom.” Sabay hila niya kay Tom na nakaupo malapit sa amin. “Oh, bat ako nadamay sa chismis niyo?” natatawang reklamo ni Tom. Napatawa rin ako. “Mag-aral na lang tayo. Hayaan na natin kung sino man 'yang papasikat.” Wala na ring nagawa si Jean kundi umupo at buksan ulit ang laptop niya. Tahimik kaming nag-aral ng kani-kaniya. Pagdating ng klase, nagkatinginan kami ni Jean. Agad naming napansin ang bagong mukha—o, well, ang bagong dating. Agaw pansin siya agad dahil sa makulay niyang buhok. Hindi pa namin nakikita ang mukha niya, pero may presence na agad. Maya-maya, dumating na ang professor namin. “Before I start our discussion, let me introduce to you Mr. Aiden Cruzano,” panimula ng prof. “May ilang subjects lang na makakasama niyo siya, pero dahil sa achievements niya, top one sa previous university, at representative pa sa international competition, we decided na tapos na siya sa most of his academic requirements. He just needs to complete his remaining units for formality.” Napasinghap ang buong klase. “Wow,” bulong ni Jean. Kahit ako, napahanga. May ganun pala? Grabe. Napatingin ako sa lalaki. Hindi ko masabing gwapo dahil ang payat niya, at may kulay pa ang buhok, pero hindi mo maitatangging maganda ang facial features niya. Malinis tingnan. May dating. Marami na agad sa mga kaklase namin ang kinilig. May kanya-kanyang papansin. Ako? Deadma. Pero hindi ko maitatangging... na-curious ako. **************** “Mr. Cruzano, you may take the empty seat beside Ms. De Vera,” sabi ng prof habang nakaturo sa upuan sa tabi ko. Napatingin ako agad. Wait, what? Tumango lang si Aiden at tahimik na lumapit. Ramdam ko agad ang mga mata ng classmates naming nakatutok sa amin, parang may inaabangan. Pagkaupo niya sa tabi ko, naamoy ko ang faint scent ng mint at coffee. Hindi ko alam kung bakit biglang ang lakas ng heartbeat ko. Hindi naman ako kinikilig, siguro dahil he's too close. “Lyka, right?” mahinang bulong niya. Napalingon ako. “Yeah. Why?” Ngumiti siya ng matipid. “Nothing. You're famous, that’s all. Student council president ka raw.” Nagtaas ako ng kilay. “So? That doesn’t make me special.” Nagkibit-balikat siya. “I didn’t say you were.” Wow. Ang bilis ng init ng ulo ko. “Then stop acting like you know me,” sabay balik ko ng tingin sa harapan. “Touché,” mahina niyang sagot. “Pero don’t worry, I don’t plan to.” Napalingon ako ulit. Ang lakas ng loob! Yung ngiti niya parang laging may challenge, parang sinasadyang asarin ako. “Good,” sagot ko, sabay bagsak ng tingin sa laptop ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang presensya niya sa tabi ko. Tahimik siya, pero parang may sariling gravity. Nakakainis. At lalo akong nainis dahil... naiinis ako. Paglabas ng klase, sabay kaming lumakad ni Jean. “Grabe, Lyka,” bulong niya. “Parang electric yung tension sa inyo kanina. Akala mo ba hindi ko naramdaman?” “Imaginations mo lang 'yan,” sagot ko. “Excuse me, girl, hindi ako bulag. And I saw the way he looked at you. Parang… sinisiyasat ka.” “Wala akong pake kung tingnan niya ako o hindi.” “Sure ka? Baka naman… gusto mong patulan 'yan?” Umirap ako. “Hindi ako mahilig sa mayabang at payat na lalaking may pakulo sa buhok.” Pero sa loob-loob ko, hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong lumingon... at silipin kung nasa likod pa ba namin si Aiden. At oo, nandun nga siya. Nakatingin. ********* Late na akong nakarating sa library. May kailangan akong i-research for our debate case study, and of course, lahat ng groupmates ko biglang nag-cancel. Typical. Tahimik sa loob, halos wala pang tao. Umupo ako sa dulo, sa corner na usually walang istorbo. Binuksan ko ang laptop at sinimulan na ang paghahanap ng references. After a few minutes, may naramdaman akong umupo sa tapat ko. Hindi ko na inangat ang tingin. Wag sana si— “De Vera,” mahinang tawag ng boses na pamilyar. Napasinghap ako at dahan-dahang tumingin. Of course. Of course si Aiden. “Hindi ka marunong pumili ng ibang table?” inis kong tanong. Ngumiti siya, 'yung tipong nakakainis na parang laging may alam. “Library is for everyone, right?” “Maraming bakante.” “Pero dito ko feel. Tsaka, mas interesting kausap yung may attitude.” “Excuse me?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Don’t worry,” sabay lapag niya ng libro, “hindi kita guguluhin. I’m here for the same thing. Debate case?” Napahinto ako. “You’re in that class too?” Tumango siya. “Apparently, yes. And guess what? Magkagrupo tayo. Check the new groupings posted this morning.” Napatigil ako. Seriously? “Did you request this?” Napangiti lang siya, pero hindi sumagot. Pumikit ako sandali at humugot ng malalim. Bakit universe, bakit ako? “Fine,” bulong ko. “Let’s just finish this and get it over with.” Nag-lean siya ng kaunti paharap, elbows on the table, eyes locked on mine. “That’s the spirit, Ms. President. I like working with people na challenge.” “Then find someone else. I’m not here to entertain you.” “I didn’t say I was here for entertainment. I said I’m here to work... with you.” Tahimik. Ilang segundo kaming nagtitigan. Parang walang ibang tao sa library. Yung hangin biglang bumigat, and for a second—parang may kung anong tension na hindi ko ma-explain. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Nope. Not going there. Pero habang nagta-type ako sa laptop, ramdam ko pa rin ang titig niya. At mas nakakainis, kasi... hindi ko rin siya matanggal sa isip. ********** Hapon na nang magkita-kita kami for the group session. Sa org room namin ginawa since ako ang may access, at wala namang ibang gumagamit today. Nandun na sina Jean at dalawang pang groupmates—si Anton at si Becca. Ako ang huling dumating, pero hindi ako huli sa lahat... dahil si Aiden, syempre, late. Typical. “Guys, let’s focus, please,” sabi ko habang pinapansin si Jean na parang gusto nang matulog. “We need to draft the framework today para may maipasa tayong outline bukas.” “Copy,” sagot ni Anton. “Lyka, ikaw na bahala sa intro ha?” Tumango ako habang nagsusulat sa whiteboard. Paglingon ko, dumating na si Aiden. Nakasuot ng faded denim jacket at nakasabit ang earphones sa leeg. Cool na cool ang dating, at syempre, si Becca... biglang naging alert. “Hi Aiden,” bati niya na parang may glitter ang boses. “Hi,” tipid na sagot nito habang diretso sa upuang kaharap ko. Hindi man lang tiningnan si Becca. “Ay wow,” bulong ni Jean sa tabi ko. “Talagang sa tapat mo siya umupo.” “Wala akong pake,” pabulong kong sagot. “Sure ka?” may kilig sa tono niya. Inirapan ko siya. Nagpatuloy ang session. Ako ang nag-le-lead, Aiden tahimik lang. Pero napapansin ko—bawat time na may binabasa ako or may suggestion ako sa topic, siya lang ang may matinong follow-up. Smart siya. Like, undeniably smart. May depth ‘yung mga tanong niya, parang iniisa-isa niyang salagin ang idea ko pero hindi in a rude way... more like, challenging. Ilang beses kaming nagtalo sa phrasing at anggulo ng arguments. “Mas okay ata kung gawin nating ethical perspective, kaysa legal lang,” sabi niya. “Ethical is too broad. Mahirap i-quantify,” sagot ko. “Pero mas relatable. Mas makaka-connect yung audience.” “Hindi tayo nagpe-present sa TED Talk. This is a law class.” Nagkatawanan ang buong grupo, pero si Aiden... nakangiti lang. “I like that you’re firm,” bulong niya habang nagsusulat siya sa notebook. “Nakaka-challenge ka.” Napatingin ako sa kanya. “Hindi ako prize para i-challenge, Cruzano.” “Never said you were,” sabay tingin niya sakin, diretso sa mata. “Pero aminin mo... gusto mong may pumipigil sayo minsan.” Hindi ako nakasagot. Hindi dahil agree ako, kundi dahil... tinamaan ako. Pagsapit ng gabi, tapos na ang session. Naiwan akong magligpit habang nag-alisan na ang iba. Si Jean, umuwi na rin. Akala ko ako na lang mag-isa. “Need help?” Lumingon ako. Si Aiden. Nakatayo sa may pintuan, bitbit ang bag niya. “Pwede ka nang umalis,” sabi ko habang nililigpit ang whiteboard markers. “Pwede rin naman akong tumulong,” sagot niya, sabay lapit. Tahimik kaming nagligpit. Walang usap. Walang tanong. Pero ang weird, hindi awkward. Parang may unspoken truce. Parang... may tension, pero hindi na galit. Iba. Pagkatapos, sabay kaming lumabas ng org room. “Thanks for staying,” sabi ko, almost in a whisper. “Anytime,” sagot niya, at sa unang pagkakataon... genuine yung ngiti niya. Walang kulay ang buhok niya ngayon. Siguro naisip niyang ayusin na para sa formal presentation. At oo, mas guwapo siya nang ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD