Laging may dahilan.
Maaga pa lang, naka-ready na kaming lahat para sa defense presentation. Nakaayos na ang mga slides, complete ang handouts, at kabado pero excited na rin kami.
Well... almost complete.
Napatingin ako sa paligid. Wala pa rin si Aiden.
Of course.
“Paano ‘yan? Wala pa rin si Aiden,” pasimpleng tanong ni Jean habang inaayos ang kanyang notes. Halata sa boses niya na may halong inis.
Napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko ang relo sa aking pulso.
“Hayaan mo na. Kung ayaw niya, ‘di ‘wag. Pa-VIP naman kasi yung lalaking ‘yon,” sagot ko, halatang nainis na rin. “Lagi na lang late. Akala mo kung sinong busy.”
Tahimik ang buong room habang hinihintay namin ang instructor. Ilang minuto pa, dumating na si Mrs. Cruz, ang isa sa pinaka-strikto naming prof sa law department. Nakataas agad ang kilay niya habang sinusuri kami isa-isa.
“Let’s begin,” maikli niyang sabi.
Kaya ayun, nagsimula na kami kahit kulang ang grupo.
Ako ang unang nagsalita. Pinresent ko ang overview ng topic namin, ang pinagkaiba ng subpoena at warrant of arrest. Inisa-isa ko ang mga puntos na nakuha namin sa research. Nagbigay ako ng examples at citations, pero mukhang hindi satisfied si Ma’am Cruz.
"That’s not enough, Ms. De Vera. I need deeper insight,” matalim ang tingin niya sa akin.
Here we go again.
“Yes po, Ma’am,” sagot ko, pilit na kalmado ang tono ko kahit ramdam ko na ang pressure.
Nagsimula na rin magsalita sina Jean at dalawa pa naming groupmates. May mga tanong si Ma’am at sinasagot naman nila, pero halatang may kulang pa rin sa overall presentation.
“Wait…” biglang putol ni Ma’am sa discussion. “Where’s Aiden Cruzano?”
Nagkatinginan kami ng grupo ko.
“Ma’am… Wala pa rin po siya,” sagot ni Jean, halos pabulong.
Tiningnan ako ni Ma’am.
“So your team is incomplete. How do you expect me to grade a defense without your lead analyst?”
Napakagat-labi ako. Lead analyst? Siya lang ‘yon sa papel. Pero sa trabaho? Halos kami na lahat ang gumawa.
“Ma’am,” pinilit kong ngumiti. “We tried our best to complete the defense kahit kulang kami. We based our arguments on legal precedent and actual jurisprudence—”
“Then explain more,” putol niyang sabi. “Gusto kong marinig kung naiintindihan niyo talaga ang topic niyo.”
Tumango ako. This was it. Wala si Aiden, and the pressure was all on me now.
Kahit wala siya, hindi ako papayag na bumagsak kami.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tuloy-tuloy magsasalita. Ramdam ko na ang bahagyang pamumula ng pisngi ko, hindi sa hiya, kundi sa inis. Lahat ng effort naming grupo, kami ang gumalaw. Kami ang nag-research. Kami ang nag-compile. Pero guess what? Si Aiden pa rin ang hinahanap.
“Excuse me, Ma’am,” biglang boses na narinig namin sa pinto.
Sabay-sabay kaming napalingon.
At ayun na nga siya—Aiden Cruzano, late as always, pero parang walang pakialam. Relax lang ang lakad, naka semi-formal coat pa, at bitbit ang isang brown folder.
“Sorry I’m late. May urgent ako na inasikaso sa legal clinic,” paliwanag niya habang naglalakad palapit.
Tumaas ang kilay ni Mrs. Cruz. “You’re thirty minutes late, Mr. Cruzano.”
“I understand, Ma’am. And I accept the consequence. Pero if you’ll allow me, I’d like to explain the part of the research assigned to me.”
Nagkatinginan kami nina Jean. May ginawa siya?
Mrs. Cruz crossed her arms. “You better make this worth my time.”
Tumango si Aiden, at diretso sa harap. Binuksan niya ang folder, at nilabas ang ilang printed documents.
“As assigned, I reviewed actual case studies involving the misuse and misinterpretation of subpoenas and warrants of arrest. Gusto ko pong ipakita na habang malinaw ang pagkakaiba nila sa batas, marami pa ring authorities ang nagkakamali sa application nito—lalo na sa mga probinsya.”
Biglang nag-iba ang aura sa room. Si Mrs. Cruz, na kanina ay sobrang critical, ngayon ay tahimik na lang na nakikinig.
“In the case of People vs. Reyes…” tuloy niya, habang nagsimula siyang mag-slide show ng ilang screenshots ng court decisions. “...the arrest was executed with a warrant, pero ang subpoena was overlooked during the pre-trial. Result? The entire case was delayed for months.”
Nagulat ako. He really did his work.
“And your conclusion?” tanong ni Mrs. Cruz, mahina pero matalim.
“My conclusion, Ma’am,” sagot niya confidently, “is that while both documents uphold justice, the failure to observe their distinctions and correct usage causes injustice. Kaya dapat mas bigyan ito ng pansin not only by law students, but by actual law enforcers.”
Tahimik. As in, sobrang tahimik ng room.
Maging si Mrs. Cruz, hindi agad nakapagsalita.
Finally, tumango siya.
“Well-argued, Mr. Cruzano. Late ka man, but at least you delivered.”
Napasinghap ako nang hindi ko namamalayan.
“Thank you, Ma’am.”
Pagbalik niya sa upuan, bahagya siyang ngumiti sa akin. Pero hindi ako ngumiti pabalik. Don’t think I’ll forgive you just because you talked smart, sabi ng isip ko.
Pero bakit parang may ibang sinasabi ang t***k ng puso ko?
After the Presentation
Matapos ang mahigit isang oras na intense na discussion, debate, at Q&A, finally… tapos na rin ang defense namin. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapaupo na lang sa pagod. Lumingon ako sa mga kasama ko—si Jean, si Paolo, pati si Aiden—lahat parang napawi ang kaba.
Nagligpit kami ng gamit habang unti-unting naglalabasan na ang ibang estudyante. Pero bago pa kami makalabas ng room…
“Group three,” tawag ni Mrs. Cruz. “Stay for a moment.”
Nagkatinginan kami.
Uh-oh.
Tumayo si Ma’am sa harap ng podium at tumingin sa amin, seryoso ang expression.
“I want to be honest with you,” panimula niya. “Akala ko hindi niyo matatapos ang presentation na maayos. You were incomplete. You were shaky at first.”
Napayuko ako ng bahagya. Kahit paano, totoo naman.
“But…” dagdag niya, kaya napatingin ako ulit.
“You pulled through. Especially you, Ms. De Vera.”
Nagulat ako. Ako?
“You held the group together. Your explanations had gaps, but your composure and ability to handle pressure were impressive.”
Napakagat-labi ako. Hindi ko in-expect ‘yon. Sanay akong kinokorek, pinapagalitan. Pero ngayon?
“Jean, Paolo,” lumingon siya sa dalawa naming kasama, “you contributed well. Your research was decent and well-cited.”
Pagkatapos ay tumingin siya kay Aiden. For a second, tahimik lang siya.
“And Mr. Cruzano… If only you weren’t late, this could’ve been your moment to shine. But you recovered well. Your legal analysis was strong.”
Tumango lang si Aiden, parang hindi apektado. As usual. Pero halatang may ngiti sa gilid ng labi niya.
Mrs. Cruz crossed her arms.
“I’ll give your group a decent grade. But next time, make sure you arrive as a team. Law isn’t just about brilliance, it’s also about accountability.”
“Yes, Ma’am,” sabay-sabay naming sagot.
Pagkalabas namin ng room, halos sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.
“Akala ko laglag na tayo,” bulong ni Jean, sabay tawa.
Ngumiti ako. “Ako din. Buti na lang…”
“Sinagip tayo ng prince charming,” biro ni Paolo, sabay turo kay Aiden.
“Prince charming ba kamo?” sabat ko, kunwari’y nag-roll ng mata. “More like late king.”
Narinig kong tumawa si Aiden, low at malalim. “At least dumating pa rin ako.”
“Lucky us,” sagot ko, sabay lakad palayo.
Pero bago ako makalayo, narinig ko ang boses niya.
“Lyka…”
Huminto ako. Dahan-dahan akong lumingon.
“Thanks for covering,” sabi niya, sincere ang tono. “I owe you one.”
Tinitigan ko siya sandali, hindi sigurado kung matutuwa ako o mas maiinis lalo.
“Better make it count,” sagot ko, sabay talikod muli.
After Class – Hallway Scene
Pagkaalis ng iba naming kaklase, tahimik akong naglakad palabas ng gusali. Si Jean ay nagpaalam na mauuna na raw kasi may org meeting. Si Paolo naman ay sumabay kay Mrs. Cruz para kunin ang feedback sheet.
At si Aiden? Siyempre, kaswal lang ang lakad sa likod ko, parang walang nangyari.
Pero hindi ako papayag na gano’n lang ‘yon.
Pagkaliko namin sa hallway na medyo tago, huminto ako.
“Aiden,” tawag ko.
Huminto rin siya. “Yes?”
Humarap ako sa kanya. Arms crossed. Mabilis ang t***k ng puso ko—hindi dahil kinikilig ako, kundi dahil galit ako. O baka… halo?
“Akala mo ba okay lang ‘yong ginawa mo?” diretsong tanong ko. “Na darating ka late, magpapakitang-gilas, tapos parang walang nangyari?”
Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ko naman sinadyang malate, Lyka.”
Napailing ako. “Laging ganyan ang linya mo. Lagi kang may dahilan. Pero hindi ka consistent. Kung hindi ka dumating, babagsak kami!”
Tahimik siya. Parang hinihintay lang na matapos ako.
“Kami ni Jean ang nagbuno ng research mo. Wala ka nung weekend, wala ka sa group chat. Ni ‘hi’ or ‘seen’ wala. Pero ang galing mo mag-present, ‘di ba? Lahat kami nagtatrabaho, tapos ikaw? Pasok lang sa eksena sa dulo.”
Matiim ang titig ko sa kanya. Gusto ko siyang kalugin. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi siya special.
Pero siya, kalmado pa rin.
“I know,” mahinang sagot niya. “I deserve that.”
Nagulat ako. I didn’t expect him to agree.
“I wasn’t ignoring you guys. Totoo ‘yung sinabi ko, may inasikaso ako sa legal clinic. May urgent na walk-in client na nirefer ng isa sa mga professors natin. Confidential ‘yung case. At hindi ko puwedeng basta iwan.”
Napakagat-labi ako. So totoo nga.
“Pero mali pa rin na hindi ako nag-update,” dagdag niya. “You had every right to be mad. And I get it. Kung ako si leader, ako rin magagalit.”
Tahimik ako.
“Hindi ko intention na pabayaan kayo. And Lyka…” Mas lumapit siya nang bahagya. “Salamat. Alam kong ikaw ang bumuhat kanina.”
Napatingin ako sa kanya. Malapit na siya, pero hindi ‘yung tipong nakakailang. Parang sakto lang… enough para marinig ko kung gaano kalambing ang boses niya kapag hindi siya nagyayabang.
“Next time,” dagdag niya, “I’ll do better. I promise.”
Tumango ako, pero hindi pa ako totally convinced.
“We’ll see,” sagot ko. “Actions, not words.”
Ngumiti siya. “Noted, Atty. De Vera. My Highness."
Naglakad na ako paalis, pero this time, may kaunting ngiti na sa labi ko.
Baka nga may ibubuga rin ‘tong si late king.