Sa Likod ng Katahimikan"
Three days na...
Wala pa ring Aiden.
Hindi ito nagpapakita sa university, at ang usap-usapan? Busy raw kasama si Atty. Fernan, isang sikat na abogado na ngayon ay isa nang senador. Mentor daw ni Aiden. At ang sabi pa, gustong-gusto raw siya ng senador dahil may "malaking potensyal."
Kumalat agad ang chismis sa buong Law Building. Lalo na sa mga professors na tila proud pa dahil estudyante raw nila si Aiden.
So? Ano naman ngayon kung hindi ko siya nakikita?
Mas mabuti nga! Wala muna ang presensya ng payatot at mayabang na 'yon. Bwesit.
Bulong ni Lyka sa sarili habang nakatitig lang sa ulam niyang halos hindi niya malunok. Sa totoo lang, hindi naman siya dapat apektado. Busy rin naman siya, ang daming defense, requirements, at reports. Wala na siyang oras para sa kung anu-anong drama.
"Grabe, hindi ko na alam kung ano ang uunahin!" reklamo ni Jean habang nilalantakan ang burger niya.
"Kaya nga! Parang gusto ko na ngang mag-shift ng course," dagdag pa ni Becca, sabay buntong-hininga.
Tahimik lang si Lyka. Kumakain pero parang wala sa sarili. Sanay naman siyang makinig lang sa usapan. Hindi siya 'yung tipong naglalabas ng saloobin. Kahit minsan gusto na niyang sumabog, pinipili niyang manahimik.
"Uy, si Aiden oh!" bulong ni Tom sabay kalabit kay Becca.
Sabay-sabay silang napalingon.
At doon, nakita nila si Aiden, kalmado, nakaayos, at confident na lumapit kay Rochelle.
Si Rochelle.
Ang mysterious na kaklase nilang laging absent. Working student kasi. Madalas bagsak sa exams. Pero nitong mga nakaraang linggo, biglang pumapasa.
Usap-usapan? Si Aiden daw ang dahilan. Siya raw ang gumagawa ng term papers ni Rochelle. Minsan pa raw, nagpapakopya ng sagot tuwing exams. Hindi pa napatutunayan, pero... ang daming nakakita.
Masaya silang nag-uusap habang sabay kumakain.
May kung anong kurot sa dibdib ni Lyka. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman sila ni Aiden. At impossible naman na magka-develop-an ang dalawang 'yon, pareho silang cold, strong, at may sariling mundo. Walang pakialam sa iba.
Pero bakit parang may tinik sa puso niya?
Naku, Lyka... gumagawa ka lang ng excuse para hindi amining nasasaktan ka.
Tahimik niyang bulong sa sarili.
Ayaw niyang aminin. Pero...
She misses the annoying presence of that mayabang jerk. Just a little.
**************************
Pagkatapos ng klase, naisipan ni Lyka na dumaan muna sa student org room para magpasa ng ilang documents. Pagod siya, pero mas pipiliin niya na maging abala kaysa mag-isip ng kung anu-ano.
Dumaan siya sa hallway ng Law Building, tahimik, halos walang tao. Tanging mga patak lang ng kanyang sapatos ang naririnig.
Bigla siyang napatigil.
Dahil mula sa kabilang dulo ng hallway... papalapit si Aiden.
Naglalakad ito nang mabilis, may hawak na folder, suot ang paborito nitong grey polo at naka-sling bag. Nakakunot ang noo. Mukhang seryoso.
Teka... siya ba 'yon?
Parang automatic, bumilis ang t***k ng puso ni Lyka. Hindi siya handa. Hindi niya akalaing magkasasalubong sila ngayon, after ilang araw na wala ito.
Bahagyang bumagal ang lakad ni Lyka. Instinct niya, baka... baka tumingin si Aiden. Baka mag-smirk na naman 'yon. Baka magbitaw na naman ng sarcastic na "Hi, Ms. President."
Hinintay niya. Umaasa siya kahit konting sulyap.
Pero... wala.
Diretso lang si Aiden. Hindi siya nilingon. Hindi man lang siya napansin. Parang wala siya ro'n.
Parang invisible.
Napahinto si Lyka. Napako siya sa kinatatayuan niya.
At habang papalayo si Aiden, hindi niya mapigilan ang kurot sa dibdib.
Bakit ganon?
Bakit parang ang sakit?
Gusto niyang isipin na busy lang talaga ang binata. Na baka may hinahabol na deadline. Na baka pagod lang. Pero kahit ano pang dahilan... masakit pa rin.
Hindi niya alam kung dahil na-miss niya ito. O dahil umaasa pa rin siyang kahit papaano... siya ang iintindihin.
Tahimik siyang napayuko.
Okay lang 'to, Lyka.
Hindi mo siya kailangan.
Hindi mo siya kailangan... diba?
Pero habang pinipilit niyang lakarin ulit ang hallway...
Ramdam niya ang bigat sa dibdib.
At sa kabila ng lahat ng denial niya, isa lang ang malinaw:
Nasasaktan siya.
Aiden's POV
Mabilis ang lakad ko. Dikit ang folder sa dibdib ko, pilit kong nililinaw ang isip ko habang nagmamadaling tumungo sa office ng Dean.
May meeting. May pinapagawa si Senator Fernan. May deadline. May responsibilidad.
At sa dami ng iniisip ko... ayaw kong isipin siya.
Pero nang lumiko ako sa hallway, parang biglang tumigil ang mundo ko.
Si Lyka.
Nakatayo sa kabilang dulo ng corridor. Nakatungo ng bahagya habang naglalakad. Paakyat ang araw sa bintana, at sa liwanag noon, ang buhok niya ay tila ginintuan. Parang eksena sa pelikula.
At gaya ng dati... parang siya lang ang tao sa buong hallway.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi ko siya nakita ng tatlong araw. Akala ko masasanay akong wala siya. Akala ko makakatulong ang distansya. Pero mali.
Mas lalo lang akong naguguluhan.
Gusto kong tumigil. Gusto kong tawagin siya. Gusto kong sabihin, "Hi, Lyka." Kahit gano'n lang.
Pero hindi ko ginawa.
Bakit?
Kasi kapag tiningnan ko siya...
Kapag nagtagpo ulit ang mga mata namin...
Baka hindi ko na kayanin.
Ayoko.
Ayokong mahulog sa kanya.
Kasi siya—siya ang dahilan.
Siya ang anak ng mga taong dahilan kung bakit nakulong ang tatay ko.
Siya ang anak ng pamilyang tumanggi nang nakiusap ako noon.
Siya ang dahilan kung bakit namatay ang ina ko... na hindi man lang nasilayan ng ama ko bago siya ipinasok sa bilangguan.
Hindi ko makakalimutan 'yon.
Sixteen birthday niya noon. Nakasilip ako sa bintana ng bahay nila. Maingay sa loob, masaya ang lahat. Siya... nakasuot ng puting dress, nakatayo sa gitna ng mga balloons.
At ako? Nasa labas.
Pumunta ako ro'n para makiusap.
Para sana mapakiusapan ang mga De Vera.
Para sana makita ng tatay ko ang labi ng ina ko sa huling pagkakataon.
Pero imbes na pakinggan ako, pinagtabuyan ako.
"Bata ka pa. Huwag kang makisali."
Yun lang ang sinabi sa'kin ng ama niya.
Wala man lang kahit katiting na awa.
At ngayon? Heto ako.
Nasa iisang eskwelahan kami.
Nasa parehong mundo.
At unti-unti... hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Hindi dapat.
Hindi pwede.
Kaya nakiusap ako kay Senator Fernan na mailipat ako sa Brent University. Hindi lang dahil sa oportunidad. Kundi dahil... gusto kong mapalapit sa kanya.
Kay Lyka.
Hindi para mahalin siya.
Kundi para gamitin siya.
Para sa plano ko.
Para makaganti.
Pero bakit ganito?
Bakit sa tuwing nakikita ko siya...
Bakit parang gusto ko na lang bitawan ang lahat?
FLASHBACK
Seven years ago...
Basang-basa ang suot kong t-shirt. Pawis at ulan ang nagtatalo sa balat ko habang nakatayo sa harap ng malaki at marangyang gate ng bahay ng mga De Vera.
Bitbit ko ang isang sulat, hinihingal, nanginginig ang kamay.
"Kuya, pakibigay naman po kay Atty. De Vera," pakiusap ko sa guard na halos hindi ako tinapunan ng tingin.
"Bata, umuwi ka na. Hindi tumatanggap ang amo ko ng bisita ngayon."
"Please po," halos pabulong ko nang sabi. "Kahit ilang minuto lang... may gusto lang po sana akong sabihin. Kailangan ko po siyang makausap. Wala pong kasalanan ang tatay ko. Gusto lang po sana naming—"
Biglang bumukas ang main door.
Lumabas ang isang lalaki na pamilyar sa akin. Si Doctor. De Vera mismo. Matikas. Malamig ang tingin. Katabi niya ang isang babaeng sosyal ang bihis—si Mrs. De Vera. At sa likuran nila...
Siya.
Si Lyka.
Nakatayo sa pintuan, naka-white dress. May balloons sa paligid niya. Birthday niya. Sixteen.
Ang ganda niya. Parang angel.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit halos matulala ako.
Dahil habang pinagmamasdan ko siya... naalala kong sa parehong araw na 'to...
nailibing ang nanay ko.
At hindi man lang nakita 'yon ng tatay ko.
"Kilala mo ba kami?" malamig na tanong ni Doctor. De Vera.
Tumango ako. "Opo. Ako po si Aiden Cruzado. Anak ni Mang Efren Cruzado... messenger n'yo dati. Yung... yung naakusahan po ng pagnanakaw."
Tahimik.
Tila napatigil ang lahat.
"Wala pong kasalanan ang tatay ko," dugtong ko agad. "Nakiusap lang po ako... baka puwede niyo pong i-review ang kaso niya. O kahit... kahit hayaan lang siyang makita ang labi ng nanay ko bago siya ilibing..."
Nanlambot ang tuhod ko pero pinilit kong tumayo nang tuwid.
Pero ang sagot nila?
"Pasensya na," malamig na tinig ni Mrs. De Vera. "Wala kaming magagawa sa kaso. At bata ka pa para makialam."
Pinagtabuyan ako.
Parang wala akong halaga.
Parang wala kaming karapatang magsalita.
At habang unti-unting sinasara ng guard ang gate sa harap ko...
Lumipat ang tingin ko kay Lyka.
Nakatingin siya sa akin. Hindi siya nagsalita. Hindi siya lumapit. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya umiwas.
Tumitig lang siya.
At sa loob ng ilang segundo...
Para bang may naramdaman akong kakaiba.
Hindi ko alam kung awa, guilt, o curiosity 'yung nakita ko sa mga mata niya. Pero isa lang ang naisip ko sa gabing 'yon:
Balang araw... ako naman ang hindi kikilala sa inyo.
Ako naman ang lilingunin niyo.
At si Lyka... siya ang magiging susi sa pagbagsak n'yo.
*****************************
Lyka's POV
Hindi ko alam kung bakit, pero simula nung araw na 'yon sa hallway... parang may nagbago.
Hindi lang dahil hindi niya ako pinansin.
Iba.
May malamig na espasyong biglang tumayo sa pagitan namin—at kahit punô ng tao ang paligid, ramdam kong ako lang ang nilalamig.
Si Aiden... hindi na siya 'yung Aiden na dati, kahit nakakainis, palaging andiyan. Yung tipong laging may sarcastic na comment. Yung laging nanunukso. Yung kahit mayabang, hindi mo maiiwasang mapangiti sa mga banat niya.
Ngayon?
Tahimik siya. Malayo. Hindi umiimik kapag andiyan ako.
Ni hindi na tumitingin.
Bakit ganon?
Anong nangyari?
Sa group recitation kanina, tinawag siya ni Prof. Velarde. Dati, kahit hindi siya tinatanong, sisingit pa siya. Pero ngayon? Seryoso ang mukha niya. Pormal ang tono. Wala ni isang sulyap sa direksyon ko.
At habang nagdi-discuss siya ng legal ethics, ako? Hindi ko na maintindihan ang kahit isang salita.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi dahil sa kinikilig ako.
Kundi dahil sa kaba. Sa lungkot. Sa tanong na umiikot sa isip ko:
May nagawa ba akong mali?
Sa canteen, dumeretso siya sa kabilang table. Sa library, lumalayo siya kahit may bakanteng seat sa tabi ko. Kahit sa group chat, one-word replies na lang.
Cold.
Distant.
Stranger.
Hindi ko siya maintindihan.
Pero ang mas hindi ko maintindihan... ay kung bakit ang sakit.
Akala ko kaya ko. Akala ko wala lang siya sa akin. Pero bakit ganito?
Gusto kong kausapin siya.
Gusto kong tanungin kung may nagawa ako.
Gusto kong sigawan siya: "Ano bang problema mo sa'kin?"
Pero hindi ko magawa.
Kasi... natatakot akong baka hindi ko magustuhan ang sagot.
Lyka's POV
Hindi ko na kaya.
Tatlong araw ko siyang pinapansin. Tatlong araw ko siyang pinipilit ngitian. Tatlong araw ko siyang sinusulyapan, nagbabakasakaling sumulyap din siya pabalik.
Pero wala.
Ni isang titig, wala.
Ni isang ngiti, wala.
Ni isang "hi," wala.
At ngayon, nakita ko siyang mag-isa sa garden area sa likod ng Law Building. Nakaupo sa bench, hawak ang notebook, pero hindi nagsusulat. Tila malayo ang tingin. Tuluyan nang napuno ang dibdib ko.
Nilapitan ko siya.
"Hey."
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Walang emosyon. Walang effort. Walang kahit ano. Hindi ko alam kung anong mas masakit—'yung hindi niya ako pinapansin dati o 'yung ganito... na parang hindi niya ako kilala.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko, pilit na kalmado ang boses.
Hindi siya sumagot agad. Pero tumayo siya. "Ano 'yon?" malamig na tanong.
Huminga ako nang malalim. "Aiden... may problema ba tayo?"
Tahimik.
"May nagawa ba ako?" tanong ko ulit, halos pabulong. "Kasi kung meron man, gusto kong malaman. Kasi siyepmpre magkaklase tayo. I just... I just don't get it. You've been cold."
Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang takas.
"Wala."
Yun lang. Wala.
Pero ramdam kong may laman 'yung salitang 'yon. At lalong masakit dahil hindi niya man lang sinubukang magsinungaling ng maayos.
Sinundan na lamang niya si Aiden na palayo.