Banggaan ng Puso at Paninindigan
Lyka's POV
Kakatapos lang ng klase nang magsalita si Mrs. Cruz.
"Class, I have good news for you," nakangiting anunsiyo niya. "You have an opportunity. If you want to learn more about the law, you can join under Mr. Crizano and his mentor, Senator Fernan. Siyempre, tutulong na rin ako. Mr. Crizano will explain later when you go to the base."
Napatingin ako kay Jean. Pareho kaming may tanong sa isip.
Paano na 'yung organization na tinayo ko? Mawawala na lang ba lahat ng pinaghirapan ko? Lalo pa kung si Alden Crizano na mismo ang hahawak nito, at may backup pang isang senador?
Nagtagpo ang mga mata namin ni Aiden. Matiim ang titig niya, pero ako ang unang umiwas.
Simula nang naging cold siya sa akin nung huli naming pag-uusap, hindi na rin siya bumati. Ako rin. Wala na rin akong balak makipag-plastikan pa.
Tumayo ako at sinundan si Mrs. Cruz.
"Ma'am, paano po 'yung organization na tinayo ko?" tanong ko agad.
Saglit niya akong tiningnan bago ako hinawakan sa braso.
"Oo nga pala. You have to talk to Mr. Crizano regarding that. Sige, we'll talk some other time," paalam niya sabay talikod.
Napasunod na lang ako ng tingin habang papalayo siya. Napabuntong-hininga ako at tahimik na bumalik sa upuan ko.
"Anong sabi ni Ma'am?" tanong ni Jean, halatang nag-aalala.
Umismid ako. "Makipag-ugnayan daw ako sa mayabang na lalaking 'yon."
"Eh, hindi na nga kayo nag-uusap, 'di ba? Ano ba kasi'ng nangyari?" usisa ni Jean.
Nagkibit-balikat ako. "Wala naman. Bigla na lang siyang naging cold."
Tahimik kaming pareho hanggang dumating na ang susunod na professor.
Sa Base
Pagdating ko sa base, nasalubong agad ako ni Tom.
"Lyka, andito pala ang base nila Aiden. Grabe sa loob, nagkakagulo. Lahat gustong sumali sa organization niya."
Napakunot noo ako.
Talagang nanadya ang lalaking 'yon!
Dali-dali akong pumasok sa loob. Halos hingal ako sa inis.
Nandoon siya, confident na naka-upo sa gitna ng maraming estudyanteng tila aliw na aliw sa kanya.
Tumayo ako sa harap niya.
"Ms. President," nakangising sabi niya, may pilyong tono sa boses, "can you get the form for me?"
Napasingkit ang mga mata ko.
"How dare you na angkinin mo ang base na 'to! Kung gusto mong magtayo ng organization mo, sa ibang lugar ka na lang!" pasinghal kong sagot.
Relax lang ang mukha niya. "Well, Mr. Quintos approached me about this. Sabi niya, I can use this base. Since ito raw ang pinakamaganda sa buong campus."
Napatawa ako. Sarcastic. "Of course! Two years ko 'tong inalagaan. Parents ko pa ang tumulong para mapagawa ito. Tapos ngayon, basta mo na lang kukunin?"
Bigla siyang naningkit ng mata nang marinig ang tungkol sa parents ko.
"Well, the school decided, not me. Kung gusto niyong i-disband ang group niyo, then you can join my organization. Marami kayong matututunan. And tell your parents... thank you."
Nag-init ang tenga ko. "Hindi porke't matalino ka, kaya mo nang mang-apak ng tao. Wala ka pang napapatunayan."
Pagkasabi ko nun, tumalikod na ako. Galit na galit ako. Ang yabang ng payatot na 'to!
Aiden's POV
Tinitigan ko ang likod ni Lyka habang palayo siya.
Galit na galit. Nakita ko sa mga mata niya. Pero sa totoo lang... hindi ko alam kung dahil lang 'yon sa base o dahil sa akin mismo.
I clenched my jaw.
She hates me now. And maybe... she should.
"Crizano, eto na po yung forms," sabi ni Tom, nilapag sa mesa.
Hindi ko siya pinansin agad. Tumayo ako, dahan-dahang lumapit sa gilid ng bintana.
From here, kita ko pa rin si Lyka sa labas. Naglalakad papalayo, hawak ang mga papel niya, pero halatang nanginginig ang balikat.
Hindi ko alam kung naiiyak siya, o galit lang talaga.
Bakit kasi kailangan ko pang tanggapin 'tong project na 'to?
Napa-buntonghininga ako. Because this is part of the plan. Because I don't have the luxury to be soft. Because... Senator Fernan is watching me.
Nag-ring ang phone ko.
"Crizano, I heard about the base. Good move," boses ni Senator Fernan sa kabilang linya. "Keep that fire alive. That girl... she's strong. But don't let her get in your way."
Napatingin ulit ako sa labas. Strong? She's more than that.
Pero hindi ko 'yon sinabi.
"Yes, sir," sagot ko, malamig ang boses.
Pagkababa ng tawag, tahimik ako sandali. Then I whispered to myself
"This is just the beginning, Lyka."
Back to Lyka's POV
Paglabas ko ng base, napahinto ako sa tabi ng hallway.
Hindi ako iiyak. Hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na makita akong mahina.
Pero bakit ganun? Parang kahit gaano ko siya kamuhian... ang sakit pa rin.
Nag-vibrate ang phone ko. Si Jean.
"Lyka, are you okay?"
I typed fast.
"Hindi. Pero lalaban ako."
Lyka's POV
Gabing-gabi na, pero hindi ako mapakali. Ramdam ko pa rin ang init ng ulo ko mula sa nangyari kanina.
Hindi ko kayang palampasin. Hindi ako papayag na basta na lang kunin ni Aiden Crizano ang base't organisasyong pinaghirapan ko.
Kaya bumalik ako. Sa base. Tahimik na ang campus, pero bukas pa rin ang ilaw sa loob.
Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya. Mag-isa. Nakaupo, tila kalmado, hawak ang laptop niya.
Napatingin siya sa akin.
"Late ka na. Baka delikado," malamig niyang sabi, pero hindi ako umatras.
Pumasok ako nang walang paalam. "Let's talk. Diretsohan."
Tahimik siyang tumayo at humarap sa akin.
"Go ahead."
"Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko. "You know this base is for my organization. Ilang taon ko 'tong inalagaan."
"Alam ko," sagot niya, seryoso. "Pero hindi ako ang nagdesisyon. The school gave me permission."
"Pero tinanggap mo."
Nagkatinginan kami. Matagal. Walang gustong mauna sa bitaw.
"I accepted it because I was told to. Hindi ko na kailangang ipaliwanag 'yon sa'yo," malamig niyang tugon.
Umusok ang ilong ko sa inis. "Ganun ka na lang ba? Kung ano lang sabihin, susunod ka? Wala kang paninindigan?"
Naningkit ang mga mata niya. "Huwag mong idikta kung ano ang paninindigan ko, Lyka. You don't know me."
"Oh, I don't?" sarkastiko kong tugon. "You're the guy who walks around acting like he's untouchable, just because may senator kang backer."
Napangisi siya, pero hindi masaya ang ngiting 'yon.
"Alam mo kung anong problema mo? You think everything revolves around you. Na porket ikaw ang 'Ms. President' at palaging top, lahat ng gusto mo, sayo lang."
Napaatras ako, hindi sa takot, kundi sa gulat. "I worked hard for this, Crizano. Hindi ko 'to nakuha dahil kilala ako o may koneksyon. Pinaghirapan ko 'to. At ikaw? Niluto na lahat para sa'yo."
"Kung sa tingin mo gano'n kadali ang lahat sa akin, then maybe you're not as observant as people say," mahinahon pero matalim niyang sagot.
Napabuntonghininga ako. "So what now? Kukunin mo talaga ang base? Sisirain mo ang org na pinaghirapan ko?"
"Hindi ko intensyong sirain ang kahit na ano," ani Aiden, mas malumanay na ngayon. "But I won't back down either. May mission akong kailangang tapusin."
Nagkatinginan ulit kami. Sobrang lapit. Mata sa mata. Parehong hindi bumibitaw.
"You're in my way, Crizano."
"So are you, De Vera."
Tahimik. Mabigat ang hangin.
At pareho kaming lumakad palayo sa isa't isa.
This is war.
Lyka's POV
Pagkauwi ko sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko. Hinubad ko lang ang heels ko at dumiretso sa kama. Napapikit ako saglit, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha.
Hindi ako iiyak. Hindi dahil sa kanya. Hindi dahil sa ginawa niya.
Pero ang totoo, hindi lang galit ang nararamdaman ko. Frustration. Lungkot. At... parang pagtataksil.
Wala pang ilang minuto, may kumatok sa pinto.
"Anak?" boses ni Mama, mahina. "Kumain ka na ba?"
"Later po," sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko.
Pero binuksan pa rin niya ang pinto. Sumilip siya, may dalang tray ng pagkain.
"Lyka, you don't look okay," sabi niya, sabay lapag sa tray sa bedside table. "Something happened?"
Saglit akong tumahimik. Pero hindi ko na rin kinaya.
"Ma, kinuha nila ang base namin."
Napakunot ang noo niya. "Sinong 'nila'?"
"Yung bagong transfer na student leader. Si Aiden Crizano. Anak-anakan daw ng Senator. Pinayagan daw ng school gamitin yung base namin para sa org nila."
Pumasok na rin si Papa, hawak ang reading glasses niya, mukhang kagagaling lang sa pagbabasa ng journal.
"Wait—Crizano? Fernan ang mentor?" tanong niya.
Tumango ako.
Nagkatinginan si Mama at Papa. Kita ko agad 'yung pagbabago sa expressions nila. Hindi na ako nagulat. Matagal na naming kilala ang pangalan ng Senator Fernan sa mundo ng public health law and politics.
"Anak, baka naman opportunity 'yan to work with bigger people," sabi ni Papa, mahinahon pero may bigat. "Hindi lahat nabibigyan ng chance makasabay sa mga taong gaya ni Fernan."
Napahigpit ang hawak ko sa unan.
"So I should just let them take everything I built? Just because sikat sila? Just because may koneksyon?"
"Lyka," ani Mama, lumapit sa akin, "I know how much that org means to you. Pero kung totoo ngang may involvement diyan ang Senator, maybe it's time to think long-term. You're not just a student. You're a future lawyer. Learn how to adapt."
Natahimik ako.
Adapt?
"Hindi niyo alam kung gaano ka-arogante 'yung Aiden na 'yon," bulong ko. "Wala siyang pakialam sa mga pinaghirapan ng iba."
"Then prove you're better," ani Papa, diretso. "Hindi sa sigawan. Sa diskarte. Let your work speak for itself. Hindi lahat ng laban dinadaan sa tapang. Iba sa talino."
Muling bumigat ang dibdib ko. Alam kong may punto sila. Pero ang hirap pa rin.
"Hindi ko siya kayang pagbigyan, Ma. Pa. Hindi ngayon."
Tahimik silang dalawa. Pero may halong pag-unawa sa mga mata nila.
"We trust you," sabi ni Mama. "Just don't forget why you started this in the first place."
Tumango ako, kahit sobrang bigat pa ng dibdib ko.
Hindi ako susuko. Hindi ngayon. Hindi sa kanya.
Lyka's POV
Hindi ko alam kung sino ang nag-decide na okay lang na mag-share kami ni Aiden ng base. Pero ngayon, nandito kami, sa iisang silid, araw-araw, pareho ang oras ng meeting, pero magkaiba ng mundo.
Sa kanan ng base, naka-set up ang org ko, The Future Legal Advocates. Puro mga senior students, seryoso at dedicated. Tahimik pero palaban.
Sa kaliwa naman, ang kay Aiden, The Reform Circle, sponsored by no less than Senator Fernan himself. Puro bago, puro mayayabang, puro nagpapakitang-gilas.
At sa gitna?
Kami.
Ako.
Siya.
Parehong ayaw magbigay-daan.
"Excuse me, Lyka," sabay lapit ni Aiden, hawak ang ilang papel. "May meeting kami mamaya. Kailangan namin gamitin yung projector at whiteboard."
Hindi ako tumingin sa kanya. "Sorry. Na-book na 'yan ng team ko. 3 to 5 PM."
"So magka-overlap tayo?" malamig ang boses niya, pero may bahid ng inis.
"Hindi ko problema 'yan," sagot ko, sabay tingin sa kanya. "Unahan ang booking, remember?"
Napasinghap si Jean sa gilid ko. Pero hindi na ako nagpigil.
"Ano ba talaga gusto mo, Aiden? Kunin lahat ng gamit dito? Bakit hindi ka na lang magpagawa ng sarili mong base? Kaya naman siguro ng sponsor mo, 'di ba?"
Tumikhim siya, pero hindi agad sumagot. Tumitig muna siya sa akin.
That stare again.
Not angry. Not amused. Just... reading me.
"I don't need to prove anything, Lyka," sagot niya, kalmado. "And you know that's what scares you."
Nanlaki ang mata ko. What?
"Excuse me?" matalim kong tanong.
"Relax. Hindi ko intensyong patulan ka ngayon," ani Aiden, sabay talikod. "May meeting pa ako. Try not to sabotage the projector, okay?"
Argh!
"LYKA," bulong ni Jean, hinila ang braso ko. "Wag mong patulan."
Pero paano ko siya hindi papatulan kung araw-araw kaming nagkakabanggaan?
Every time I enter the base, he's there, calm, confident, and always five steps ahead.
Pero hindi ako magpapaapak.
This base may be shared, pero this war?