Chapter 5

1989 Words
University Project Pitch Day Joint Law-Political Science Forum Theme: Legal Reform and Civic Engagement Maagang dumating ang team namin. Nakasuot kami ng navy blazers with our org logo—Future Legal Advocates. I made sure every document, every slide, every word was airtight. This wasn't just a pitch. This was war. Pagpasok pa lang namin sa auditorium, nandoon na sila. Ang The Reform Circle. At, siyempre, nandoon siya. Aiden Crizano. Naka-black blazer. Walang logo. Walang papansin. Pero pansin siya ng lahat. Tahimik siyang tumango sa'kin. Hindi ako ngumiti. Walang oras sa plastic ngayon. "Good morning, everyone," ani Dr. Quintos sa podium. "Today, we will hear two major proposals from two leading student organizations. The best one will be endorsed for regional implementation." Narinig ko ang mga teammates ko na huminga ng malalim. Kaming dalawa lang ang finalists. Kami lang ang natitirang contenders. At first, The Reform Circle went first. Aiden took the mic. "Good morning. I'm Aiden Crizano, representing The Reform Circle. Our proposal is called The Barangay Law Project, a grassroots movement bringing legal literacy to remote communities, in partnership with Senator Fernan's rural initiative." May slides. May graphs. May testimonies. At oo, may ganda ng PR. But when it was our turn, I walked up with fire in my chest. "Good morning. I'm Lyka De Vera from the Future Legal Advocates. Our project is called Youth Know Your Rights , a student-powered initiative to integrate legal awareness in senior high school curriculums. No sponsorships. Just students helping students." Tahimik ang buong hall. I could feel Aiden's eyes on me as I spoke. I looked straight at the judges. "This isn't about who we know. This is about who we empower." Pagkatapos ng presentation namin, maraming estudyante ang lumapit. May mga nagtanong. May mga nagsabi ng "Mas grounded 'yung sa inyo, Lyka." Pero sa gilid ng stage, nakita kong nakatayo si Aiden. Tahimik. Nag-aantay. Lumapit ako sa kanya. "Well," sabi ko. "Mukhang ngayon patas ang laban." Ngumiti siya ng konti. "You were impressive. Passionate. But still... idealistic." "Better than being a puppet," balik ko. Napailing siya. "You always assume the worst in me." "Because you never prove otherwise," sagot ko, sabay talikod. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pero ramdam ko, ang laban na 'to, malayo pa sa tapos. Dean's Office – Private Meeting: Mr. Quintos and Lyka Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Mr. Quintos na nagbabasa ng ilang documents sa mesa. Tinawag niya ako ngayong hapon. Wala pang detalye. Akala ko tungkol sa final judging pero iba ang pakiramdam ko. "I've been observing your organization for the past year," bungad niya habang nakayuko pa sa papel. "You've grown, matured. You're one of the most promising leaders I've seen in a long time, Lyka." Nagpasalamat ako, pero may kaba sa dibdib ko. Compliment before the bomb. Classic move. Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin nang diretso. "That's why I think it's time you learn outside your comfort zone." Napakunot noo ako. "Sir?" "I want you to consider joining Mr. Crizano's team." Nanigas ang katawan ko. "Sir... with all due respect, bakit po ako? Magkaiba kami ng pananaw. Magkaibang diskarte. We don't even work well together." "I know," sagot niya agad. "But that's exactly why I want you there." Napabuntonghininga siya bago nagsalita muli. "Lyka, you're passionate, driven, and sharp pero masyado kang idealistic minsan. You believe in justice, yes. But Aiden... he understands how power moves. You could learn from that." Mas lalong sumikip ang dibdib ko. "So you want me to be like him?" "No," aniya. "I want you to understand him. And maybe... understand what kind of leader you want to become one who fights, or one who builds." Napatingin ako sa bintana. So I'm not enough now? All the work I've done... still not enough? "I'm not asking you to give up your beliefs," dagdag niya. "But you have to be in rooms where things happen. Real things. And right now... Crizano's room is one of them." Tahimik akong tumayo. Hindi ko alam kung insulto ba 'yon o oportunidad. Pero ang sigurado ko: gusto nila akong ilagay sa team ng lalaking kinakatawan ang lahat ng iniiwasan ko. And maybe, just maybe... that's exactly why I should say yes. Late Afternoon Tahimik sa base. Ang ibang org members wala pa. Kami lang dalawa ni Aiden sa loob. As usual, siya 'yung nauna. Nakaupo, nagsusulat, parang laging may alam na hindi ko alam. Pero ngayon, ako ang may dalang plano. Lumapit ako sa table niya. Hindi ako nagpakita ng ngiti. Diretso, deretsahan. "Crizano," tawag ko. Lumingon siya, bahagyang nagtaas ng kilay. "Yes, Ms. President?" Huminga ako nang malalim. "Let's settle this. One final time." "Settle what, exactly?" kunwari pang clueless. "The base. The room. The right to lead from here," sagot ko, matatag. "You want control? Let's fight for it." Tumayo siya, hawak pa rin ang ballpen niya. "Interesting. Anong klaseng 'fight' ang gusto mo? Debate? Organization war?" "Midterm exam," sagot ko, without flinching. "We're both top students in our batch, right? Let the results decide. Kung sino ang mas mataas sa midterm, sa kanya ang base. Walang sponsor. Walang power plays. Just brains." Nagkatinginan kami. Matagal. Parehong walang gusto magpakita ng takot. Tumawa siya, mahina, pero hindi pang-aasar. Parang amused. "You're serious." "Dead serious." "Okay," sagot niya, unti-unting nawawala ang ngiti. "Pero kung ako ang manalo..." "Hindi mo lang makukuha ang base," dugtong ko. "I'll dissolve my org and join your team." "Bold," sagot niya. "And if you win?" "Then you move out. Buhayin mo ang org mo somewhere else. This base is mine." Tahimik. Mabigat ang hangin sa pagitan namin. Hinila niya ang upuan niya, umupo ulit, at tumingin sa akin. "Challenge accepted." Three Days Before Midterms Inside the Shared Base – Afternoon Tahimik sa loob ng base. Si Jean nasa library. Ang ibang org members ko, busy sa kanya-kanyang review. Kaya heto ako, mag-isa sa sulok, surrounded by books, reviewers, and printed case digests. Focus, Lyka. Ilang araw na lang. I scanned the page again. Constitutional Law. Due process. Equal protection. My brain was on overdrive, but I liked it that way. Studying gave me control. This was my battlefield. This is mine to win. Narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lumingon. Of course. Siya na naman. Aiden Crizano walked in like he owned the place. Hawak ang kape. Suot ang usual semi-formal outfit. Calm. Relaxed. Ang kapal ng mukha. Hindi siya nagsalita. Dumiretso siya sa kabilang side ng base. Pero habang binabasa ko ang notes ko... ramdam ko ang titig niya. Minsan hindi ko alam kung paranoid lang ako, o totoo. Pero ilang ulit na. Yung feeling na parang may mata sa likod mo. At nang lumingon ako... Ayun siya. Nakatingin nga. "May problema ka?" tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napangiwi siya. "Wala. Nagtataka lang ako kung paano mo kakayanin 'yang dami ng review mo kung halos buong araw ka sa base." Umirap ako. "Unlike others, I actually study." Lumapit siya. Sumandal sa isang mesa malapit sa akin. "Ibig mong sabihin hindi ako nag-aaral?" tanong niya, may ngiti pero may sundot. "I didn't say that," sagot ko, kalmado pero asar. "Pero kung guilty ka, eh, problema mo na 'yan." Tumawa siya. Mahina. Nakakainis. "You're too intense, De Vera. Don't burn yourself out before the war even begins." "Better than not showing up." "Pero ingat ka. Baka malunod ka sa sobrang caffeine at ambition." Sabay inom ng kape ni Aiden. Ngumiti ako, matamis pero may tinik. "Better than drowning in ego and privilege." Tahimik siya saglit. Parang nagulat. Then he smirked again. "I see. You've already written my biography." Nagbukas ako ng libro. "Ssshh. May pinag-aaralan ako. Don't distract me." He scoffed, but he backed off. Umupo sa kabilang mesa at kunwaring nagbasa rin. Pero pansin ko, tuwing tatahimik kami, may tingin siyang pasimple. And part of me hated that I noticed. And maybe... part of me didn't. ************ Hindi ko na alam kung ilang beses akong naputol sa pagbabasa. "Aiden, iced coffee mo po! May pa-extra pearls para sweet, like me!" "Teka, teka, may padala rin ako croissant with cheese! Favorite mo 'di ba?" "Kuya, baka gusto mo ng back massage? Joke lang... unless payag ka." Oh. My. God. Nagsusulputan ang mga babae mula sa team ni Aiden na parang may delivery service. One after another, may dalang pagkain, inumin, snack box, lahat may ngiti, lahat may kilig, lahat kay Aiden nakatingin. At ang binata? Tahimik lang. Nakaupo sa usual corner niya. Naka-headphones. Nakalaptop. Parang hindi naririnig ang kaguluhan. Pero ako? I'm going insane. Sino ba naman ang makakapag-focus sa CrimLaw kung may pa-Mr. Pogi Fan Club na nangyayari limang dangkal sa tabi mo? I slammed my book shut. Enough is enough. Tumayo ako at nilapitan si Aiden. "Hey," matalim kong bungad. Tinanggal niya ang earphones niya, kalmado pa rin ang mukha. "Yes, Ms. De Vera?" "Pwede ba?" sabay turo ko sa paligid. "This isn't a café. Baka nakakalimutan ng team mo na study base 'to, hindi milk tea hub." "Hmm," sagot niya, tumingin saglit sa paligid. "May pagkain nga. Pero tahimik naman sila." "Tahimik?" Umirap ako. "They've been squealing for the past thirty minutes! Halos mag-catwalk na 'yung isa! I can't even finish one page without someone saying 'Aiden this' and 'Aiden that!'" Napatingin siya sa akin. Neutral ang expression niya, pero alam kong may iniisip siya. "You're mad at them, not me," aniya. "I'm mad at the situation," mabilis kong sagot. "Pero ako yung sinugod mo," sabay angat niya ng kilay. I crossed my arms. "Kasi ikaw ang leader nila. Konting disiplina naman sana. Or at least... acknowledge that it's distracting." Tumahimik siya. Nagtagal ang tingin niya sa akin. Parang may binabasa sa mukha ko na ako lang ang hindi nakikita. Then—he smirked. Ayan na naman. "Or maybe..." bulong niya, "galit ka kasi... wala kang dalang milk tea para sa'kin?" "Excuse me?!" "Just a theory," sabay balik niya sa laptop niya. "Carry on, Ms. De Vera. Don't let your feelings disrupt your studying." Argh! Tumalikod ako, halos paapoy ang batok. Bastos. Mayabang. At bakit ang kapal ng mukha?! Pero kahit naglalakad ako pabalik sa mesa ko... May parte sa'kin na gusto siyang sabuyan ng kape. At may isang maliit na parte na... kinikilig. Langya. Later That Night Girls' Dorm – Lyka's Room Nakahiga ako sa kama, nakabukas ang law book pero hindi ko na ma-absorb kahit isang sentence. Criminal procedure who? Ang laman ng utak ko: " Aiden, gusto mo ng croissant?" Pweh. Pumasok si Jean, may dalang popcorn at mukhang good mood. "Oh. Ang Ms. President natin, nakatulala." "Stress lang," sagot ko agad. "Ang gulo kasi sa base. Puro pa-cute. Puro—ugh." Umupo siya sa tabi ko. "Ahhh. So yung 'puro pa-cute'... kay Aiden Crizano?" Tumingin ako sa kanya ng masama. "Don't." "Teka, bakit ka galit?" kinikilig na tanong niya. "Dahil makalat ang base, o dahil maraming nagpapakape sa boylet mo?" "JEAN!" Halakhak siya ng halakhak. "I knew it! Nagseselos ka!" "HINDI ako nagseselos. Naiinis ako dahil hindi ako makapag-concentrate. That's very different." "Sure, sure. Sige na. Hindi ka nagseselos. Gusto mo lang ng tahimik na base. At kung hindi si Aiden ang binibigyan ng milk tea kundi si... Roy from Engineering, wala kang pake." Natahimik ako saglit. Si Jean, nakatitig. Nanunukso. "Oh my god," bulong niya, "gusto mo si Aiden?" "NO!" "Ahuhhh." "HINDI KO SIYA GUSTO!" Hindi na siya huminto sa kakatawa. "Lyka... it's okay, you know. Kahit mortal enemies kayo sa base, I've seen how you look at him when he's not looking." Nagbuntonghininga ako. "...Okay, maybe mild annoyance. Not attraction." "Hmm. 'Mild annoyance' na may bonus tingling sa spine. Check." "Jean, I swear—" "Okay na, okay na! Hindi mo siya gusto. Pero... 'wag ka magulat pag isang araw, siya na 'yung nagdadala ng kape para sa'yo." Tahimik ako. Kasi ang totoo... Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nangyari 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD