Exam Results Day - University Bulletin Board
Late Morning
Lyka's POV
Siksikan sa hallway. Parang fiesta sa dami ng estudyanteng nag-aabang sa results. May tawanan, may nerbyos, may umiiyak na. Pero ako?
Tahimik lang.
Hawak ko ang folder ko. Tinakpan ko ang kamay ko para hindi nila makita na nanginginig ito.
This is it.
Jean squeezed my arm. "Kaya mo 'yan, Lyka. Kahit ano pa ang resulta... ikaw pa rin ang queen ko."
I smiled faintly. "Let's see if I still have a kingdom."
Bumukas ang pinto. Lumabas si Prof. Alvarez dala ang official list.
"Midterm Rankings - Major and Minor Subjects," sabi niya, sabay dikit sa board.
Lapit agad ang lahat.
Dahan-dahan akong lumapit. Iniiwasan ko ang sumiksik, pero ang puso ko, bumibilis ang t***k.
Hanggang sa makita ko:
TOP 1 - Aiden Crizano
(Major Subject - Constitutional Law, Criminal Law, Public International Law)
TOP 2 - Lyka De Vera
Sht.*
Huminga ako. Huminga ulit. Inangat ko ang tingin sa Minor Subject list.
TOP 1 - Lyka De Vera
(Minors - Legal Writing, Legal Ethics, Philippine History)
TOP 2 - Aiden Crizano
Tahimik ako.
Hindi ko alam kung proud ba ako o mas masakit dahil hindi sapat.
"Lyka," bulong ni Jean. "You still did amazing..."
"Yeah," I replied. "But we had a deal."
Later That Day - Inside the Shared Base
Tahimik sa loob.
Si Aiden, as usual, tahimik lang. Hawak ang lumang ballpen na kanina pa nilalaro sa kamay niya. Wala ni isang mayabang na salita galing sa kanya.
Lumapit ako.
"Congrats," bungad ko.
Tumingin siya sa'kin. "You too."
"I said... congrats," ulit ko. "You won the majors. Fair and square."
He looked like he wanted to say something, but he stayed silent.
"I'll talk to my team. We'll start moving out of the base tomorrow."
Napalunok siya. "You don't have to do that."
"That was the deal," sagot ko. "Win the midterm, take the base. I don't go back on my word."
Tumango siya. "But you won the minors. Hindi mo ba gusto i-argue 'yon?"
Ngumiti ako, matipid. "If I wanted to argue, I would've gone to law school to lose?"
He chuckled. Konti lang. "Fair point."
Tahimik kami sandali.
Then I said, "Take care of this place. Pinaghirapan ko 'to. Huwag mong hayaan maging tambayan lang ng milk tea girls."
"Understood," sagot niya, seryoso. "They've been banned already."
Ngumiti ako. "Good."
Tumalikod na ako, pero bago ako makalabas, nagsalita siya.
"Lyka."
Lumingon ako.
"You really are... someone I don't want to compete against again."
Napangiti ako. Mahina lang. Pero totoo.
"Then maybe... next time, we fight together."
Isang linggo na mula nang ibigay ko kay Aiden ang lugar na dalawang taon kong pinaghirapan.
Pinagawa. Pinaganda. Pinrotektahan.
At ngayon? Nandito ako sa third floor ng library. Shared study tables. Walang privacy. Maingay. Mabagal ang Wi-Fi.
Sarap palitan ng password 'yung base, 'wag lang nila mahanap ang router.
"Lyka, okay ka lang?" tanong ni Jean, binaba ang laptop niya sa harap ko.
"Okay lang," sagot ko. "Naninibago lang."
"Wanna talk about it?"
Umiling ako. "Walang dapat pag-usapan. Natalo ako. Tapos na."
Pero kahit sabihin ko 'yon, kahit ulit-ulitin ko sa sarili ko...
Bakit parang ang bigat pa rin?
Every corner of this library reminded me I'm not home.
Wala yung table ko sa sulok. Wala yung corkboard naming puno ng deadlines. Wala si Jean na laging may tsismis. Wala 'yung aircon na sira-sira pero mahal namin.
At oo,wala na rin ako sa base kung saan ko unang naniwalang kaya kong mag-lead.
"Bakit ba kasi ang tahimik mo lately?" asar na tanong ni Jean.
"Baka gusto ko lang ng peace of mind?"
"Or baka may isang payatot na lalaking na laging may hawak na lumang ballpen ang nami-miss mo?"
Tumaas ang kilay ko. "Stop."
"Fine," sabay ngiti niya. "Pero halata naman. I've seen the way you look at the base pag dumadaan tayo sa hallway. Para kang iniwan ng jowa."
"Hindi siya ang iniwan ko. Lugar lang."
"Sigurado ka bang lugar lang ang iniwan mo?"
Hindi ako sumagot.
Later That Afternoon - Passing by the Base
Papunta ako sa faculty office para mag-submit ng requirements. Dadaan ako malapit sa base. Pinilit kong huwag tumingin.
Pero mahirap.
Kasi nandoon siya.
Si Aiden. Nakaupo sa may pintuan ng base. Naka-laptop. Mag-isa. Tahimik.
No milk tea girls. No fan club.
Napansin niyang dumaan ako. Tumayo siya. Tumingin. Walang sinabi.
Ngumiti ako. Kaunti lang.
Tumango siya. Tumango rin ako.
At doon ko na-realize.
Maybe... losing the base wasn't the end.
Maybe, it's the start of something else.
Three Days Later - Lyka's Organization Room (now empty)
Late Afternoon
Lyka's POV
Nasa loob ako ng lumang org room namin. Wala nang gamit. Wala nang bulletin board. Wala na 'yung mga plants ni Jean. Parang multo na lang ng nakaraan ang naiwan dito.
Binuksan ko ang bintana. Tiningnan ang lumang view ng campus.
Tahimik.
Hanggang sa may kumatok.
Paglingon ko, si Aiden.
Of course.
Pumasok siya nang hindi ko pa siya inaanyayahan. Typical. Pero mukhang seryoso ngayon.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko, hindi pa rin humaharap ng buo.
"Hinahanap kita," sagot niya, diretso.
"Bakit?"
"Gusto kitang kausapin."
I faced him, arms crossed. "Okay. Talk."
Tahimik siya saglit. Tumingin sa paligid. "Ang lungkot pala dito kapag wala ka."
Napakunot noo ako. "Excuse me?"
"I mean the room. The org. The energy. Parang nawalan ng puso."
Napatawa ako, half bitter, half amused. "Wow. So now you miss me?"
He didn't smile. "Hindi 'yon ang point."
"Then ano?"
He stepped closer, calm as ever.
"Gusto kong bumalik ka sa base."
Natigilan ako.
"What?"
"Bumalik ka sa base, Lyka. Gamitin mo ang workspace mo. Kahit pa magkaiba ang org natin, welcome ka ro'n."
Nag-init ang tenga ko. "I don't need pity, Aiden."
"This isn't pity," sagot niya agad. "This is... strategy."
Napataas ang kilay ko. "Strategy?"
"Let's face it. We're better leaders when we're in the same room. Mas productive. Mas maingay. Mas... alive."
"Mas magulo," dagdag ko.
"Exactly," ngumiti siya nang bahagya. "And I kind of miss that chaos."
Tahimik ako. Tumingin sa kanya.
"What's the catch?"
He took a deep breath. "One condition."
Here it comes.
"Kung babalik ka sa base... I want you to lead one joint project with me."
"What kind of project?"
"Something big. For the university. For the law students. Hindi pa final. But I want it to be us. Co-leads."
"I thought you didn't like sharing."
"I don't," sagot niya. "But with you... I'll make the exception."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako, matutuwa, o mahuhulog.
"Think about it," dagdag niya. "The base isn't the same without you. And honestly... neither am I."
Umalis siya bago pa ako makasagot.
At ako?
Naiwan sa lumang kwarto...
...ngunit sa unang pagkakataon, parang may bagong simula.
Gabi.
Kanina pa ako pabalik-balik sa kama. Hindi talaga ako makatulog. Kasi naman, siya na naman ang laman ng isip ko.
Aiden.
Ano bang meron sa lalaking 'yon? Bakit ba hindi ko siya matanggal sa utak ko? Yung mga mata niya... ang lalim tumingin. Parang kaya niyang basahin 'yung mga iniisip ko. Tapos 'yung ngiti niya? Diyos ko, nakakaloko. Nakakainis.
Sabi niya may project daw kami na kailangan ng team, at gusto niya raw akong makasama. Gusto niya akong maka-trabaho. Bakit ako?
Napangiti ako ng bahagya.
Ano ba 'to, Lyka? Twenty-one na ako pero ngayon lang ako nagka-interest sa lalaki. Noon kasi, puro aral lang ang priority ko. Family, goals, future. Never talaga akong nag-entertain kahit na ang dami namang nanliligaw. Mga guwapo, matalino, pero wala, e. Wala akong naramdaman kahit kaunti.
Pero si Aiden... iba siya.
Iba kung tumingin. Iba kung ngumiti. Iba kung magsalita. Iba kung magpatahimik sa sistema ko.
Hay naku. Hindi puwede 'to.
Bukas, papayag na ako. Sasali na ako sa team niya. Para matapos na 'to. Para ma-distract na 'tong utak kong ewan.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako... pero kahit sa panaginip, nando'n pa rin siya.
Kinabukasan.
Maaga akong dumating sa campus. Ewan ko ba, parang excited, pero kabado rin. First meeting ng team, at oo... sasali na ako sa project nila Aiden.
Hindi dahil sa kanya, okay? Gusto ko lang ng experience. Academic reasons lang 'to.
Pagdating ko sa lounge, nando'n na siya. Nakaupo sa corner table, tahimik, may sinusulat sa notebook habang nilalaro ng isang kamay ang isang lumang ballpen. Kahit medyo madilim ang print at gasgas na yung barrel, parang favorite niya talaga. Kanina ko pa siya pinapanood, hindi niya pa rin binibitawan.
"Hi," bati ko habang umupo sa harap niya.
Tumingin siya saglit, tumango. "Buti dumating ka. Kumpleto na tayo."
"Hmm. Akala ko nga hindi mo na ako tatanggapin, kasi ang tagal kong nag-decide," sabi ko, parang pabiro pero may halong kaba.
Pinatigil niya sandali ang pagikot ng ballpen at tiningnan ako. "Wala namang expiration yung offer."
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may bigat yung simpleng sagot na 'yon.
"By the way," nilapit niya yung folder sa akin, "ito yung outline ng project. May mga part na bagay sa'yo, lalo na 'tong research section. Mukhang ikaw ang pinaka-meticulous sa batch natin."
"Talaga?" tanong ko, medyo nagulat. "Akala ko puro ka lang intimidating comments sa recitation."
Napangiti siya ng bahagya. Hindi 'yung tipong harap-harapang ngiti, 'yung konting angat lang ng labi pero sapat na para mapansin mong genuine.
"Observation lang. Hindi lahat ng comments meant to intimidate."
Bago pa ako makasagot, napansin ko ulit 'yung ballpen sa kamay niya.
"By the way, ano bang meron sa ballpen na 'yan? Kanina ka pa 'di mapakali. Special ba 'yan?"
Saglit siyang natigilan. Pinaglaruan ulit 'yung ballpen gamit ang hinlalaki at hintuturo, saka tumingin sa akin.
"Wala. Sanay lang akong may hawak habang nag-iisip."
Pero parang hindi lang 'yon ang totoo.
Hindi ako kumibo. Pero sa loob-loob ko... curious na ako.
At habang pinagmamasdan ko siya, 'yung seryosong expression, 'yung calm pero intense presence niya, hindi ko mapigilang tanungin sa sarili ko:
Ano bang kwento mo, Aiden Cruzado?