Story By Shai
author-avatar

Shai

ABOUTquote
Dream come true! Finally, published na ang books ko sa Dreame! From being a full-time housewife mom with psoriatic arthritis, sa araw-araw na paulit-ulit ang routine… ngayon, I found a new passion, WRITING. This is my fresh start, my new journey. Salamat sa lahat ng sumusuporta, this is just the beginning! #NewbieWriter #DreamComeTrue #MomWrites
bc
Debt of the Heart
Updated at Dec 16, 2025, 17:44
Ang pamilya ni Amara ay nalubog sa napakalaking pagkakautang sa makapangyarihang pamilya Marcellus, ang pamilyang pinamumunuan ng kinatatakutang mafia boss na si Rafael “El Viejo” Marcellus. Ngunit sa mismong kaarawan ng anak nito na si Damon Marcellus, isang arogante at malupit na binatang matagal nang nambubully kay Amara, isang hindi inaasahang “regalo” ang hiningi nito sa ama: si Amara mismo. Bilang kapalit ng utang, ipinasakamay siya kay Damon. Ngayon, kailangan ni Amara na humanap ng paraan upang makatakas mula sa anino ng pamilyang Marcellus, lalo na sa mga kamay ni Damon na tila may sariling intensyon sa kanya. Ngunit paano kung sa bawat tangkang pagtakas ay lalo lang siyang hinihila pabalik sa mundo ng mga Marcellus? At paano na ang relasyon niya kay Ethan, ang matagal na niyang nobyo, kung ang puso at kalayaan niya ay hawak na ng lalaking pinaka-kinamumuhian niya? Isang kuwento ng utang, kapangyarihan, at pag-ibig na hindi niya inakalang darating, dahil minsan, ang pinakamalaking panganib ay hindi ang mundo ng mafia… kundi ang pusong unti-unting bumibigay.
like
bc
The Governor’s Hidden Heart"
Updated at Oct 11, 2025, 21:26
Lumaki si Aiden Cruzado sa hirap at sakit ng loob, Lalong-lalo na nang makulong ang ama niya dahil sa isang krimeng hindi nito ginawa. Wala silang laban noon, lalo pa’t ang makapangyarihang pamilyang De Vera ang nasa likod ng kaso. Taon ang lumipas. Si Aiden, na dating binansagang anak ng magnanakaw, ay isa nang respetadong abogado at ngayon ay Governor ng probinsya. At sa kanyang pagbabalik, may isang bagay siyang baon: paghihiganti. Pero hindi niya inaasahan na sa puso ng kalaban, matatagpuan niya si Lyka De Vera, ang maganda, matalino, at mapagkumbabang anak ng taong sumira sa buhay nila.Handa na siyang gumanti… Pero paano kung ang babaeng dapat niyang gamitin ay siya ring matutunang mahalin? Isang kwento ng paghihiganti, kapatawaran, at pag-ibig sa gitna ng nakaraan.
like
bc
KAHIT SANDALI, MAHAL KITA
Updated at Dec 17, 2025, 04:11
Niloko ng fiancé niya si Talia Benitez, kaya isang gabi ay nagpakalunod siya sa alak sa isang bar—desperadong kalimutan ang sakit. Doon niya nakilala ang isang misteryosong lalaki na inakala niyang bayarang lalaki. Sa kagustuhang tumakas sa realidad, inalok niya itong paligayahin siya… kahit isang gabi lang. Hindi niya alam na ang estrangherong ito ay si Kael Rivas, isang CEO, makapangyarihan, nakakatakot, at ubod ng yaman. At ang gabing inaakala ni Talia na panandalian lang… ay ang gabing hindi niya na mababawi. Dahil kay Kael, hindi iyon basta “one night.” Para sa kanya, iyon ay simula. At ngayon, ayaw na siyang pakawalan ni Kael. Gusto siyang angkinin, protektahan—at gawing asawa, kahit ayaw pa sa simula ni Talia. Pero paano kung ang lalaking akala niyang bayarang lalaki ay isa palang hari sa mundong puno ng panganib, kapangyarihan, at sikreto? Kaya ba niyang tumakas? O tuluyan na siyang mahuhulog sa braso ng Mafia King na handang gawin ang lahat… para maging kanya?
like
bc
Lights, Camera, LOVE
Updated at Dec 14, 2025, 06:40
Gwapo. Sikat. Playboy. ’Yan ang tatak ni Drew Morales, ang matinee idol na kayang paibigin ang kahit sinong babae, maliban kay Almira, isang nurse na ayaw sa mga lalaking puro panlabas lang ang pagmamahal. Pero nang makita ni Drew ang diary ni Almira, natuklasan niya ang kwento ng isang babaeng nasaktan nang paulit-ulit, pero marunong pa ring ngumiti. At doon nagsimula ang pagbabago. Handa siyang ipaglaban ang pag-ibig, kahit sa simula pa lang, talo na siya sa paningin ni Almira. Kaya bang baguhin ng isang playboy ang imahe niya… kung ang gusto lang niyang mapatunayan ay totoo ang puso niyang nagmamahal?
like
bc
Stronger than Yesterday
Updated at Nov 19, 2025, 16:59
Iniwan si Belle ng kanyang asawa dahil daw wala siyang ambisyon. Para kay Randy, isa lang siyang simpleng maybahay na walang mararating, kahit buong puso niyang inalagaan ang pamilya. Matapos ang masakit na hiwalayan, natuto siyang tumayo sa sariling paa. Nagsimula siya bilang isang kusinera sa maliit na restaurant, hanggang sa matuklasan ng isang sikat na CEO na mahilig sa masasarap na pagkain ang kanyang talento. Sa tulong nito, unti-unting umangat si Belle at naging isa sa pinakakilalang chef sa buong Pilipinas. Ngunit sa rurok ng kanyang tagumpay, muling nagbalik si Randy, dala ang mga pangakong itatama raw niya ang lahat ng pagkakamali. Sa hindi kalayuan, naroon ang lalaking tunay na nagtiwala at nagmahal sa kanya mula umpisa. Tinitigan ni Belle ang lalaking minsang nagdurog sa puso niya at marahang bumulong: “Ngayon mo ako mahal… pero tandaan mo, mas mahal ko ang sarili ko.”
like
bc
Secret Love
Updated at Aug 30, 2025, 07:26
Isang simpleng probinsyanang babae si Carmen na nagsumikap makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang makilala niya si Tristan. Sa una, pilit niyang inilalayo ang sarili dahil ayaw niyang ma-involve sa kahit sinong lalaki. Pero dahil sa pagiging masiyahin at mapilit ni Tristan na parang lagi na lang nasa tabi niya, tila isang life saver unti-unti rin niya itong pinagkatiwalaan. Ang tanong: mapagkakatiwalaan ba talaga si Tristan, o siya rin ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mga pangarap ni Carmen?
like