Mag-iisang buwan na rin si Lyka sa bahay ni Aiden. Unti-unti na niyang nasasanay ang pamumuhay doon, pero ang hirap pala kapag wala kang maalala tungkol sa sarili mo. “Bakit ba kasi ayaw nila sabihin kung sino pamilya ko?” bulong niya sa sarili. “Ang lagi na lang nilang sinasabi, mistress daw ako ni Aiden. Like, excuse me? Paano ako magiging kabit kung wala namang asawa si Aiden?!” Napabuntonghininga siya. Kung lalabas siya, saan naman siya pupunta? Wala siyang matandaan, wala siyang mapuntahan. Kaya ang ending, naglakad siya papunta sa garden para magpahangin. Umupo siya sa veranda at tumingin sa langit. Ang daming bituin, ang peaceful ng gabi, parang gusto na lang niyang maiyak. “Bakit gising ka pa?” biglang boses na nagpagulat sa kanya. Paglingon niya, si Aiden at ayun, tumabi pa ta

