Hindi na napigilan ni Lyka ang sarili. Sa sobrang galit at determinasyon, dumiretso siya sa opisina ni Aiden. Kahit anong pigil ni Rochelle, ang sekretarya nito, tuloy-tuloy siya hanggang sa pintuan ng opisina. “Miss Lyka, bawal kang pumasok nang walang appointment!” pigil ni Rochelle. Pero hindi siya nagpatinag. Buong lakas niyang itinulak ang pinto at agad na tumambad sa kanya si Aiden, nakaupo, komportable sa swivel chair, at parang kanina pa siya hinihintay. “Lyka,” malamig na ngiti nito. “Hindi ka talaga marunong sumunod. Pero inaamin ko, gusto ko ’yan… kasi mas masarap ang laban kapag desperado ka.” Madiin ang mga hakbang ni Lyka. “Hindi ako pupunta rito para makipaglaban ng salita. Gusto ko lang ipaalala sa’yo—may araw ka rin, Aiden. Hindi mo kayang kontrolin ang lahat.” Tumawa

