"Gusto kong makita ang mga magulang ko, Aiden." Mahina pero mariing sabi ni Lyka. "Alam ko may galit ka sa kanila... hindi kita masisisi. Pero hindi puwedeng ilayo mo ako sa kanila. Magulang ko pa rin sila kahit na... kahit na wala akong maalala tungkol sa kanila." Tahimik lang si Aiden sandali bago tumango. "Sige, dadalhin kita sa kanila. Pero, Lyka..." tumitig siya sa mga mata nito, seryoso. "Ang mga magulang mo, nasa malayong lugar ngayon. Nagtago muna sila dahil may nagtangka sa buhay ng Daddy mo. Hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung sino ang may pakana. Kaya kailangan nating mag-ingat. Isa pa... kaya kita hindi sinabihan agad kung sino ka talaga, dahil natakot ako na... na baka tumakas ka." Napakunot ang noo ni Lyka. "Bakit naman ako tatakas?" Huminga nang malalim si Aiden, ha

