Mabilis ang takbo ng kotse. Hindi ko na alam kung saan kami dinadala ni Aiden. Ang dibdib ko, halos mabasag sa kaba. Hawak-hawak ko ang tiyan ko, parang instinct na protektahan ang maliit na sikreto sa loob ko. “Lyka,” basag ang katahimikan sa tinig ni Aiden, pero matatag. “Huwag ka nang matakot. Simula ngayon, wala nang makakakuha sa’yo. Lalo na ang ama mo.” Napalunok ako, hindi makatingin sa kanya. “Aiden… paano kung mahuli tayo? Paano kung malaman ni Papa kung nasaan tayo?” Ngumiti siya ng mapait, isang ngiting hindi ko na alam kung para sa akin o laban kay Papa. “Hindi niya tayo mahahanap. May pupuntahan tayong ligtas. Lugar na kahit si Dr. De Vera, hindi kayang pasukin.” Ilang oras pa ang biyahe bago kami huminto sa isang maliit na bayan sa labas ng Maynila. Doon niya ako dinala s

