Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa ospital na si Lyka. Hawak niya ang mga papeles ng abogado, kausap ang doktor tungkol sa kondisyon ng ama. Pilit niyang iniipit ang kaba at pagod sa dibdib, pero halata pa rin ang bigat ng iniisip niya. Paglabas niya ng opisina ng doktor, halos mabitawan niya ang hawak na folder nang makita kung sino ang nakatayo sa hallway. Si Aiden. Nakapamulsa ito, nakasuot ng mamahaling suit, at para bang siya ang may-ari ng buong ospital. Naka-ngiti, pero may kung anong lungkot sa mga mata na agad niyang napansin kahit pilit nitong itinatago. “Ano’ng ginagawa mo rito?” matalim na tanong ni Lyka, agad na tumaas ang boses niya. “Relax, Lyka,” malamig na sagot ni Aiden, pero hindi nawala ang titig nito sa kanya. “Hindi ba’t dito ka madalas ngayon? Hindi ba’t dito na

