Kahit wala siyang maalala, ramdam pa rin ni Lyka ang kirot sa mga nangyari sa kanila ni Aiden. “Hindi ko matandaan kung ano talaga ang nangyari sa atin… pero nasasaktan ako. Hindi ko alam.” Mahina niyang sambit, halos pabulong. Parang may parte ng puso niya na pilit kumakawala sa dibdib. Hinawakan siya ni Aiden sa balikat, mariin ang titig. “Lyka, patawarin mo ako. Nadamay ka sa galit ko sa mga magulang mo.” Huminto siya, parang nilulunok ang sariling pride. “Pero sa huli… ako rin ang nasaktan.” Nanatiling tahimik si Lyka, pero nanginginig ang labi niya. “Ikuwento mo sa akin ang nangyari. Kahit may amnesia ako, kahit masakit—gusto ko pa ring marinig.” Halos namamaos na ang boses niya, pero puno ng determinasyon. Huminga nang malalim si Aiden, para bang dinudurog ang dibdib bago magsali

