Maaga pa lang ay nagising na si Lyka. Ramdam niya ang bigat ng ulo niya, parang hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pagbaba niya sa dining area, andun na si Aira at Archie, parehong masaya ang itsura habang nag-aalmusal. Napahinto si Lyka sa may pinto ng dining room. Halos gusto niyang bumalik sa kwarto, pero nauna nang nagsalita si Aira. “Oh, good morning!” nakangiting bati ni Aira, sabay kindat kay Archie. “Siya ba?” bulong nito sa kuya niya na medyo narinig pa rin ni Lyka. “Oo, siya nga,” sagot ni Archie na hindi maitago ang pilyong ngiti. Umupo si Lyka sa dulo ng mesa, halatang naiilang. “Uh… good morning,” mahina niyang bati. “Good morning, ate-mistress!” malanding biro ni Aira, sabay tawa. Halos masamid si Lyka sa kape na iniabot sa kanya ni Aling Trishia. “E-excuse me?

