Nang matapos ang kasiyahan at nagsialisan na ang mga bisita, agad nagpatawag ng meeting si Aiden sa mansyon. Nasa sala na ang lahat, ang dalawa niyang kapatid na sina Archie (24) at Aira (21), si Aling Trishia na mayordoma, si Aling Helen ang kusinera, at ang apat na tagalinis na halos ka-edad lang ni Archie: Angela, Aireen, Joana, at Aileen. Naroon din si Mang Romy ang kanilang driver, at ang dalawang utility boy na sina Ariel at Tupe. Kasama rin ang kanang kamay niyang si Noel, pati ang dalawang alalay nito na sina Bing, Danny, at Roger. Huminga muna nang malalim si Aiden bago nagsalita, seryoso ang mukha. “Nasa akin si Lyka,” aniya. “Kapag nagtanong siya, sabihin niyo mistress ko siya.” Napataas ang kilay ni Aira at napairap. “Kuya naman, wala ka pa ngang asawa, dapat live-in na lan

