Kinabukasan pumasok na si opisina si Aldrin, hindi niya alam kung pumasok na si Redford, maya maya ay pumasok ang secretary niya
"Sir, si Mam Patricia po gusto raw po kayong makausap"
"Patricia?"
"Opo, yung wife po ni Sir Redford"
"Ah sige papasukin mo"
"Okay po Sir" at saka lumabas ang secretary, ilang saglit lang ay nasa harapan na niya si Patricia, balot na balot ang mukha nito, napakunot ng noo si Aldrin
"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito, tinanggal ni Patricia ang balot sa mukha at nagulat si Aldrin nang makita ang mga pasa nito "Anong nangyari?"
Biglang humagulgol si Patricia "Si Redford sinaktan nanaman ako kagabi"
Napatayo si Aldrin at tumayo sa harapan ni Patricia "Bakit? At saka lagi ka bang sinasaktan ni Tito?"
"Hindi kasi siya kinausap ni Mr. Vargas, umuwi siya ng lasing kagabi at sa akin niya binunton ang galit niya" patuloy na iyak nito "Takot na takot ako Aldrin, sinakal niya pa ako, talagang papatayin niya ako kagabi"
"Anong sabi ni Lola?"
"Wala siyang alam Aldrin, gusto kong humingi ng tulong kay mama pero natatakot ako, baka saktan rin siya ni Redford, iba ang ugali ni Redford lalo pag nalalasing, wala siyang sinisino Aldrin, okay lang ako ang saktan niya, kaya lang paano si mama kung nagsumbong ako? Hindi ko alam ang pwedeng mangyari"
"Andyan ba siya? Pumasok siya?"
"Hindi Aldrin, depressed siya sa nangyari kahapon, umalis ako sa mansion na tulog pa siya, hindi ko na siya ginising, natakot ako kasi baka saktan nanaman niya ako at baka marinig na ni mama"
"Lagi ba niyang ginagawa sayo yun?"
"Oo kahit nung nasa New York pa kami, kapag natatalo siya sa sugal, sinasaktan niya ako madalas"
"Bakit ka nagtitiis?"
"Kasi wala namang ibang tutulong sa akin sa New York, wala akong kaibigan na matatakbuhan, ayaw niya akong palabasin, trabaho bahay lang ang routine ko"
"Mabuti pa magsabi ka kay Lola, sigurado ako makakatulong siya"
Biglang yumakap si Patricia kay Aldrin "Ayoko" iyak na ani nito "Natatakot na ako kay Redford, please Aldrin tulungan mo ako, ilayo mo kay Redford please, ayoko na talaga, hirap na hirap na ako"
Inihiwalay ni Aldrin si Patricia sa kanya at hinawakan ito sa magkabilang braso "Alam mo Patricia, sa totoo lang gusto kitang tulungan, pero ayoko nang dagdagan ang gulo namin ni Tito"
"Please Aldrin, nakikiusap ako sayo, please baka mamaya kung ano pa ang magawa sa akin ng Tito mo, gusto ko nang layasan siya"
Napahawak sa ulo si Aldrin "Anong gusto mong gawin ko?"
"Ilayo mo sa kanya"
"Ha?"
"Ialis mo ako sa mansion please, itago mo ako, pag okay na ako babalik na lang ako sa New York"
"Pag-iisipan ko Patricia"
"Nakikiusap ako Aldrin, wala na akong malapitan pang iba, yung pamilya ko galit din sa akin dahil sumama ako kay Redford, kaya hindi ako makapagsumbong sa kanila"
"Sige mag-iisip ako, sa ngayon ang mabuti pa tumuloy ka muna sa isang hotel, dun ka muna, baka sakali marealize ni Tito ang pagkakamali niya sayo"
"Wala akong pera"
Kumuha ng pera si Aldrin sa wallet niya at inabutan ng 15k si Patricia "Sige na, baka dumating pa si Tito, magpalipas ka muna"
"Salamat, tatawagan kita ulit ha? Please help me Aldrin"
"Sige"
"Salamat" at hinalikan niya sa pisngi si Aldrin saka umalis na ng opisina, ngingiti ngiti siya habang sakay ng elevator, sa hotel muna siya tutuloy, susundin niya ang gusto ni Aldrin, hindi naman talaga siya sinasaktan ni Redford, ang totoo minahal siya ng husto nito, at ginagawa nito ang lahat para sa kanya
Pinuntahan naman ni Aldrin si Matt sa opisina nito nung after lunch na, sinabi niya ang problema ni Patricia
"Naku Pre" ani ni Matt "Gulo yan, buntis pa naman si Sarah, at saka wala tayong alam tungkol sa kung paano talaga ang pagsasama nila, baka mamaya gumagawa ng kwento ang Tita mo"
"Pero maga ang pisngi niya, may pasa pa, may marka pa ng kamay, ibig sabihin sinaktan talaga siya"
"Andun na ako Pre, pero personal na nilang problema yun ng Tito mo, di bale sana kung wala kayong issue, eh malamang nadagdagan pa dahil kay Mr. Vargas" ani ni Matt napabuntunghininga naman si Aldrin "At saka, hindi naman maganda ang pakikitungo niya sa asawa mo, baka mamaya gumagawa lang talaga siya ng paraan para mapalapit sayo"
"Hindi naman siguro"
"Isipin mo na lang si Sarah, ang sabi mo ayaw mong masaktan ang asawa mo"
"Oo naman, sabagay tama ka, hindi ako dapat makialam sa kanilang dalawa"
"Maiba tayo, yung mga inaanak mo nagyayaya ng swimming sa 6th birthday nila, invited kayo ni Sarah"
"Sige ba, kailan?"
"Weekend namin gagawin, pumunta kayo, naku magtatampo ang mga yun"
"Namimiss ko na nga ang mga biik na yun"
"Apat na biik na sila, si Jayr din ang bigat grabe, madalas ngang manakit ang likod ni Leina, tapos lagi pang nakayapos sa mommy niya"
"Siyempre lalaki, ganun daw yun pag lalaki, maki-mommy"
"Oo nga eh, pag niyayakap ko mommy niya nagagalit sa akin, pero wag ka, pag matutulog na kami, sa akin siya natutulog"
"Grabe Pre, naeexcite tuloy ako, gusto ko nang lumabas ang Baby namin"
"Ang sarap sa feeling Pre, pero wag kang mag-alala malapit mo nang maranasan yun" ani Aldrin, maya maya ay umuwi na rin siya, pagdating niya sa condo ay naabutan niyang nagluluto si Sarah
"Bebear ko" nakangiting ani ni Sarah, lumapit naman si Aldrin sa kanya at hinalikan siya sa labi saka niyakap siya mula sa likod
"Ano yang niluluto ng misis ko?" sabay halik sa balikat ni Sarah
"Chopsuey Bebear"
"Wow naman"
"Tapos Bebear gumawa ako ng leche flan kanina"
"Nax naman ang asawa ko" sabay yakap ng mahigpit at halik sa pisngi nito saka leeg
"Kamusta araw mo?"
"Ayus naman, nagpunta ako kay Matt, sabi niya magbibirthday na raw ang mga biik, swimming daw ang gusto"
"Oo nga nagtext din si Leina eh"
"Apat na biik na raw yun, kasi si Jayr daw napakabigat na, sumasakit na nga raw ang likod ni Leina"
"Mabigat nga kung ganun, baka hindi ko na siya mabuhat Bebear"
"Naku wag mo na nga munang buhatin, baka mapano kayo ng Baby natin"
"Mabuti pa Bebear, magshower ka na, malapit na tong matapos, para makakain na tayo"
"Okay" sabay hampas sa pwet ni Sarah
"Salbahe ka talaga Bebear" natatawang ani ni Sarah, tawa naman ng tawa si Aldrin.
Masaya silang naghapunan, at may rules silang mag-asawa, bawal ang cellphone habang kumakain, pagkatapos kumain ay pumasok na sa kwarto si Aldrin, naghugas naman ng pinagkainan nila si Sarah, habang nanonood ng tv si Aldrin sa kwarto ay nagring ang phone niya, sinagot niya ito nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag
"Hello" ani niya
"Hello Aldrin"
"Patricia?" gulat na ani ni Aldrin
"Andito na ako sa hotel, tinawagan ako ni Redford pero pinagbantaan niya ako na papatayin niya ako, Aldrin please help me"
"Basta wag ka munang aalis dyan, titingnan ko kung anong magagawa ko, relax lang, hindi ka niya magagalaw dyan"
"Wag mo akong pabayaan please"
"Tutulong ako sa paraang alam ko, sige na bye" sabay off ng phone, nagiguilty siya sa totoo lang, kahit wala naman sa kanya ang pagtulong kay Patricia ay hindi niya masabi kay Sarah dahil alam niyang masasaktan ang asawa, at ayaw niya ring maglihim dito hanggat maaari, pero parang kargo de konsensiya naman niya pag may masamang nangyari kay Patricia dahil hindi niya ito tinulungan, nalilito siya, hindi niya alam ang gagawin.