Episode 32

1176 Words
Pumasok na sa kwarto si Sarah, dumiretso na ito sa CR at nagfreshen up na, maya maya ay lumabas na ito, nakita niya parang tulala ang asawa "Bebear, may problema ka ba?" ani ni Sarah habang paupo sa kama "Bebear, I have something to tell you" "Ano yun?" "Si Patricia, pinuntahan niya ako sa opisina kanina" "Bakit daw?" "Hindi sila pumasok ni Tito Redford kanina, pero itong Patricia nagpunta sa opisina, maga ang mukha at may pasa, sinaktan raw siya ni Tito Redford" "Ha?" gulat na ani ni Sarah "Natatakot siya na baka kung ano ang magawa Tito sa kanya, sa New York pa lang daw ganun na si Tito sa kanya Bebear" "Anong ginawa mo?" Hinawakan ni Aldrin ang kamay ng asawa "Binigyan ko siya ng pera at sa hotel ko muna siya pinatuloy, tapos ngayon-ngayon lang tinawagan niya ako pinagbabantaan daw siya ni Tito" "Bebear, hindi sa wala akong tiwala kay Patricia, pero totoo kaya ang mga sinasabi niya?" "Hindi ko alam, pero saan manggagaling ang mga pasa niya sa mukha niya?" "Hindi ko rin alam, sabihin na nating sinaktan siya ni Tito, pero ang tanong, baka naman may ginawa siya kaya siya nasaktan" "Pero mali pa rin ang ginawa ni Tito, hindi siya dapat nananakit" "Sa tingin ko hindi tayo dapat makialam" "Kahit humingi na ng tulong ang isa sa kanila?" ani ni Aldrin, hindi naman nakakibo si Sarah "Hindi ba tayo masama nun? At kahit anong gawin natin, pagbaliktarin man natin ang mundo Bebear, pamilya natin sila" "Ano ngayon ang plano mo?" "Hindi pa ako makadecide, hindi ko alam kung paano tutulong" "Sige pag-isipan mo muna ng maigi" sabay higa at talikod sa asawa, niyakap naman siya ni Aldrin "Goodnight" ani ni Aldrin "Goodnight" "I love you" hindi agad nakakibo si Sarah, tumingin siya kay Aldrin at ngumiti "I love you too" sagot niya, hinalikan naman ni Aldrin sa labi ang asawa "Harap ka sa akin, gusto ko hug ko ang misis ko" humarap naman si Sarah sa kanya at yumakap, hinalikan niya ito sa noo at niyakap ng mahigpit, mahal na mahal niya ang asawa at ayaw niya sana na masaktan ito kaya nagdecide siyang sabihin ang totoo dito. Kinabukasan habang nag aalmusal sila ay may naisip si Aldrin "Bebear, ano kaya, kausapin natin ng masinsinan si Patricia? " "Sino? Tayo? Kasama ako?" "Oo" "Bebear naman, alam mo namang mainit ang ulo ng Tita mo sa akin" "She have no choice, Bebear, isang reason kaya kita gustong isama kay Patricia, dahil ayokong mag isip ka ng kung ano" "May dapat ba akong ipag alala?" "Wala" "Wala naman pala eh, basta ako may tiwala ako sayo, pero kay Patricia wala, pero alam kong hindi mo magagawang saktan ako" Hinawakan ni Aldrin ang kamay ni Sarah at ngumiti "Thank you so much for trusting me" "Ganun naman talaga dapat diba?" "Oo Bebear" "Mahal na mahal kita Bebear alam mo yan, pero wag mo akong sasaktan, dahil hindi mo na ako makikita ulit kahit ang magiging anak natin, pababayaan kita sa desisyon mo dahil naniniwala ako na gagawin mo ang tama" "Hindi ko sasayangin ang pagtitiwala mo asawa ko" "O tapusin mo na yan" "Oo nga, may meeting ako today with the investors, iwewelcome rin namin si Mr. Vargas" "Hindi ka ba tinetext ni Lola? Hindi ba niya binabalita sayo na hindi umuwi si Patricia" "Hindi pa, I think hindi pa niya alam na wala si Patricia sa bahay" "Anong sasabihin mo pag nagtanong siya sayo" "Sasabihin ko ang totoo, at siya na ang bahala na kumausap kay Tito Redford" "Okay, eh si Patricia?" "Pababayaan ko muna siya sa hotel hanggat hindi nakakapag usap sina Lola at Tito, pero hindi ko na lang siya pupuntahan ayaw mo akong samahan eh" ani ni Aldrin, ngumiti lang si Sarah, ang totoo yun lang ang gusto niyang marinig mula kay Aldrin, ang hindi nito pupuntahan si Patricia Lumipas pa ang mga oras, tinawagan ni Lola Consuelo si Sarah "Hello La" "Hello Sarah, asan ka apo?" "Nasa bahay po" "Samahan mo naman ako sa doktor ko, sumasakit kasi ang binti ko, lambing lang ni Lola, susunduin ka namin ng driver" "Sus Lola talaga, sige po aantayin ko na lang po kayo" "Okay apo, see you later" Maya maya ay dumating na sina Lola Consuelo, nagpunta sila sa doktor at pagkatapos ay kumain sila sa isang restaurant "Hay naku Sarah, ang mag-asawa hindi lumalabas sa kwarto nila, si Redford nakita ko kanina, bumati lang tapos ay bumalik na sa kwarto" "H-hindi niyo po nakikitang lumabas si Patricia?" "Hindi, nung isang araw pa" "Ahm La, nakapag-usap na po kayo ni Aldrin?" "Hindi pa, pero nagtext siya, may sasabihin raw siya sa akin, pinapapunta nga ako sa opisina kung okay lang daw, kasi ayaw niyang magpunta sa bahay, sabi ko masakit ang binti ko, bakit apo?" "Ahm La, si Aldrin na lang po ang tanungin niyo" "Ay naku sabihin mo na sa akin, magagalit ako sa inyo" "Eh kasi La, wala na sa mansion si Patricia, sinaktan daw siya ni Tito Redford, humingi siya ng tulong kay Aldrin" "What? Totoo ba yang sinasabi mo?" "Opo, yun po yung sinabi ni Aldrin kagabi sa akin, kahapon daw ng umaga nagpunta si Patricia sa opisina, puro pasa ang mukha" "Talaga? Eh asan daw si Patricia?" "Nasa hotel daw po, dun muna pinatuloy ni Aldrin" "Kailangan kong makausap muna si Aldrin" "La, kailangan nating tulungan ang mag-asawa" "Alam ko iha, mag-uusap muna kami ni Aldrin saka namin kakausapin muna si Patricia, gusto kong malaman ang totoo, bakit gagawin yun ni Redford ang saktan siya, baka naman kasi may ginawa siyang kinagalit ng anak ko" "Pero La, kahit na po, hindi pa rin siya dapat sinaktan ni Tito Redford, kaya lang po baka talagang may ginawa siya na ikinapikon ng asawa niya" "Malalaman natin yan iha, hay naku, ang daming problema niyang dalawa na yan, binalewala na nga natin yung panlolokong ginawa nila kay Aldrin tapos may ganyan pa sila" "Kaya nga po La, pero sabi nga po ng asawa ko, pamilya natin sila, at wala tayong magagawa kundi ang tulungan sila" "Napakabuti talaga ni Aldrin" "Oo nga po, at ang swerte ko po sa asawa ko" nakangiting ani ni Sarah "Swerte kayo sa isat-isa dahil buo ang tiwala niyo" "Ganun naman talaga dapat La, kailangan nating pagkatiwalaan ang mga mahal natin" "Tama ka dyan apo, nung nabubuhay pa ang Lolo niyo, para ring si Aldrin yun, yung ugali niya nakuha ni Aldrin, pasensyoso, mabait, makatao, mapagmahal at higit sa lahat faithful, bigla ko tuloy namiss ang asawa ko" nakangiting ani ni Lola Consuelo "May pinagmanahan naman po pala ang asawa ko eh" "Oo, kahit ang daddy niya ganun din, si Redford din naman kaya lang bigla siyang nagbago, ewan ko ba kung bakit" "Siguro po kailangan lang ni Tito ng taong iintindi sa kanya, baka may pinagdadaanan din siya na hindi natin alam" "Siguro nga, kakausapin ko rin siya, bigla tuloy akong naawa sa dalawang yun tsk!" "Maayos din to La" ani ni Sarah sabay hawak sa kamay ng matanda, nginitian naman siya nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD